Masayang ibinahagi ni Chito Miranda sa kaniyang Facebook account ang achievement ng kaniyang asawa na si Neri Naig. Bumili aniya si Neri ng 600sqm na lupa. Hindi siya makapaniwala sa nagawa ng kaniyang asawa.
Ayon sa kuwento ni Chito, kumikita pa rin naman siya sa pagbabanda at kumpleto pa rin ang TF na nakukuha niya sa mga online shows nila. Nakakapagbigay pa rin umano siya ng suporta sa kaniyang pamilya.
Binili umano ito ni Neri matapos niyang bilhin iyong lupa sa na gusto ni Chito sa kanilang village at isang condo sa Pico de Loro.
Proud na proud si Chito
Sa pagpapatuloy pa ng kuwento ni Chito sinabi niyang pinagmamalaki niya ang kaniyang asawa.
“Tawagin niyo nang pagmamayabang dahil pinagmamalaki ko ‘yung ginagawa ng asawa ko. Or sabihin niyo nang naiinggit ako dahil mas malaki na ‘yung income niya compared to what I was making, even before the lockdown started…ok lang.”
Sobrang proud umano si Chito sa mga achievement ng kaniyang asawa na si Neri Naig. Hindi umano siya naiinggit sa kaniyang asawa kundi siya’y mas naging inspired sa ginagawa nito.
“For me, sobrang proud lang talaga ako (paano ako magyayabang, eh achievements niya ‘yan…not mine). And instead na inggit, I’m honestly inspired by what she is doing.”
Katas umano ng pagtitiyaga ni Neri Naig ang mga iyon. Mula sa pagbebenta ng tuyo, kape, beddings, affordable na alahas, pajama at sa soon na raw ang pagkakaroon nito ng online shop.
Dagdag pa ni Chito kamakailan lamang ay nakabenta ang asawa niya ng 15 na lupa in less than a week.
“And recently, nakabenta siya ng 15 na lupa in less than a week…by utilizing her #teamwais network of resellers and distributors by making them referral agents for a licensed real estate company.”
Sabi pa ni Chito hindi umano pwedeng sabihin na artista si Neri kaya siya umunlad. Hindi naman daw umano ganoong kasikat si Neri para maging advantage niya ito.
Payo ni Chito Miranda sa iba
Ang dalawa umano sa mga reseller ni Neri ay nakabili na ng sarili nitong mga sasakyan at townhouse. Lahat daw iyon ay sa pagbebenta online dahil sa sipag at tiyaga.
“Bakit ka mahihiya mag-benta online, eh kung makakabili ka naman ng dalawang sasakyan? Mahihiya ka ba na panay benta mo sa FB at IG, pero may townhouse ka naman?”
Dagdag pa ni Chito, “Kung tulad ka ni Neri na walang paki sa sasabihin ng iba. At handa kang tutukan at paghirapan ‘yung goals mo, umasa ka na magagawa mo din ‘yung ginagawa nila.”
Mas nagging motivated daw si Chito na ginagawa ng kaniyang asawa at gusto umano itong tapatan.
“Ako honestly, na-inspire na din ako gawin yung ginagawa ng asawa ko…actually, gusto ko syang tapatan! Gusto kong bumili ng mas malaking lupa hehe! Tara…gawin na natin ‘to.”
Benepisyo ng isang supportive na asawa
Image from Unsplash
Ayon sa isang pag-aaral ang pagiging supportive ng mag-asawa sa isa’t isa ay nakakatulong para magkaroon ng isang healthy heart.
Sa pag-aaral ng mga researcher sa University of Utah mayroon 136 na couple, na may edad 63 at may average marriage na 35 years. Ang sumagot kung gaano ka-supportive ang kanilang asawa at ano ang quality ng kanilang pagsasama.
Lumabas sa pag-aaral na 30% na kalahok ang sumagot na ang kanilang asawa ay supportive at helpful sa kanila kung mayroon silang problema. Sa kabilang banda 70% naman sa mga kalahok ang sinabing ang kanilang mga asawa ay minsan helpful at minsan ay upsetting.
Ayon sa mga mananaliksik bumababa ang tiyansa ng sakit sa puso kung mayroon kang supportive na asawa. Mayroon malaking impact ang pagiging supportive niyong mag-asawa sa isa’t isa sa pagkakaroon ng malusog na puso.
“Couples who have more ambivalent views of each other actively interact or process relationship information in ways that increase their stress or undermine the supportive potential in the relationship. This, in turn, may influence their cardiovascular disease risk.” Winika ni Bert Uchino isang psychological sa University of Utah.
Iba pang benepisyo
Kapag supportive ka sa iyong asawa o partner mas nagiging smooth sailing ang inyong relasyon. Hindi ito kontrolado ng iisa o hindi ito magiging mapanakal na relasyon.
Magbibigay rin ito ng kapanatagan at tiwala pa sa isa’t isa. Kung sinusuportahan mo ang iyong asawa tumataas ang kaniyang confidence. Nakakatulong din ito sa inyong relasyon.
Hindi ibig sabihin ay mag-asawa na kayo ay wala na rin kayong sariling mga goal individually. Pagbibigay rin ito ng freedom sa isa’t isa pero hindi naman nito ibig sabihin ay babalewalain na ang inyong pagsasama.
Parehas kayong umuunlad o nagtatagumpay individually, at the same time pati ang inyong relasyon at pamilya. Tandaan maging supportive sa inyong asawa o partner para sa isang healthy at successful marriage and relationship.
Source:
Chito’s Facebook account, fergusonvalue
BASAHIN:
Sleeping position ng mag-asawa, pahiwatig ng matatag na pagsasama
Makakatulong nga ba sa relasyon ng mag-asawa ang scheduled sex?
STUDY: 12 common mistakes na nakakasira sa relasyong mag-asawa
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!