LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda

LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda

Silipin ang naging sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa isang issue na ibinabato nito sa asawang si Chito Miranda.

Almost five years na ngang kasal ang mag-asawang si Chito Miranda at Neri Naig. Sa haba na rin ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa mayroon na rin silang dalawang taong gulang na anak na pinangalanan nilang Alfonso o Miggy kung tawagin nila.

Madalas ngang nagde-dedicate ng appreciation post ang frontman ng Parokya ni Edgar na si Chito sa asawang si Neri at minsan rin ay sinasagot ito ni Neri sa kaniyang Instagram account.

"Secured ako sa pagmamahal ng asawa ko" post

Alam ng lahat na malapit na kaibigan ni Chito Miranda sina Bubbles Paraiso at Angel Locsin, dahil nga rito naging malapit na rin ito sa asawang si Neri Naig sapagkat best friends nga ni Chito sila Bubbles at Angel.

Ngunit laging nali-link si Chito kina Angel at Bubbles, ngunit ngayon nga putok na putok ang issue tungkol sa namamagitan kina Chito at Bubbles.

Lalo na lately, na nakasama nila Bubbles at Angel si Chito sa isang Halloween party. Aniya nga nito sa post niya, "Halloween tambay with the boys..."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Ngunit ang post na ito ni Chito ay binigyang malisya ng isang netizen at i-shinare nga ito ng asawang si Neri sa kaniyang Instagram account.

Sinagot nga ni Neri ang tsismis na ikinuwento ng netizen, aniya sa post, "May kailangan ba kayong i-explain sa akin? @chitomirandajr @bubblesparaiso hahaha! Tawang tawa talaga ako dito!"

"Kasalanan ba nila Angel at Bubbles na magaganda at sexy sila? Bawal na magkaroon ng best friend na lalaki? Pagbabawalan ko na ba? Hehe," sambit pa niya.

Paliwanag ni Neri, "Ever since hindi ko pinag-isipan ng may malisya sila Chito kasama si Bubbles at Angel. Kung alam lang din ng mga tao kung paano nila asarin si Chito! ?✌"

"Pero seriously, magkaibigan po talaga sila at never kong pinagbawalan si Chito maki-hang out sa kanila o kahit kaninong tao mapababae man o lalaki, ok lang sa akin," dagdag pa nito.

"Why? Bakit ko kailangan siyang paghigpitan? Ang tao kung gusto nyang magloko, magloloko yan kahit ano pang bantay ang gagawin mo," sagot niya.

"Saka secured ako sa pagmamahal ng asawa ko. Kung dati ngang bf/gf palang kami, NEVER ko siyang pinagbawalan, mas lalo ngayong mag asawa na kami. Saka secured din ako sa sarili ko," diin ni Neri.

"Hindi lang talaga ako palalabas kahit pa noong dalaga pa ako. Mas lalo na ngayon at may anak ako, aniya pa.

Pahayag pa ni Neri, "I love Angel and Bubbles kase mabait talaga silang tao, hindi lang kay Chito, pati sa amin na rin ni Miggy. Pati na rin si Neil, lagi nila inaalala kami ni Miggy."

Pahabol pa nito, "Gumawa pala ako ng vlog about sa pagchi-cheat ng lalaki, hehe! Featuring Chito syempre. Post ko soon after ma-edit."

"Pero maganda rin etong topic na may mga close friends o best friends na mga babae ang bf o asawa mo. Paano mo malalaman na magkaibigan lang talaga sila," pagbanggit niya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Nag-komento nga sa post ni Neri sina Bubbles Paraiso, Angel Locsin, at fiancée nitong si Neil Arce.

LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda

Ito naman ang mahabang sagutan sa pagitan nila Bubbles, Angel, Chito, at Neri sa komento ni Bubbles sa post ni Neri.

LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda

LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda

LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda

Ito naman ang sagutan sa pagitan nila Angel, Bubbles, Chito, at isang netizen na di-umano na nasa Halloween party sa komento ni Angel sa post ni Neri.

LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda

LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda

LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda

Source: Neri Miranda

Basahin: 8 karaniwang dahilan kung bakit nangangaliwa si mister

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner