Chito Miranda nagiging ‘miserable’ kapag ‘di kasama pamilya

Labis na stress at separation anxiety ang nararanasan ni Chito Miranda tuwing may tour sa ibang bansa ang banda at 'di niya kasama ang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Challenging para kay Chito Miranda ang concert at live show nila ng bandang Parokya ni Edgar sa ibang bansa, tuwing malayo umano siya sa pamilya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Chito Miranda nai-stress daw kapag ‘di kasama si Neri at mga anak
  • Ano ang dapat gawin kapag nakaranas ng separation anxiety sa pamilya

Chito Miranda nai-stress kapag ‘di kasama pamilya

Nagbahagi ng mga larawan si Chito Miranda sa kaniyang social media. Kalakip ng Instagram post niya ay ang caption kung saan ay ikinuwento nito ang kaniyang nararamdaman tuwing may concert o tour sila ng kaniyang bandang Parokya ni Edgar sa ibang bansa at hindi niya kasama ang pamilya.

Larawan mula sa Instagram ni Chito

Matinding homesick at stress umano ang nararanasan ni Chito Miranda tuwing nasa ibang bansa at hindi kasama ang wife na si Neri at ang kanilang mga anak.

Kwento ng singer-songwriter, mayroon silang tour sa New Zealand at Australia na aabutin umano ng 3 weeks. Kaya masaya siya na sumama sa kaniya ang kaniyang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nase-stress kasi talaga ako pag matagal akong nawawala eh. Alam ni Neri at ng mga kabanda ko yun. Palagi kong gusto umuwi agad after work, at di ko talaga kaya mag matagal na tour na hindi sila kasama.”

“Masaya yung gigs. Sobrang saya pa rin tumugtog. Sobrang enjoy din kasama mga kabanda ko…pero yung mga bakanteng araw na walang work, dun ako nayayari. Nagiging miserable talaga ako, and di ko na nae-enjoy mag-tour,” dagdag pa ng OPM icon.

Aniya pa, kailangan niya raw talaga ang kaniyang pamilya para makapag-function siya nang maayos sa kaniyang trabaho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Chito

Malayo sa pamilya at inatake ng separation anxiety, ano ang dapat gawin?

Ang separation anxiety ay isang natural na reaksyon sa pagiging malayo sa pamilya, lalo na kung malapit ang inyong relasyon. Kung kagaya ni Chito Miranda ay nakararanas ka nito tuwing napapalayo ng ilang araw sa pamilya, narito ang ilang hakbang na maaari mong gawin:

Tanggapin ang emosyon

Mahalagang kilalanin at tanggapin ang nararamdaman. Huwag ipilit na itago o labanan ang kalungkutan; sa halip, payagan ang sarili na damdamin ito. Ang pag-unawa na normal ito ay unang hakbang sa pagharap dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panatilihin ang komunikasyon

Makipag-ugnayan sa pamilya gamit ang mga teknolohiya tulad ng video calls o chat. Ang regular na pakikipag-usap ay maaaring magbigay ng kaaliwan at magpapaalala na malapit pa rin kayo kahit magkalayo.

Larawan mula sa Instagram ni Chito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maglaan ng oras para sa sarili

Ituon ang pansin sa mga aktibidad na nagbibigay saya at kapayapaan, tulad ng pagbabasa, pag-ehersisyo, o paggawa ng bagong hobby. Makakatulong ito upang mailihis ang atensyon mula sa lungkot at mapunan ang oras na malayo sa pamilya.

Maghanap ng suporta

Kung labis ang nararamdaman at hindi na kaya, humingi ng tulong mula sa kaibigan, counselor, o support group. Maaaring may mga taong nakaranas na rin ng parehong sitwasyon at makapagbibigay ng payo.

Planuhin ang susunod na pagkikita

Pag-iisip ng mga plano para sa muling pagkikita ay maaaring magbigay ng pag-asa at saya. Tandaan na pansamantala lamang ang inyong pagkakahiwalay.

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, maaaring unti-unting maibsan ang separation anxiety at magiging mas madali ang pagharap sa sitwasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan