Choking first aid? Mahalagang alamin, mga mommy!
Hindi natin maitatanggi na ang mga bata ay sobrang makukulit. Lahat ng madadampot nilang bagay ang agad na ilalagay sa bibig para isubo. ngunit hindi lahat ay ganito. Ang simpleng pagkain nila na akala mo ay safe si baby ay maaaring pagmulan din ng disgrasya ng iyong anak.
Katulad na lamang ng mabilaukan ang isang 2 years old dahil sa kinakain nitong lollipop. Ano nga ba ang dapat tandaan para maiwasan na mabilaukan ang isang bata ng pagkain o kanyang laruan?
2 years old na bata patay matapos mabilaukan ng dahil sa lollipop
Isang 2-year old na baby mula sa Newton Heath, Manchester ang bigong makaligtas dahilan lamang sa pagkain ng lollipop. Hindi raw ito nakahinga nang biglang humiwalay ang stick ng lollipop sa candy. Isinugod naman agad ang bata sa ospital ngunit sa kasamaang palad ay agad din siyang binawian ng buhay.
Samantala, nag-iwan naman ng paalala ang mga magulang nito sa mga katulad nilang may anak na mahilig kumain ng matitigas na bagay na maaaring makabara sa lalamunan. Dobleng pag-iingat daw ang kailangang gawin upang hindi na masundan pa ang trahedyang ito.
Ngunit para na rin makaiwas, maaring ‘wag muna bigyan ang mga baby ng pagkaing maliliit na kayang-kaya nilang maisubo. Kung hindi kasi ito mapipigilan, mas mabuting iwasan na lamang ito. Maigi din kung ilalayo ang mga maliliit na bagay sa mga baby.
Pero ano nga ba ang dapat gawin kung sakaling mabilaukan si baby?
Mahalagang malaman nating mga magulang ang sintomas na nabibilaukan na si baby. Narito ang ilan sa kanila:
Sintomas na nabibilaukan si baby
- Impit na iyak at tila hindi mapakali
- Namumula ang mukha
- Maputla o kulay blue na labi
- Hindi makahinga
- Pagkawala ng malay
Back Blows
Una, marahang ihiga si baby sa iyong hita. Siguraduhing nakasuporta ang iyong mga kamay sa kaniyang ulo at leeg upang maiwasan ang aksidente.
Pangalawa, gamit ang matambok na bahagi ng iyong palad (heel of a hand), madiing hampasin nang dahan-dahan ang likod ni baby ng limang beses. Ito ay para magawang lumabas ng nakabarang bagay sa lalamunan ng bata.
Kung hindi naman ito gumana, kailangan subukang gawin ang isa pang Choking first aid procedure.
Chest Thrusts
Una, patihayang i-higa si baby sa iyong mga hita. Alalahanin lang na kailangang nakasuporta ang iyong mga kamay sa kanyang ulo at leeg. Ito ay para maiwasan ang aksidenteng pagkalaglag.
Pangalawa, ipwesto ang dalawang daliri (index and middle finger) sa dibdib ni baby at madiing dahan-dahan itulak ito ng limang beses.
Kung sakaling hindi pa rin ito gumana, tumawag na ng tulong o dalhin na sa pinakamalapit na ospital si baby. Patuloy lang na gawin ang nasabing procedure hanggang sa dumating ang naturang tulong.
Kung mawalan ito ng malay, kailangan nang isagawa ang CPR sa bata.
Panoorin ang buong video tungkol sa Choking First Aid :
Laging tatandaan na “prevention is better than cure”. Mas mabuting iwasan na natin ang mga bagay na pwedeng makadisgrasya kay baby. Ang maliliit na bagay ay madaling madampot ni baby kaya kadalasan ay naisusubo ito. Bantayan din ang mga kinakain o laruan niya dahil maaaring may mga bahagi ito na pwedeng masira at aksidenteng malunok ng bata.
Sources:
BASAHIN:
Bata, namatay matapos ma-choke sa laruan na bola
Mga first aid techniques na dapat malaman ng lahat ng magulang
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.