Kadalasang makikita sa mga laruan na binibili ang warning labels—kung isa ba ito sa mga choking hazards para sa toddlers. Isang ina mula sa Tasmania ang nagbahagi ng istorya niya na magsisilbing aral sa mga magulang upang bantayan maigi ang kanilang mga anak.
Regalo sa bata
Binuksan ng tatlong-taong gulang na si Alby ang isang pack ng bouncy ball, isang regalo sa kaniya para sa darating niyang ika-4 na kaarawan. Nakasulat sa pakete na isa ito sa mga choking hazards para sa toddlers na 3 years old and below.
Hinayaan siya ng kaniyang ina, na buntis ng mga panahon na iyon, na maglaro dahil binabantayan naman niya ito at three feet lang ang layo niya sa bata.
Ngunit, kahit na lagpas na si Alby sa edad na sinasabing isa ito sa mga choking hazards para sa toddlers, malagim pa rin ang nangyari. Isinubo ng bata ang bouncy ball at na-stuck ito sa daluyan ng hangin.
Napansin ng kaniyang nanay na si Anna Davis na hindi makahinga ang kaniyang anak. 16 na minuto niyang sinubukan na i-CPR ang kaniyang anak habang hinihintay na dumating ang ambulansya.
Nang dumating ang emergency response team, sinubukan ng mga ito na i-revive si Alby. Sa kasamaang palad, hindi na siya na-revive. 40 minutes matapos ang insidenteng pagka-choke, binawian ng buhay ang bata.
Mensahe ng ina
Recently, nag-post ang ina ng bata sa kaniyang social media account. Sinabi nito na nami-miss niyang gumawa ng gawaing bahay—maglaba ng maraming damit, maglinis ng sahig, at ang walang katapusang paghugas ng mga pinagkainan. Ngayon daw kasi na nabawasan ng isa ang kaniyang pinagsisilbihan, damang-dama niya ang pagkawala ng kaniyang anak.
“It’s all about perspective mamas… As wearisome and unrelenting as it is, shifting your mindset to one of gratitude may make that monotony just a tad bit sweeter,” aniya.
Dagdag pa niya na ang ginagawa ng mga nanay ay hindi simpleng “housework,” kundi “lovework.”
First aid
May mga bagay na hindi natin inaakalang kabilang sa choking hazards pala para sa mga toddlers—katulad ng mga pagkain, laruan, o mga simpleng bagay na makikita sa loob ng bagay. Importante na alam natin kung ano ang gagawin kung ma-choke ang bata.
Narito ang isang video na nagpapakita ng first para sa batang nacho-choke (nabulunan):
Source: Daily Mail
Basahin:
One-year-old girl dies after choking on a piece of hotdog
5 Unusual choking hazards parents need to know about