Grade 9 student, pinatay at binalatan ang mukha

Natagpuan ang 17-anyos na si Christine Silawan na wala ng buhay at binalatan ang mukha sa isang bakanteng lote sa Lapu-Lapu City.

Marso 10, Linggo, nang magpaalam si Christine Silayan sa kaniyang nanay na pupunta lamang sa simbahan kung saan kasapi siya church ministry bilang church collector. Hindi inakala ng nanay nito na ito na ang huling beses na makikita niya ang kaniyang 17-anyos na anak.

Grade 9 student na si Christine Silawan

Christine Silawan: Missing person

Matapos ngang mag-paalam ang dalagita sa kaniyang ina upang pumunta sa simbahan, hindi na ito nakauwi sa kanilang tahanan. Agad namang nagpunta ang ina sa pulisya upang i-report ang pagkawala ng kaniyang anak.

Kaninang umaga, Marso 11, nagulat ang mga residente ng Sitio Mahayahay sa Barangay Bangkal nang matagpuan ang bangkay ng isang babae na binalatan ang mukha. Hindi na ito makilala dahil bungo na lang ang tinira ng salarin.

Bukod sa karumal-dumal na ginawa sa mukha nito, wala ring pang-ibabang saplot ang babae.

Ayon sa mga ulat, ginilitan din ito at mayroong nakitang bakas ng saksak sa katawan na hinihinalang mula sa ice pick.

Iniimbestigahan din ng mga pulis kung hinalay ang biktima dahil wala na itong underwear nang matagpuan.

Natagpuan ang bangkay ni Christine Silawan sa isang bakanteng lote.

Christine Silawan: Homicide investigation

Dahil sa pinsalang natamo ng biktima sa mukha, hindi na ito makilala. In-identify na lamang ito ng kaniyang ina base sa damit na suot nito.

Ayon kay Lapu-Lapu City police director Colonel Lemuel Obon, huling nakitang buhay ang dalaga na may kasamang tatlong lalaki,

“We have witnesses who said three men were seen with the victim. We are now tracing their whereabouts,” aniya.

Dagdag pa nito na dahil sa paraan ng pagpaslang at paglapastangan sa katawan ng biktima, maaaring mga adik ang mga suspek na gumawa nito.

Kung may nalalaman na impormasyon tungkol sa kasong ito, huwag mag-atubiling i-report sa pulisya upang matulungang makamtam ng pamilya ng biktima ang hustisya.

Anong puwedeng gawin upang maprotektahan ang mga bata?

Bilang magulang, nakakabahalang makabasa ng ganitong mga ulat. Hindi man natin magagarantiya ang safety ng ating mga anak, may mga hakbang na puwedeng gawin upang mailayo sila sa panganib o at least, madaling makakuha ng saklolo.

Narito ang ilang tips para sa mga magulang:

  1. Kapag aalis ang anak nang mag-isa, siguraduhing kilala ang mga taong kasama niya.
  2. Ibilin sa anak na magbigay ng update kung saan siya naroroon.
  3. Para sa mga younger kids, mayroong nabibiling mga GPS watch kung saan maaaring mong ma-check kung nasaan ang bata gamit ang iyong cellphone. May mga GPS watch na puwedeng gamitin ng bata para tawagan ang magulang in case of emergency.
  4. Para sa older kids, maaari silang bigyan ng cellphone. Hindi kinakailangang mamahalin na smart phone. Basta’t may basic functions katulad ng text at tawag ay puwede na. Basta may paraan lang na ma-contact din sila.
  5. Turuan ang mga anak kung paano ma-identify ang “good strangers” at “bad strangers.”
  6. Turuan sila kung sino-sino ang puwede nilang hingan ng tulong sakaling sila ay malagay sa pahamak.
  7. Siguraduhing alam ng bata ang phone number at address ng bahay ninyo. Importante ito sakaling sila ay mawala.

 

Sources: Inquirer, GMA News, Manila Bulletin

Basahin: Parents of missing magna cum laude graduate seek help finding their son