Pasko ang isa sa mga pinakahihintay na pagdiriwang ng mga Pilipino. Katunayan, kilala ang bansa na mayroong pinakamahabang selebrasyon ng Pasko. Kaya naman, pagpasok pa lang ng BER months ay nag-uumpisa nang maglagay ng dekorasyonng pampasko ang mga Pilipino. Nakabisita na ba kayo sa mga kilalang Christmas attractions sa Metro Manila? Alamin dito kung saan puwedeng pumunta ang inyong pamilya ngayong Pasko.
Family-friendly Christmas attractions sa Metro Manila
Festival of Lights sa Ayala Triangle Gardens
Tiyak na mamamangha ang mga chikiting sa magical festival of lights ng Ayala Triangle Gardens sa Makati City. Gabi-gabi ay nagliliwanag ang iba’t ibang Christmas décor mula alas-6 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi sa Ayala Triangle Gardens.
“Christmas Night with Countless Lights,” ang tema ngayong taon. At nahahati ito sa iba’t ibang segment. Ang una ay ang “Kaleidoscope of Sight, Sound, and Light” kung saan matutunghayan ng mga manonood ang dynamic light projections na nakikisayaw sa pamilyar na local Christmas tunes. Ang ikalawang segment ay sa saliw naman ng mga jukebox-style melodies at jazzy beats.
Larawan mula sa Facebook page ng Make It Makati
Sa third segment naman ay swak para sa new generation, lively medley naman ng mga popular na K-pop songs ang pinatutugtog. Magkahalong bago at lumang tugtugin, kaya naman tiyak na buong pamilya ang masisiyahan. Maaaring mapanood ang Festival of Lights hanggang sa January 14, 2024.
Christmas underwater sa Manila Ocean Park
Kung kakaibang Christmas experience naman ang hanap, pwedeng pumunta sa Manila Ocean Park. Taun-taon ay mayroon silang Christmas underwater event. Kung saan tampok ang mga underwater show mula sa mga synchronized swimmers na nakasuot ng colorful mermaid tails. Puno rin ng magagandang display ng Christmas lights at iba pang Christmas decorations ang buong aquarium. Kaya naman feel na feel talaga ang Christmas vibe. Tiyak na matutuwa ang inyong mga anak sa palabas na ito.
Christmas attractions: Your Home for Christmas sa Araneta City
Giant Christmas tree naman ang pasabog ng Araneta City, Quezon City. November pa lamang ay nagliliwanag na ang iconic giant Christmas tree ng Araneta City. Ngayong taon, ang dekorasyon ng giant Christmas tree ay gold, silver, at red color. Napapalamutian ito ng napakaraming LED bulbs, glossy Christmas balls at stars, pine garlands, sputnik at snowflakes.
Ang bongga pa rito, mayroong golden carousel sa ilalim ng giant Christmas tree na tiyak na ikatutuwa ng mga batang makakakita.
Larawan mula sa Facebook page ng Araneta City
Christmas attractions: Sparks in the Sky ng Bonifacio Global City
Hindi lang karaniwang mga dekorasyong pamasko ang naka-display sa BGC. Tuwing Biyernes ay mayroon ding special fireworks shows sa BGC nang 7:30 ng gabi. Ang firework show ay hanggang sa December 29. At makikita ito sa kabuuan ng business district. Pero ayon sa admin ng BGC, mas maganda ang tanawin malapit sa 5th Avenue, kung saan ay mas kita ang kagandahan ng mga fireworks sa kalangitan.
Meralco Liwanag Park sa Pasig City
Hindi naman pahuhuli sa pagpapa-ilaw ang Meralco Liwanag Park sa Pasig City. Iba’t ibang Christmas display din ang matutunghayan sa nasabing park. Nasa humigit-kumulang 100,000 Christmas lights at lanterns ang naka-display sa Meralco Park. Tampok ang magandang Christmas village at ang larger-than-life belen sa Liwanag Park.
Larawan mula sa Facebook page ng Make It Makati
Paskong Pinoy Christmas Village sa Rizal Park
Syempre, taun-taon ding hindi papakabog ang Rizal Park. Kung gusto mong imulat sa Filipino holiday traditions ang iyong anak, pwedeng-pwedeng bisitahin ang Paskong Pinoy Village sa Rizal Park. Sa nasabing Christmas attraction, tampok ang replica ng tradisyunal na Filipino village. Mayroong naggagandahang dekorasyon at food stalls.
Hindi rin kompleto ang Christmas Village sa Rizal Park kung wala ang mga cultural performances na lalong magpapabuhay sa Paskong Pinoy sa ating puso. Puwede ring makiisa sa masayang activities tulad ng parol-making at caroling.
Mommy and daddy, tandaan lang na kung pupunta sa mga nabanggit na Christmas attractions sa Metro Manila, asahan din ang dami ng tao na bumibisita rin sa mga nasabing lugar. Tiyaking ligtas ang inyong anak ano mang oras.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!