Chynna Ortaleza napansin na nagkaroon ng "mild speech delay" ang anak marahil dahil na rin sa lockdown

Ayon kay Chynna, "With my son Salem, since he did grow up in a pandemic setting, I already saw learning delays very early on."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Chynna Ortaleza, nakaapekto ang lockdown during COVID-19 pandemic sa kaniyang son dahil sa limited interaction na sana’y naranasan nito with other kids.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Chynna Ortaleza shares how she helped her son learn in a pandemic set-up
  • What is a developmental delay?

Chynna Ortaleza shares how she helped her son learn in a pandemic set-up

Kilala ang aktres na si Chynna Ortaleza dahil sa kanyang mga kontrabida roles, pero sa pagiging ina, labis kung mag-alaga at maglambing si Chynna.

Sa isang panayam sa kanya sa launching ng Similar GainSchool Level Up For 3 Years Old and Above, ibinahagi niya kung paano niya tinulungan ang kanyang only son na si Salem sa learning delay nito. Pagkukwento ng aktres, una niya raw nakita ang mild speech delay ng kaniyang anak nang sinusubaybayan niya ang pagtanda nito sa pandemic set-up,

“With my son Salem, since he did grow up in a pandemic setting, I already saw learning delays very early on.”

                         Larawan mula sa Instagram account ni Chynna Ortaleza

Dahil nga raw sa kanyang pag-aalala, pinagpasyahan na nilang lumapit sa eksperto upang makasigurong nasa maayos na kalagayan lang ang kanyang anak.

“In fact, we just visited a developmental pediatrician. Just to make sure din na he’s okay. So, he does know a lot of things but he has trouble like expressing them.”

Base na rin daw sa payo ng doktor, in-enroll na rin daw nila sa isang playschool ang anak na tingin nila ay makakatulong sa learning delay nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“So right now, what we are trying to do with him is we are going to finally take him out to like play school.”

Ibinahagi niya rin daw na isa siya sa “praning mommies” dahil sa pandemic. Sinabihan na raw siya ng mga doktor na hindi rin ito maganda para sa kanyang mga anak kaya kinakailangan talaga nilang lumabas at makisalumuha sa iba pang bata,

“Sinasabi ko nga sa inyo super praning ako, so sinasabi sa akin ng doctors, ‘It’s not gonna do your children any good if you stay that way so it is time for you to go out. So for the sake of my children sabi ko nga, ‘Oh sige, let’s do it. So, we have been taking him out like once or twice a week so that he can interact with other children.'”

Larawan mula sa Instagram account ni Chynna Ortaleza

Naging malaking tulong din daw ang music para sa kanyang mga anak. Hinahayaan daw kasi ng asawa niyang si Kean Cipriano ang mga anak na gamitin ang instruments nito at gumawa rin ng sarili nilang mga kanta.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“He’s lucky rin he has an ate. Stellar kasi is super like creative so what they do together that we encourage at home. Since you know my husband is a musician, he allows them to experiment with his equipment. “

Nire-record pa nga raw nila ang mga ginagawa ng mga bata kaya ngayon ay nakagawa na sila ng mga kanta. Napansin niya raw na na malaking tulong ito sa communication skills ng kanyang mga anak,

“Super saya nila. Stellar has her own songs na, and then because of that Salem starts having it. I think, it really helps in terms of his communication skill.”

Larawan mula sa Instagram account ni Chynna Ortaleza

Para kay Chynna, maganda raw na matulungan ang bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng time sa kanila na maglaro at to have fun.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I feel that, that also help them express their emotions.”

May mga panahon daw na kaya nang sabihin ng mga anak nila na nalulungkot sila kahit walang dahilan. Sa ganitong way raw ay may expressive at vocal na sila sa kanilang nararamdaman.

What is a developmental delay?

Hindi pare-pareho ang learning at growth ng bawat bawat bata. Mayroon kasing iba’t ibang factor na kailangan tignan sa kanilang pagkatuto. Isa na diyan ay maaaring ang pagkakaroon ng developmental delay.

Tumutukoy ang developmental delay sa pagkakaroon ng delay sa pagkatuto ng bata sa dalawa hanggang tatlo sa areas of development ng isang tao. Maaaring makita ito kung ang isang bata ay nakikitaan na delayed ang developmental skills. Kung saan hindi sumasabay ang kanyang development sa ibang bata na kasing edad niya.

Kung minsan naman ay nahihirapan silang makipag-socialize sa ibang tao o mag-perform nang maayos sa school. Maaari rin daw itong makita kung nahihirapan ang bata na mag-aalala ng mga bagay-bagay.

Nagkakaroon ng ganito ang isang bata dahil sa mga sumusunod na dahilan?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pagkakaroon ng hereditary conditions na tulad ng Down Syndrome
  • Mayroong trauma sa brain
  • Dahil sa post-traumatic stress disorder o severe psychosocial trauma
  • Presence ng serious infections
  • Pagdi-deprive sa pagkain o maayos na environment

Ang ilan naman sa therapies na isinasagawa para dito ay:

  • Speech and Language Therapy
  • Early Childhood Special Education
  • Physical Therapy
  • Occupational Therapy
  • Behavioral Therapy

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva