Ciara Sotto sa mga taong nanloko: “Kung ayaw na nila sa’yo, bye! Kung gusto na nila umalis, ihatid mo sa pintuan palabas. Sipain mo pa!”

Ayon kay Ciara, siya ay walang boyfriend sa ngayon at masaya sa pagiging single.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ciara Sotto sinabing hindi kayang i-tolerate ang cheating. May payo pa sa mga taong naloko.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Ciara Sotto may payo sa mga taong naloko.
  • Life story ni Ciara Sotto.

Ciara Sotto may payo sa mga taong naloko

Larawan mula sa Facebook account ni Ciara Sotto

Sumagot sa ilang personal questions ang aktres at pole dancer na si Ciara Sotto sa kaniyang vlog. Isa sa mga naging tanong sa kaniya ay kung paano siya nakikipag-deal sa cheating. Mabilis naman ang sagot dito ni Ciara na sinabing hindi niya kayang i-tolerate ang cheating at goodbye agad sa taong nanloko sa kaniya.

“I can’t deal with cheating. So if the guy cheats, goodbye. Bigay ninyo na sa kanila kung ayaw niya sayo. Kung ayaw na nila sayo, bye! Kung gusto na nila umalis, ihatid mo sa pintuan palabas. Sipain mo pa! Joke lang!”

Ito ang natatawang sagot ni Ciara.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ciara minsan ng nabiktima ng cheating

Matatandaang taong 2010 ng maikasal si Ciara sa entertainment executive na si Joe Oconer. Sila ay may anak na si Crixus na isinilang ni Ciara noong 2015. Pero noong sa sumunod na taon ay inihayag ni Ciara na umalis na siya sa bahay na tinitirhan nila ni Joe. Ang dahilan umano ni Ciara nalaman niyang nag-checheat si Joe sa kaniya.

“These past weeks have been very difficult for me and my son. It’s true that I moved out of our home and decided to go back to my parents’ house for now. The truth is painful, but it is what it is.”

Ito ang pahayag ni Ciara sa kaniyang Instagram account tungkol sa hiwalayan nila ng mister.

Taong 2018 nag-file ng annulment si Ciara. Ito ay agad namang nabigyan ng bisa ng sumunod na taon kung saan tuluyan ng na-annul ang kasal ni Ciara at Joe Oconer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa Q&A vlog parin ni Ciara ay natanong siya kung kumusta na ang relasyon nila ngayon ng dating mister na si Joe Oconer. Sinagot niya ito na maayos ang relasyon nila at magkasundo sila pagdating sa pagpapalaki ng kanilang anak.

“We are good friends I think we our co-parenting well”, sabi ni Ciara.

Sa isang episode ng kaniyang vlog noong 2021 ay sinabi ni Ciara na napatawad niya na ang dating mister. Ito daw ay ginawa niya para sa kaniyang sarili.

“Of course, napatawad ko na siya. I mean it’s really hard if you harbor unforgiveness in your heart. I mean, when you forgive someone, you are doing it for yourself, it’s not for the person. It doesn’t get the person off the hook. I mean, whatever else that person does, it’s already his problem.”

Dagdag pa ni Ciara, nagawa niya ring patawarin ang mister para sa kapakanan ng anak nila. Sa ngayon daw ay friends sila at malapit parin sa isa’t-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It’s always best to forgive and I do not want my son to grow up knowing he has a very unforgiving mom. So, yes, napatawad ko na siya and we’re friends. As in like friends that can text each other anytime, call each other anytime. You know, he knows me well and I know him well. So we’re good friends.”

Pagdating pa nga sa pagiging magulang nila sa anak na si Crixus, sabi ni Ciara ay mukhang effective naman ang set-up nila.

“I think we are co-parenting well”, sabi pa ni Ciara.

Larawan mula sa Facebook account ni Ciara Sotto

Life story ni Ciara Sotto

Matapos ang annulment sa dating mister na si Joe Oconer ay nagkaroon ng bagong pag-ibig si Ciara sa katauhan ng Filipino-American na si Ian Austin. Ang relasyon nila ay nagsimula ng taong 2018. Pero ng taong 2021 ay inihayag ni Ciara na natapos na ang pagsasama nila ni Ian. Ito ay kaniyang ginawa sa Q&A episode rin ng kaniyang vlog kung saan natanong siya kung may balak pa siyang magpakasal. Ito ang naging sagot ni Ciara.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nope, sorry. I’m single now. So, that answers the question why I’m not planning to get married soon. I’m single again. Some things just don’t work out. I just feel that when something has to end, you just end it. Especially when you have peace in your heart. When things aren’t working anymore, you just have to let it go.”

Sa pinakabagong vlog episode ni Ciara, sinabi niyang masaya siya ngayon sa pagiging single. Ang pagiging happy daw ang sikreto niya kung bakit sa kabila ng edad ay still looking young parin siya.

“Kung tatanungin ninyo ko kung masaya ako now? Mas masaya ako.”

“I  just stay happy and stay away from stress. And my heart is happy”, sabi pa ni Ciara.

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement