Nagdeklara na ng class suspension ang iba’t ibang paaralan, hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa iba pang bahagi ng Pilipinas. Ito ay dahil sa panganib na dala ng matinding init nitong Martes at Miyerkoles.
Matinding init dahilan ng class suspension sa daan-daang eskwelahan
Nagkaroon ng class suspension nitong Martes (April 2) pati na rin ngayong Miyerkoles (March 3). Dahil sa matinding init na posibleng magdulot ng panganib sa mga mag-aaral at pati na rin sa mga guro.
Tinatayang umabot sa 42 degrees celcius ang heat index sa Manila noong Martes. At 43 degrees celcius naman ngayong Miyerkoles. Halos ganito rin kataas ang heat index sa iba pang bahagi ng bansa.
Una nang nagdeklara ng class suspension ang Quezon City, habang ang iba pang lugar ay binigyan ng option ng local officials na suspindihin ang face-to-face classes at mag-remote learning na lamang muna.
Samantala, ang ibang school naman sa Metro Manila ay pinaikli ang class hours upang maiwasan ang pinakamainit na oras ng bawat araw.
Ayon sa weather forecaster, delikado ang heat index na pumapalo sa 42 hanggang 51 degrees celcius. Ito umano ay maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at ang mapanganib na heat stroke.
Ang heat cramps at heat exhaustion ay posible ring maranasan sa heat index na 33-41 degree Celsius. Kaya dapat pa ring mag-ingat.
Hindi lang sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan at lungsod nagkaroon ng class suspension. Pati na rin sa Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat, General Santos, at Koronadal. Pumalo ng 42 degree celcius noong Lunes at Martes ang heat index sa Cotabato City na siyang highest heat index sa Mindanao.
Ang matinding init na ito tuwing April ang dahilan kung bakit plano ng Department of Education na ibalik ang academic calendar sa June hanggang March.