Claudine Barretto: “This time malalaki na yung mga anak ko, kukunin ko na ulit kung ano yung akin. We are talking about hundreds of millions”

Umabot daw sa 160 million ang nawala kay Claudine sa isang bangko lang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Claudine Barretto may malaking pasabog sa pinakabago niyang interview. Ayon sa aktres, malaking pera ang nawala sa kaniya na dapat sana ay para sa dalawa niyang anak. Ang may pakana, ang dati niya daw mister na si Raymart Santiago.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Claudine Barretto may pasabog tungkol sa ex-husband na si Raymart Santiago.
  • Aktres nagbantang kukunin ang perang kinuha sa kaniya na dapat ay para sa mga anak niya.

Claudine Barretto may pasabog tungkol sa ex-husband na si Raymart Santiago

Larawan mula sa Instagram account ni Claudine Barretto

Sa YouTube vlog ng host na si Luis Manzano ay may pasabog ang aktres na si Claudine Barretto. Si Claudine ibinahaging sa ngayon ay nasa proseso parin ng annulment ang kasal nila ng aktor na si Raymart Santiago. Hinihingi rin daw nito ang custody ng mga anak niyang sina Sabina at Santino. Ito daw ang nagtulak sa kaniyang magsalita matapos ang ilang taon rin niyang pananahimik.

Ayon kay Claudine, malaking pera ang nawala sa kaniya at ang may kagagawan daw ay ang dati niyang asawa.

“Sabina wants to study abroad, Santino’s in Brent and alam naman natin kung gaano kamahal ‘yun. So, parang since hindi niya nabibigay ‘yung support na inorder ng court, hindi nasusunod.

So this time malalaki na yung mga anak ko, kukunin ko na ulit kung ano yung akin. We are talking about hundreds of millions e.”

Ito ang pagbabahagi ni Claudine tungkol sa pera niya sa bangko na tinangay daw ni Raymart. Sa isang bangko palang daw ay nagkakahalaga na ng 160 million ang perang nawala sa kaniya.

Larawan mula sa Instagram account ni Raymart Santiago

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres nagbantang kukunin ang perang kinuha sa kaniya na dapat ay para sa mga anak niya

Pagkukuwento pa ni Claudine, pinili niyang manahimik noon dahil ayaw niyang masira ang image ng dating asawa. Pero dahil sa mga nangyayari ngayon at lumalaking mga anak na may pangangailangan din ay gagawin niya daw ang dapat para mabawi ang perang pinaghirapan niya. At hindi na daw siya basta mananahimik ngayon tulad ng ginawa niya noon.

“If I was weak before ngayon para na kong leon. Do not touch my kids. You are not giving whats for my kids. You took away what’s for my kids so you have to give it back.”

Ito ang sabi pa ng aktres sa panayam na ginagawa lang daw ito dahil sa pagmamahal niya sa mga anak bilang isang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Claudine Barretto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement