Claudine Barretto may sweet na mensahe sa eldest daughter niyang si Sabina sa 20th birthday nito.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Claudine Barretto daughter Sabina celebrates 20th
- Mensahe ni Claudine sa anak na si Sabina.
Claudine Barretto to daughter Sabina on her 20th birthday
Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres na si Claudine Barretto ang naging birthday celebration ng eldest daughter niyang si Sabina. Si Sabina nagdiwang ng kaniyang 20th birthday nitong June 21.
Makikita sa video at mga larawan na ibinahagi ni Claudine na kumpleto ang mga adopted children niya sa naging birthday celebration ng panganay niyang si Sabina. Nagbigay rin ng birthday kiss kay Sabina ang anak ni Claudine at Raymart na si Santino. Habang masaya naman siyang kinantahan ng happy birthday song ng mga kapatid niyang inadopt rin ni Claudine na sina Noah at Quia. Ang aktres yumakap din sa panganay niyang anak at sinabihang “Happy birthday Ate”.
Larawan mula sa Instagram account ni Claudine Barretto
Mensahe ni Claudine sa anak na si Sabina
Sa parehong Instagram post ay may sweet na mensahe ring ibinigay si Claudine sa anak niyang si Sabina. Dito ay ibinahagi niya kung gaano niya kamahal ang anak at kung paano nito nabago ang buhay niya.
“June 21,2004 i became a Mother at 24. God sent me an Angel in a form of a beautiful child. My Soul has long been Dead till my Daughter made me live again. I was once ALIVE again. To my CHOSEN one, you are the reason I chose to live again Sab. God really loves me. He gave me you.”
Ito ang bahagi ng mensahe ng aktres sa panganay niyang anak na si Sab.
Larawan mula sa Instagram account ni Claudine Barretto
Si Claudine sinabi ring naging better place ang mundo niya ng dahil sa anak na si Sabina.
“Happy 20th birthday anak. You make this world a better place by existing & by being u. I luv u more than you’ll ever know. You Truly are an Angel here on earth. Mommy loves u.”
Ito ang sabi pa ng aktres sa 20th birthday ng anak niyang si Sabina.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!