Claudine Barretto to Raymart Santiago: “He started being not a good father again”

Si Claudine nalulungkot na bihirang magkita si Santino at kaniyang ama na si Raymart Santiago.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Claudine Barretto, nagsisimula na naman umano si Raymart Santiago na maging hindi mabuting ama sa kanilang anak.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Claudine Barretto sa pagiging ama ni Raymart Santiago.
  • Si Claudine masaya ang buhay kasama ang mga anak.

Claudine Barretto sa pagiging ama ni Raymart Santiago

Larawan mula sa Instagram account ni Raymart Santiago

Sa isa sa kaniyang latest na interview ay ibinahagi ng aktres na si Claudine Barretto ang estado ng relasyon nila ng mister na si Raymart Santiago.

Ayon kay Claudine, ay pinoproseso na ang annulment ng kanilang kasal ni Raymart. Ilang taon naman na daw silang hiwalay ni Raymart. Pero nalulungkot daw siya na ngayon ay parang nagiging hindi mabuting ama ang aktor sa kanilang mga anak.

“We’re going through the process now of annulment. Everything was OK na, we would talk and all then I don’t know. For some reason, he started being not a good father again. He was trying before e.”

Ito ang sabi ni Claudine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Claudine, nasabi niya ito dahil hindi man lang daw binibisita ni Raymart ang kaniyang anak. Kahit na anytime naman daw ay puwede itong dumalaw sa kanilang bahay. Dagdag pa ng aktres, hanggang sa ngayon daw ay gusto ni Raymart na nasa poder niya ang mga anak. Ito ay kahit hindi naman daw pinipigilan ni Claudine na makita o makasama ng aktor ang anak nila.

Larawan mula sa Instagram account ni Raymart Santiago

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Claudine masaya ang buhay kasama ang mga anak

Kuwento pa ni Claudine, proud siya sa kaniyang sarili. Dahil kahit hiwalay na sila ni Raymart at pinutol nito ang sustento sa kanilang anak ay nagawa niyang maka-survive. Ibinahagi niya ring nakaranas siya ng depresyon ng sila ay maghiwalay. Pero masaya siya sa ngayon na nalampasan niya ito at ngayon ay ini-enjoy niya ang oras kasama ang anak na si Santino. Pati na ang mga adopted niyang anak na sina Sabina, Noah at Quia.

Larawan mula sa Instagram account ni Claudine Barretto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement