LOOK: Coleen Garcia, balik sa dating katawan 1 week after manganak

Paano nga mapapabilis ang postpartum recovery ng isang babaeng bagong panganak?Dito ay alamin!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Coleen Garcia sexy na ulit isang linggo matapos manganak. Mapapa-sana all ka nalang talaga!

Coleen Garcia postpartum body

Isang linggo matapos manganak ay nagbahagi ang TV host-actress na si Coleen Garcia ng kaniyang postpartum body sa Instagram. Ang nakakagulat mabilis na bumalik sa dati ang katawan ni Coleen. At ayon nga sa aktres ay mas malakas na daw siya ngayon.

“Fully-recovered & up on my feet! Feeling a different kind of #strong now.”

Ito ang pahayag ng aktres sa larawan niyang ibinahagi sa kaniyang Instagram stories. Dagdag pa niya, mahirap ang pinagdaanan ng kaniyang katawan nitong mga nakaraang buwan, kaya naman sa ngayon ay mas ni-respeto at minahal niya ito.

“My body has been through a lot in the past few months & I’ve never had this much love & respect for it! I see myself in a whole new light. It’s been an incredible journey of self-love & acceptance.”

Ito ang pahayag pa ng aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Coleen Garcia and her postpartum body./Image screenshot from Coleen Garcia’s Instagram account

Baby Amari Crawford

Matatandaan na nitong September 10 isinilang ni Coleen ang first baby nila ng singer-actor na si Billy Crawford. Ang kanilang baby ay isang boy na pinangalanan nilang Amari.

Image screenshot from Billy Crawford’s Instagram account

Ilang araw matapos manganak, ibinahagi ni Coleen sa kaniyang Instagram parin na siya ay nahihirapan sa postpartum recovery at breastfeeding. Pero mabuti nalang daw at nandyan ang kaniyang mister na si Billy na patuloy na pinapalakas ang loob niya at siya ay inaalalayan.

Sa ngayon ay balik na sa dati niyang katawan si Coleen. Ibinahagi niya rin na para lumakas ang kaniyang katawan at supply ng kanyang gatas ay kumakain siya ng clam soup with malunggay. Isang magandang tip para sa mga new moms na nahihirapan magpasuso sa kanilang baby!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero paano nga ba mabilis na naka-recover si Coleen matapos manganak?

Paano mabilis na maka-recover matapos manganak?

Ang mga katawan nating mga babae ay iba-iba. May mga sa isang linggo palang matapos manganak ay agad na makaka-recover na. Habang may iba naman na umaabot pa ang ilang linggo bago tuluyang bumalik sa dating lakas ang katawan nila. Pero wala namang dapat ikabahala doon. Dahil ayon sa mga health experts, ang unang 6 na linggo matapos manganak ang itinuturing na recovery period ng isang babae. Pero magkaganoon man may mga maari kang gawin upang mabilis na maibsan ang postpartum symptoms na iyong nararanasan. Tulad nalang ng sore nipples, back aches at perineal pain. Ang mga dapat isaisip at gawin para mapabilis ang iyong postpartum recovery ay ang sumusunod.

Alagaan ang iyong perineum tear sa tamang paraan matapos manganak.

Para mas mapabilis na gumaling o mag-heal ang iyong perineum matapos manganak via normal vaginal delivery ay gawin ang mga sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Lagyan ng ice ang iyong perineum kada 2 oras sa unang 24 oras matapos manganak.
  • Isprayhan ang iyong perineum ng maligamgam na tubig bago at matapos umihi.
  • Maupo sa maligamgam na tubig sa loob ng 20 minuto para maibsan ang pananakit ng iyong perineum.
  • Iwasan na tumayo o maupo ng matagal at matulog sa iyong tagiliran.

Linisan ng maayos ang iyong C-section scar.

Kung nanganak naman sa pamamagitan ng C-section delivery, narito kung paano alagaan ang iyong sarili.

  • Dahan-dahang linisan ng tubig at sabon ang iyong sugat isang beses sa isang araw.
  • Punasan ito ng dahan-dahan ng malinis na tumalwa para matuyo.
  • Saka ito lagyan ng antibiotic ointment para mas mabilis gumaling at maiwasan ang impeksyon.
  • Iwasan munang magbuhat ng mabibigat maliban sa iyong anak upang hindi bumuka ang iyong tahi.
  • Iwasan din muna ang mga exercise na maaring makapag-pwersa ng iyong katawan.

Ibsan ang pananakit ng iyong katawan.

Sa oras na sumakit ang iyong katawan, tahi o sugat ay uminom ng pain reliever na safe sa pagpapasuso tulad ng acetaminophen. Makakatulong rin ang paliligo sa maligamgam na tubig o pagpapamasahe para maibsan ang pananakit ng katawan.

Para sa nananakit na suso, lagyan ito ng warm compress o ice packs saka dahan-dahang masahiin. Ang pagsusuot rin ng komportableng nursing bra ay makakatulong para maibsan ang pananakit ng suso. Para sa sore niples, lagyan ito ng lanolin cream at isagawa ang tamang paraan ng pagpapasuso.

Image from Freepik

Matulog ng matulog hangga’t maari.

Ayon sa Yale University Professor at OB-Gyne na si Mary Jane Minkin, mahalaga ng matulog ng matulog hangga’t maari ang babaeng bagong panganak. Dahil malaki ang naitutulong nito para mas mabilis na maka-recover ang kaniyang katawan. Payo pa niya, huwag na munang intindihin ang mga gawaing bahay. Kumuha o humingi ng tulong sa iba kung pwepwede. Habang tulog si baby ay mahalagang matulog rin para mas mapabilis na bumalik sa dati nitong lakas ang iyong katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kumain ng masusustansiyang pagkain at uminom ng maraming tubig.

Tulad noong ikaw ay nagbubuntis, mahalagang panatilihin mong healthy parin ang iyong katawan pagka-panganak. Kumain ng masusustansiyang pagkain, uminom ng maraming tubig at mag-take ng vitamins. Makakatulong rin ang pagkain ng fiber-rich foods para sa iyong regular bowel movement.

Gumalaw-galaw o mag-exercise ng paunti-unti.

Isa o dalawang araw matapos makapanganak, maari ng gumalaw-galaw o maglakad-lakad para lumakas ang iyong katawan. Bagamat dapat paring iwasan ang mabibigat na exercise. Gawin lang ito sa oras na ipinayo na ng iyong doktor o sa tingin mo ay kaya na ng iyong katawan.

Huwag kalimutan ang kegel exercise!

Para bumalik sa dating lakas at hugis ang iyong vagina ay isagawa ang kegel exercise. Makakatulong ito para maibsan ang postpartum urinary incontinence at syempre upang mas maging exciting parin ang pagtatalik ninyo ni mister. Gawin ang kegel exercise sa oras na kaya o komportable ka na. At subukang gumawa nito ng 3 sets of 20 araw-araw.

Gumamit ng postpartum recovery belt.

Kung ang dating flat na tiyan mo naman ang nais mong agad na maibalik, ang paggamit ng postpartum recovery belt ay makakatulong upang ma-achieve ito.

Panatilihin ang iyong connection sa iyong doktor.

Para naman mas magabayan sa bawat pagbabago na iyong nararanasan, panatilihing updated ang iyong doktor. Ito ay para mas mabantayan niya ang health mo at ni baby. At agad na mabigyang lunas ang anumang komplikasyon o impeksyon na iyong mararanasan matapos manganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

ABS-CBN News, Good Housekeeping

BASAHIN:

Postpartum recovery: 8 tips sa pagdumi para sa mga bagong panganak