Celebrity mom Coleen Garcia ibinahagi ang sikreto kung paano pinapatulog sa oras ang anak na si Amari.
Mababasa sa artikulong ito:
- Paano pinapatulog ng celebrity mom na si Coleen Garcia ang anak na si Baby Amari.
- Paraan kung paano mapapatulog sa tamang oras ang iyong anak.
Ang sikreto ni Coleen Garcia kung madaling napapatulog ang anak na si Amari
Image from Coleen Garcia’s Instagram account
Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres at host na si Coleen Garcia kung paano niya madaling napapatulog ang isang taong gulang niyang anak na si Baby Amari.
Ito ay naipakita niya gamit ang nakakatuwang larawan na kung saan makikitang may hawak na bola ng basketball si Amari habang sumususo sa kaniya.
Image from Coleen Garcia’s Instagram account
Kuwento ni Coleen sa caption ng larawan na ipinost niya, maliban sa pagsasabi ng good night sa lahat ng tao at nasa paligid ng bahay nila may isa pang bedtime routine ang nakasanayan ng gawin ng anak niyang si Amari.
Ito ay ang pagdadala ng isang comfort item sa kanilang kama. Noong una’y maliliit na bato at bola lang ang dinadala ni Amari. Pero ngayon ay nakuha na nitong madala ang bola ng basketball hanggang sa pagtulog niya.
“Raw reality. We have a bedtime routine that includes saying good night to everything in the house, during which Amari gets to pick a comfort item to bring to bed with him.
He nurses to sleep while holding them. It used to be rocks and small balls, one on each hand, but tonight we have graduated to full-sized basketball.
Oh, the things I do for this child. @billycrawford came home to this. I thank God he doesn’t look for them once he’s asleep. At least not yet.”
Ito ang nakakatuwang sabi ni Coleen sa kaniyang Instagram post.
Reaskyon ng mga netizens
Ang mga netizens aliw na aliw na cute photo na ito na ibinahagi ni Coleen. Kabilang na ang ilang mommy netizens na napatawa at humanga na rin sa pagiging dedicated mom ni Coleen kay baby Amari.
May ilang netizens naman ang naka-relate sa sleeping routine na ito ni Amari. Dahil kahit mga anak nila umano ay hindi rin basta nakakatulog ng walang dala-dalang laruan o paborito nilang bagay sa kama kapag sleeping time na.
“I feel you! There was a time my boy carried his big truck (gifted to him by my officemates) while nursing and waiting to be asleep.”
“Same ng baby ko kailngan mei hawak siya toys or anything na trip niya bago magsleep habang ng BBF.”
“My son do the same, but he always hold a small towel until now. He’s 5 years old.”
“My son can’t sleep without this particular white sando of him…kapag naalimpungatan sya kaylangan makapa niya ‘yon sa tabi niya tas kinukutkot niya ‘yong mga tahi sa laylayan.”
BASAHIN:
10 dahilan kung bakit umiiyak si baby at kung paano siya mapapatahan
LOOK: Coleen Garcia proudly shows her stretch marks and linea negra
Coleen Garcia on postpartum anxiety: “No matter how much I try, I wasn’t doing good enough…”
Tips kung paano madaling mapapatulog si baby sa gabi
Naka-relate ka ba sa post na ito ni Coleen? O iba ang style mo para mas mabilis na mapatulog si baby? Kung ang pagpapatulog kay baby ay isa pa ring struggle para sayo lalo na sa gabi narito ang ilang tips na maari mong subukang gawin.
- I-expose si baby sa liwanag at ingay sa daytime o araw. Hayaan siyang maging active buong araw.
- Kapag papalapit na ang sleeping o bed time ay diliman na ang ilaw sa inyong bahay. Lalo na sa lugar na kaniyang tinutulugan na dapat ay siguraduhing tahimik para mas maging mahimbing ang tulog niya.
- Magkaroon ng bed time routine at maging consistent sa paggawa nito. Tulad na lang sa pagsasabi ng goodnight o pagdadala ng comfort item na madadala ni baby sa kama.
- Mabuti rin na pasusuhin si baby hanggang siya ay makatulog. Mas mainam ang breastfeeding sa pagpapatulog sa baby dahil kumpara sa bottle feeding ay nakakatulong itong makaiwas si baby sa tooth decay.
- Para mabilis na makatulog si baby ay makakatulong din ang paghehele o pag-cucuddle sa kaniya.
- Para matutunan ni baby na matulog ng mag-isa, huwag siyang ilipat sa kama o higaan niya kapag tulog na tulog na siya. Dapat ay gawin ito bago pa siya tuluyang makatulog ng malalim.