Isang makabuluhang post ang ibinahagi ng aktres na si Coleen Garcia sa kanyang Instagram account kasabay ng World Breastfeeding Week.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Coleen Garcia to mommies on World Breastfeeding Week: “Don’t ever apologize for doing the best you can”
- World Breastfeeding Week ipinagdiriwang ngayong 2022
Coleen Garcia message to mommies on World Breastfeeding Week
Maraming healthcare professionals ay ipinapayong magpa-breastfeed ang mommies para sa kanilang babies dahil mas healthy ito kaysa sa formula milk. Marami rin kasing bitbit na good benefits ito both for mommy and the baby. Isa pa, malaking tipid ito para sa families dahil bukod sa convenient ay free lamang ito.
Sa mga celebrity, kahit pa afford nila ang best formula milks may mga pinipili pa ring magpa-breastfeed para sa kanilang baby. Isa sa mga kilalang artista diyan ay si Coleen Garcia. Kaya nga kasabay ng celebration ng World Breastfeeding Week ay nagbahagi siya ng kaniyang experience hinggil dito sa kaniyang personal na Instagram account.
“If it seems like I’m always nursing… it’s because I AM.”
Ito ang ibinungad niya sa caption niya sa kanyang post. Kasabay nito ang mga larawan nila ng kaniyang anak na si Amari kung saan pinapadede niya ito. Mayroong habang nasa photoshoot sila, nasa bakasyon, habang tulog siya, at maging noong nagkaroon ng blackout sa kanila. Patunay na halos sa lahat ng oras ay nagpapabreastfeed siya ng kanyang anak.
“Don’t be made to feel ashamed of your decisions, and don’t you ever apologize for doing the best you can. If you choose to breastfeed, know that there is a whole community that gets you.”
Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia
Ibinahagi niya raw ang mga larawang ito upang mag-celebrate kasama ng iba pang nanay na piniling magpa-breastfeed dahil ito ang best para sa kanilang anak. Hinikayat niya rin ang mga katulad niyang nanay na huwag mahiya sa piniling desisyon na ito.
Ayon pa kay Coleen ang pagpapa-breastfeed daw ay isang normal at natural na gawain na hindi na dapat kailangan pang i-normalize.
“Also, we shouldn’t have to normalize something that already is normal and natural.”
Pagbabahagi pa niya, parang sobrang bilis daw ng panahon dahil dalawang taon na mula nang sinimulan niyang magpa-breastfeed. Sa dalawang taon daw na ito ay hindi parating maganda ang kaniyang experience. Madalas daw na wala siyang tulog at pakiramdam niya ay nade-drain na siya.
Sa kabila raw nito, nakikita niya kung gaano ka-effective ang mga ginagawa niyang ito upang maging malakas ang kaniyang anak.
“But I do see how it always quickly and effectively makes things better for him and that’s what it is. Being uncomfortable but giving him comfort, feeling weak but making him strong feeling like I’m not enough, then realizing that have more to give than I could have ever imagined.”
Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia
Sinabi niya rin sa post niya na napakaraming rason daw para sabihing hindi ganun kadali ang pagpapa-breastfeed pero worth it naman daw ito.
“The permanent effects will always outweigh my temporary discomfort and sacrifices. It gives me so much peace and a sense of fulfillment to know that I’ve been doing what I can to keep Amari as healthy as possible, but our breastfeeding journey hasn’t only been about that.”
Gaya ng sinasabi ng mga experts na isa raw sa benefit ng breastfeeding ay ang stronger bond ng nanay at baby. Ganito rin daw ang naranasan ni Coleen Garcia.
“I truly believe that it has brought us even closer and has strengthened the bond, connection and relationship we share in a deeply humbling way.”
Pagtatapos pa niya, kung papapiliin daw siya muli ay ito ulit ang desisyon na gagawin niya para sa anak.
Ipinagdiriwang muli ang World Breastfeeding Weekngayong taon upang i-promote ang pagpapabreastfeed sa mga sanggol sa halip sa formula. Layunin nitong proteksyunan at suportahan din ang mga nanay mula sa iba’t ibang uri ng lipunan. Nagsisimula ito mula August 1 hanggang August 7.
Binigyang impormasyon din World Breastfeeding Prganization ang mga governmment, health systems, communities, at maging workplaces. Ito ay upang ma-educate sila at ma-empower sa kaalamang ito.
Para sa organization mainam daw itong strategy lalo na ngayong pandemic dahil naiimprove nito ang nutrition at food security ng tao.