Coleen Garcia sa pagtigil sa pagtratrabaho sa nakalipas na tatlong taon para maging full-time mom: “My mental health and everything took a backseat.”

Pero may magandang epekto naman daw ang pagtigil ni Coleen sa pagtratrabaho. Ito ay ang natutukan niya ang paglaki ng anak na si Amari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Coleen Garcia umaming naapektuhan ang mental health ng tumigil sa pagtratrabaho. Bagamat paglilinaw niya may naging magandang epekto rin naman ito para sa kaniya at sa anak na si Amari.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Coleen Garcia mental health.
  • Pagsasama ni Coleen at Billy.

Coleen Garcia mental health

Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

Tatlong taon narin ang nakalipas ng maipanganak ni Coleen Garcia ang baby boy nila ni Billy Crawford na si Amari. Si Coleen pansamantalang tumigil sa pag-aartista para matutukan ang anak at maging full-time housewife. Ngayon siya ay nagbabalik na sa pag-arte at pag-aartista.

Rebelasyon ni Coleen sa nakalipas na tatlong taon ay dumaan sa pagsubok ang mental health niya. Pero sa pagbabalik niya sa pagtratrabaho ay unti-unti na siyang nakakarecover. Bagamat, dagdag pa ng aktres may magandang epekto naman daw ang pagtutok niya sa anak sa nakalipas na mga taon. Sila ay nakapagbond at nagkaroon ng quality time sa isa’t-isa.

“I was left behind talaga for the past three years. My mental health and everything took a backseat. So, now, I’m finally recovering. Amari already allows me to work. I tell him, ‘Mommy’s gonna go to work.’ I think the almost three years that I spent with him, I really bonded with him, it helped.”

Ito ang sabi ni Coleen sa isang panayam.

Pagsasama ni Coleen at Billy

Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbabahagi pa ni Coleen mas tumibay daw ang relasyon nila ni Billy sa ngayon. Mas naging mature na daw siya. Mas secure din daw sa ngayon ang relasyon nila. Sa katunayan, malaki daw ang naitulong ng mister niyang si Billy para mabalik sa ayos ang mental health niya.

“Now, parang yung selos namin, yung joke-joke na lang. Parang hirit-hirit lang pero minsan may laman. Pero parang dinadaan na lang namin sa ganun but we feel so secure in our relationship. He really makes me feel everything I need to feel in a marriage, in a relationship so wala na akong hahanapin pa.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement