Ipinasilip ni Karen Davila sa kaniyang vlog ang buhay ngayon ni Coleen Garcia bilang mother ni Amari at asawa ni Billy Crawford. Ibinahagi ni Coleen Garcia ang kaniyang frustrations sa breastfeeding journey with Amari.
Mababasa sa artikulong ito:
- Coleen Garcia bilang mother: “Breastfeeding is the most selfless thing I’ve ever had to do”
- Kahalagahan ng breastfeeding sa nanay at sanggol
Coleen Garcia bilang mother: “Breastfeeding is the most selfless thing I’ve ever had to do”
Sa interview ni Karen Davila kay Coleen Garcia, napag-usapan ang buhay ng aktres ngayon bilang isang mother. Pinuri ni Karen Davila ang walang alinlangang pagpo-post ni Coleen Garcia sa Instagram ng mga larawan kung saan ay makikitang pinapa-breastfeed nito ang anak na si Amari Crawford.
Saad ni Coleen Garcia tungkol dito, “I want to normalize breastfeeding.”
Dagdag pa ni Coleen Garcia ngayong siya ay mother na, another phase daw ito ng buhay niya kung saan ay sinusubukan niyang i-embrace ang kaniyang body tulad noong siya ay dalaga pa.
Pahayag pa ng aktres, “Para sa akin, breastfeeding is the most selfless thing I’ve ever had to do.”
Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia
Sabi pa ni Coleen Garcia, hindi lang daw ito basta pagbibigay ng katawan mo sa iyong anak bilang mother. Kundi sakripisyo rin sa personal na buhay at career. Kwento ng aktres, hindi siya makaalis nang hindi kasama ang anak kasi hanggang ngayon ay gumigising-gising pa rin si Amari para sumuso tuwing gabi.
“We never used bottles – so, I can’t leave him. I’m literally his source of food.”
“There are days na parang gusto ko na lang sumigaw in frustration. And it’s very draining kasi when I gave birth, when I started breastfeeding parang sobra akong nade-drain. Like my lips were so dry, and I felt literally like the life is being sucked out of me.”
Samantala, sa kabila ng mga sakripisyong ito ay naniniwala si Coleen na sina Billy at Amari ang katuparan ng kaniyang numero unong pangarap.
Sa apat na taon umano ng pagiging mag-asawa nina Coleen Garcia at Billy Crawford, pakiramdam ni Coleen ay, “she’s living her dream come true.” Ito raw ang number one goal niya noon pang bago makilala si Billy – ang magkaroon ng pamilya.
Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia
“Kasi my parents were separated. I didn’t really grow up in the happiest childhood. So, it’s always been my goal, my number one goal to have a family, to be married, to have children,” aniya.
Proud din na sinabi ni Coleen na never umano siyang pinagsalitaan nang hindi maganda ni Billy.
“He’s spoken life over me,” flex niya sa asawa.
Ipinapaalala rin daw ng asawa sa kaniya kung sino at ano siya tuwing nakakalimutan niya o tuwing nagdududa siya sa kaniyang sarili. Sa kabilang banda, saad naman ni Billy ay napaka-supportive na asawa ni Coleen sa kaniya.
Kahalagahan ng breastfeeding sa nanay at sanggol
Mayaman ang breastmilk sa mga nutritional components, antioxidants, enzymes, immune properties, at live antibodies mula sa nanay. Ang mga nutrients na ito ang kailangan ng bata para maging malusog at malayo sa sakit.
Ang mga baby na napasuso ng kanilang nanay ay mayroong mas malakas na immune system. Maiiwasan din ang pagkakaroon ng diarrhea, constipation, gastroenteritis, gastroesophageal reflux, at preterm necrotizing enterocolitis kung breastfed ang sanggol.
Larawan mula sa Instagram ni Coleen Garcia
Ilan pang mga benepisyo ng breastfeeding sa baby ay ang mga sumusunod:
- Malinaw na mata
- Mababang rate ng infant mortality
- Maiiwasan ang sudden infant death syndrome (SIDS)
- Malilimitahan ang pagkakaroon ng pneumonia, respiratory syncytial virus at matinding pag-ubo
- Mapabababa ang tsansa ng pagkakaroon ng bacterial meningitis pati na rin ng ear infections
Makakatulong din ang breastfeeding para ma-improve ang brain maturation at tumaas ang immunity ng sanggol mula sa infection.
Samantala, beneficial din ang breastfeeding sa mga mommy. Helpful ito para sa mas mabilis na pagbabawas ng timbang matapos manganak. Makatutulong din ito na ma-stimulate ang uterus upang mag-contract at bumalik sa normal na size.
Bukod pa rito, mapapababa ang chance na magkaroon ng postpartum bleeding, urinary tract infections, anemia, at postpartum depression ang breastfeeding mom. Kung ang nanay ay nagpapasuso, nagpro-produce ang katawan nito ng naturally soothing hormones tulad ng oxytocin at prolactin. Nakatutulong ito para mabawasan ang stress at magkaroon ng positive feelings ang nursing mother.
Maraming benepisyo ang breastfeeding hindi lang sa baby kundi pati na rin sa mommy. Isa pa nga sa pinakamahalagang naitutulong ng breastfeeding ay ang physical at emotional bonding sa pagitan ng nanay at sanggol.
Dahil pino-promote ng breastfeeding ang skin-to-skin contact sa mom and baby. Dahil dito mas mararamdaman ng baby ang affectionate bonding sa mga unang taon ng buhay niya. Nakatutulong ito sa social at behavioral development ng bata.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!