Coleen Garcia ibinahagi ang kaniyang no makeup look at itsura kapag nasa bahay lang siya: “I get tired, I am getting older every day"

Ayon sa aktres, hindi naman daw kailangang laging maganda at sopistikada para tanggapin ng iba. Agree ba kayo sa kaniya?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Coleen Garcia ipinakita ang kaniyang no makeup look at kapag nasa bahay lang. Ayon sa aktres, ito ang totoong itsura niya behind the camera. At hindi dahil sa bisyo o may problema sa kanilang pamilya.

Mababasa dito ang sumusunod:

Coleen Garcia no makeup look

Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

Sa kaniyang Instagram stories ay nagbahagi si Coleen Garcia ng kaniyang no makeup look. Dito ay ikinumpara niya kung anong inaakalang itsura ng kaniyang mga fans kapag nasa bahay siya, sa totoong itsura niya with no makeup at hindi nakabihis ng maganda.

Saad ni Coleen, tulad ng iba ay mukha rin siyang losyang kapag nasa bahay. Dahil ang katotohanan ay napapagod rin siya at tumatanda sa pagdaan ng mga araw. At hindi daw ito dahil sa may bisyo siya o may problema sa kanilang pagsasama ng mister na si Billy Crawford.

“I look sick, I look pale. I look depressed. My hair’s a frizzy mess, esp in this insane heat.”

“No, it’s not cause of bisyo. It’s not cause of unbearable stress or marital problems or depression. It’s because I’m human. We all are. I break out, I get tired, I am getting older every day.”

Ito ang sabi pa ni Coleen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

Billy Crawford at Coleen Garcia

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang mister niyang si Billy Crawford dahil sa mga larawan nitong payat at mukhang puyat. Komento ng mga netizens ay mukhang nagbibisyo daw si Billy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

Si Coleen may paalala sa publiko at sinabing hindi kailangan lagi kang maganda at presentable para tanggapin ng iba. At kahit mga celebrities sila, ay dapat ma-realize ng publiko na sila rin ay tao lang. Higit sa lahat, hindi batayan ang itsura para respetuhin ang iyong kapwa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Anyone can bash, judge, speculate. Or we can lessen that, & make it SAFER for people to be unapolegetically authentic. Cause no one should ever have to feel like they need to put on a mask just to be accepted.”

“Showbiz is a switch we turn on until we get to shed the makeup, the hair extensions & the pretensions and just BE. We complain abt how everything on social media is so fake & filtered, and then in the same breath, we bash what’s real when we feel like it’s not pretty enough for us.”

Ito ang sabi pa ni Coleen sa kaniyang Instagram stories.