Coleen Garcia kasama ang mister na si Billy Crawford ay ibinahagi ang naging karanasan niya sa panganganak kay Baby Amari.
Mababasa sa artikulong ito:
- Karanasan ni Coleen sa panganganak sa pamamagitan ng water birth.
- Benepisyo ng pag-inom ni Coleen ng placenta smoothie.
- Paano nabago ang buhay ni Coleen at Billy ng dumating ang kanilang anak.
Coleen Garcia water birth story
Sa pinaka-latest na vlog ng mag-asawang sina Coleen Garcia at Billy Crawford, ibinahagi nila kung paano ang naging proseso ng panganganak ni Coleen sa first born nila ni Billy na si Baby Amari.
Ayon kay Coleen, araw ng September 9 nagpunta sila ni Billy sa kaniyang duktor para magpa-ultrasound. Ito’y dahil nag-aalala na siya at na-frufrustrate dahil lagpas na sa 39 weeks ang kaniyang pagbubuntis at wala pa siyang nararamdaman na sintomas ng pagle-labour.
Sa naging ultrasound, nakita nila Coleen na maayos naman ang kaniyang baby sa tiyan at wala silang dapat ipag-alala.
Ngunit pag-uwi nila ng bahay mula sa kaniyang doktor doon na nakaramdam ng pagbabago si Coleen sa kaniyang katawan partikular na sa kaniyang tiyan. Ito umano’y naninikip o naninigas na bagama’t hindi naman masakit pa.
“Prior to that, I never knew what a contraction felt like. But then that time my stomach is already getting tighter. It didn’t hurt but the feeling changed”, pagkukuwento ni Coleen.
Coleen: “The whole night my water kept on breaking.”
Bandang 7:30 ng gabi habang nagbibihis matapos mag-shower ay bigla nalang umanong naramdaman ni Coleen na may tubig na lumabas mula sa kaniya. Pumutok na pala ang panubigan niya. Dito niya na tinawag si Billy na noon umano’y nagpapa-swab test sa baba ng kanilang bahay.
“I ran upstairs and she’s in the walk-in. And she says I think my water broke and there’s a lot of water.”
Ito ang pag-alala ni Billy ng unang pumutok ang panubigan ni Coleen.
Pero ayon kay Coleen, kahit pumutok na ang panubigan niya ay hindi pa rin siya nakaramdam ng pananakit sa kaniyang tiyan. Sa katunayan, nakapag-photoshoot pa nga sila ng mister na si Billy para sa isang produkto na kanilang i-endorse at i-popost sa social media. Habang ginagawa nga umano ito’y muli pang pumutok ang panubigan niya. Isang bagay na ayon kay Coleen ay sinabi niyang kakaiba kumpara sa mga nabasa niyang kuwento ng panganganak.
“It is just coming out. And that is a common misconception na kapag when your water broke ayun na yun. Pero with me the whole night my water kept on breaking”, saad ni Coleen.
“It’s the most intense pain I ever felt.”
Image screenshot from Coleen Garcia and Billy Crawford’s YouTube video
Matapos noon, nagsimula ng magkikilos si Coleen para maghanda sa paparating nilang munting anghel. Dito na siya unti-unting nakaramdam ng contractions bagama’t manageable pa rin ito at hindi pa ganoon kasakit.
“Ang ginawa ko, I walked around the house. Nag-squats pa ko. I got on my yoga ball and I started doing hip rotations. I started drinking a lot of red raspberry tea. And that actually helped me feel contractions.”
Bandang alas-dos ng madaling araw ng September 10, doon na umano nagsimula ang active labor niya. Dito na mas tumitindi ang contractions sa kaniyang tiyan na nagaganap kada 2 minuto. Matapos ang isang oras, doon niya pa lamang niya naramdaman ang sobrang sakit na hindi niya maipaliwanag
“It’s the most intense pain I ever felt. I never broke a bone, or got a stitch so I have nothing to compare it to. Pero masakit lang talaga siya.”
Ayon pa kay Coleen, habang nagle-labour marami siyang na-realize at misconceptions na naliwanagan.
Una, hindi tulad ng inaakala niya, habang nagle-labour hindi tiyan niya ang nanakit. Kung hindi ang likod at balakang niya. Nalaman niyang napakataas pala ng pain tolerance niya dahil kahit 5cm na siya’y hindi pa rin makikita na may iniinda siyang sakit. Ang sinasabi sa kaniyang IE o internal examination na masakit at uncomfortable ay halos hindi niya naramdaman.
BASAHIN:
Homebirth at water birth, mas safe nga bang option ngayong may pandemic?
Yoga teacher shares her incredible home water birth experience
“It was really amazing that my body was able to guide me.”
Sa buong pagle-labour ni Coleen hindi umano ito umiyak sa sakit. Sa katunayan, napakatahimik umano nito na nagpahirap sa kaniyang midwife at doktor upang ma-track at ma-orasan ang contractions niya.
Halos apat na oras umanong nasa active labour si Coleen. Nang maramdaman niya ngang malapit ng lumabas si Amari agad na siyang pumasok sa pool para simulan ang kaniyang water birth. Sa nakaka-amaze na paraan pagbabahagi ni Coleen ay naging madali sa kaniya ang panganganak sa tulong ng pakikinig sa kaniyang instincts at katawan.
“It was really amazing that my body was able to guide me na parang I felt na malapit na. Ayun pala malapit na talaga. It was really great to listen to your own body.”
Billy: “When I saw that it was the most beautiful thing I ever saw in my life.”
Image screenshot from Coleen Garcia and Billy Crawford’s YouTube video
Hanggang sa maipanganak niya na nga si Amari na ayon kay Billy ay ang pinakamagandang bagay na nakita niya sa kaniyang buong buhay.
“When I saw that it was the most beautiful thing I ever saw in my life.”
Ito ang pahayag ni Billy.
“I was just so happy and it was such a beautiful, wonderful, amazing feeling to actually meet the baby that I was carrying for 10 months.”
Ito naman ang pahayag ni Coleen.
Placenta smoothie
Very happy man umano si Coleen sa pagdating ni Baby Amari. Nangibabaw pa rin ang pagod na naramdaman niya sa panganganak. Biro pa ni Coleen, kung ‘yung ibang mommies umano’y sinasabing mawawala lahat ng sakit at pagod mo kapag nakita si baby, sa kaniya umnao ay hindi dahil sobrang pagod talaga siya.
Para nga umano maibalik ang lakas niya ay ginawang smoothie ang kaniyang placenta at ininom niya. Ito’y isang bagay na ginusto umano ni Coleen at base sa ginawa niyang research na makakatulong umano sa recovery niya.
Image screenshot from Coleen Garcia and Billy Crawford’s YouTube video
Dagdag pa ni Coleen, bagama’t napakasakit kung manganganak nga umano ulit siya’y pipiliin pa rin niya ang water birth. Dahil marami siyang natutunan dito at pakiramdam niya ang sakit sa panganganak ay isang bagay na dapat maramdaman ng bawat babae.
“While it was happening, I really regretted it because it was so painful. But after and all the way up to now, I will do it all over again, definitely. Because I felt that the pain is necessary and I felt that the pain really guided me.”
Billy and Coleen’s message to Baby Amari
Sa pagdating ni Baby Amari sa kanilang buhay ay nagbigay ng mensahe si Billy at Coleen sa kanilang anak. Ito ang kanilang sinabi. Mensahe ni Billy,
“Amari, we are so thankful that we have an angel now. And we will always be here for you. We love you. Mommy and daddy love you so much. And that we will do everything in our power through God’s grace. To mold and to build a beautiful and amazing future for you. And just whatever you want, don’t ever hesitate to tell mommy and daddy. We will always support you and we will always be there for you. And please do not change. You are so good to us.”
Mensahe ni Coleen sa kaniyang baby Amari,
“Amari, I just want to thank you for being the best, best baby ever. For being such a good boy. From the moment I started carrying you here in my belly, you’ve always been such a good boy. You never gave me a hard time. You have been an angel through and through. And even during labor, you did not give me a hard time at all. And now, we really just couldn’t ask for more. We’re so so blessed to have you. You make us smile even after such a long day. You just make everything worth it. We’ve never tired for you. I know. We are tired, but never of you.”
Source: