Comelec voter registration, muli nang binuksan

Muling sisimulan ng Comelec voter registration para sa parating na halalan para sa Baranggay at Sangguniang Kabataan sa susunod na taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Muling binuksan ng Commission on Elections ang voter registration. Ang nasabing COMELEC voter registration ay bilang paghahanda para sa parating na halalan sa May 11, 2020. Ang nasabing halalan ay para sa Baranggay at Sangguniang Kabataan (SK).

COMELEC voter registration: Registration period

Magsisimula ang COMELEC voter registration period sa ika-1 ng Agusto 2019. Magtatapos ito sa ika-30 ng Setyembre taong 2019.

Maaaring mag-file ng applications mula Lunes hanggang Sabado, kabilang mga holidays. Maaaring magpunta mula 8:00 nang umaga hanggang 5:00 nang hapon sa Office of the Election Officer. Maaari rin mag-apply sa mga satellite registration sites sa tinitirhan ng magre-register.

Ayon kay sa tagapag-salita ng Comelec na si James Jimenez, pinapayagan ang registration nang Sabado at holidays para bigyang daan ang mga nagta-trabaho at mga nag-aaral.

Mga requirements

Ayon sa Comelec Resolution No. 10549, may ilang mga kwalipikasyon at requirements na kailangan ng nais mag-register.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga kwalipikasyon

  • Hindi pa nakapagparehistro para sa midterm elections nuong ika-13 ng Mayo taong 2019
  • Tutuntong sa ika-15 taong gulang bago ang ika-11 ng Mayo taong 2020
  • Kasalukuyang nakatira sa baranggay nang hindi bababa sa 6 na buwan bago ang araw ng eleksiyon.
  • Para sa SK elections, ang mga botante ay hindi dapat baba sa 15 taong gulang at hindi hihigit sa 30 taong gulang sa araw ng eleksiyon.

Diskwalipikasyon

Ang mga sumusunod ay diskwalipikado para sa registration:

  • Sino mang nahatulan ng pagkakabilanggo nang hindi bababa sa isang taon na hindi mabigyan ng pardon o amnestiya.
  • Ang mga nahatulan ng korte o tribunal ng kasong kriminal na may kinalaman sa pagiging hindi tapat sa gobyerno tulad ng rebelyon, paglabag sa firearms law, o krimen laban sa national security.
  • Walang sapat na kapasidad sa pag-iisip maliban kung i-deklara ng tamang awtoridad na kaya niya na.

Mga kailangan na dokumento

Ang mga sumusunod ay tatanggapin bilang valid na dokumentong patunay sa identification:

  • Employee's ID na may lagda ng employer o representative
  • Postal ID
  • PWD Discount ID
  • Student's ID o library card na may lagda mula sa awtoridad ng paaralan
  • Senior Citizen's ID
  • Driver's license
  • NBI clearance
  • Passport
  • SSS/GSIS ID
  • Intergated Bar of the Philippines (IBP) ID
  • Professional Regulatory Commission (PRC) license
  • Certificate of Confirmation mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para sa mga nabibilang sa ICCs o IPs
  • Iba pang valid ID

Kapag walang mapakita na kahit ano sa mga naka-lista, maaaring kilalanin ng isang rehistradong botante ang bilang kamag-anak. Ngunit, ang isang rehistradong botante ay hindi maaaring kumilala ng lagpas sa 3 nais magregister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang Community Tax Certificate (cedula) at PNP clearance ay hindi maaaring gamitin bilang valid na identification para magregister.

Application form

Ang mga application forms ay maaaring i-download mula dito.

Lahat ng applications ay tatanggapin ng Comelec. Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:

  • Applications para sa registration
  • Transfer ng registration record
  • Change/correction ng mga entry
  • Reactivation ng record ng registration
  • Inclusion ng record ng registration
  • Reinstatement ng panggalan sa listahan ng mga botante

Para sa mga PWD, senior citizens at mga buntis, magtatalaga ng express lanes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sources: Comelec Press Release, Comelec Registration Requirements

Basahin: "Parent votes" matter to national election candidates

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement