Ibinahagi na ng Cong TV family ang video ng pagsilang ni Viy Cortez sa kaniyang baby Kidlat.
Mababasa sa artikulong ito:
- Cong TV ipinasilip ang mukha ni Baby Kidlat
- Paano masusuportahan ang iyong asawa sa panganganak
Cong TV ipinasilip ang mukha ni Baby Kidlat
Mangiyak-ngiyak ang mga fan nang ibahagi ng Cong TV family ang video ng delivery journey ni Viy Cortez sa kanilang baby Kidlat.
Mapapanood sa YouTube vlog nina Cong TV at Viy Cortez kung paano sinuportahan ng mister ang kaniyang asawa. Napag-usapan din ng mag-asawa kung right timing ba ang pagdating ng baby ni Viy Cortez.
Naniniwala umano ang dalawa na dumating ang baby ni Viy Cortez sa tamang panahon. Ani Cong TV, parehong nagawa na nila ang mga bagay na gusto nila para sa kani-kaniyang family bago isilang si Kidlat.
Habang inihahanda si Viy Cortez para sa C-section, hindi rin mapakali si Cong TV. Aniya, para umano siyang lutang at hindi alam kung ano ang mga nangyayari. Natatakot din umano si Cong TV dahil hindi niya alam kung paano buhatin ang baby nila ni Viy Cortez, sakaling lumabas na ito.
“Totoo pala ‘yong mga sa palabas, ‘yong naglalakad-lakad ‘yong tatay. Akala ko acting lang ‘yon…hindi ka talaga mapapakali,” saad pa ng vlogger.
Habang isinasagawa ang operasyon kay Viy Cortez, ibinahagi ni Cong TV ang nararamdamang paghanga sa asawa at sa iba pang mga mommy.
Aniya, “Grabe ‘yong hirap nila talaga…tapos tayo nandito lang, pahintay-hintay lang. Grabe. Stage 1 pa lang ang hirap na. Paglabas may recovery pa ‘yan.”
Maluha-luha sa saya ang Cong TV family nang sa wakas ay marinig na ang pag-iyak ni baby Kidlat. Agad na nilapitan din ito ni Cong TV. Bagama’t malabo, makikita na rin ang itsura ng anak nina Cong at Viy Cortez.
“Ilang beses ko nang narinig na titigil ‘yong mundo mo. Nong moment na nakita ko siya, nag-rewind ‘yong buong buhay ko. Hindi lang tumigil, nag-rewind.”
Naging masaya ang mga fan sa pagbabahagi ng Cong TV family ng mahalagang karanasang ito sa kanila. Nagpasalamat pa ang ilang netizen dahil sa pag-acknowledge umano ni Cong TV sa hirap ng mga mommy sa panganganak, C-section man o normal delivery.
Paano masusuportahan ang asawa habang nanganganak
Para sa mga buntis na manganganak na, mahalaga ang presensya ng kanilang asawa para magawa nang matagumpay ang delivery. Kung ikaw ay may asawang manganganak na, importanteng manatili ka sa kaniyang tabi mula stage 1 hanggang recovery.
Narito ang ilang tips na maaari mong gawin kung manganganak ang iyong asawa:
Stage 1
Sa early phase ng first stage ng pagle-labor, tulungan ang iyong asawa na kumalma. Then help her na maging komportable sa paghiga o pagtayo mula sa kama. And lastly, i-encourage itong uminom ng liquids.
Sa active phase naman, maaari mo siyang tulungang magpalit-palit ng posisyon para maging komportable. Ipaalala mo rin sa kaniya na pumunta sa bathroom kada dalawa hanggang tatlong oras. In addition, mahalagang kausapin ang iyong asawa habang nakararanas ito ng contractions.
Maaari mo siyang purihin sa kung paano niya hina-handle ang sitwasyon. Tandaan na kahit hindi ipinapakita ng iyong asawa na nasasaktan siya, mahalaga pa rin ang suporta at presensya mo sa kaniya.
Samantala, sa transition phase ng labor, paghandaan ang mas matinding contractions na hindi agad nawawala. Patuloy siyang kausapin habang dumaranas ng contractions. Maaari ding makatulong ang pagsabay sa kaniyang paghinga. Additionally, tulungan itong mag-relax sa pagitan ng bawat contractions.
Pwede mo siyang purihin o bigyan ng encouraging words para mas lumakas ang kaniyang loob. Pagpasensyahan mo rin siya kung makaramdam ng frustration o maging short-tempered. Lastly, obserbahan kung mayroon nang senyales ng pag-push sa bata.
Stage 2
Sa 2nd stage ng labor o tinatawag ding pushing stage, maaari mong tanungin ang iyong partner kung paano ka makakatulong sa kaniya. Pakinggan ang mga hiling nito at gawin ang mga maaaring gawin. Pwede mong hawakan ang kaniyang legs, o suportahan ang likod niya habang nagpu-push siya.
Mahalaga pa rin sa bahaging ito na kinakausap mo siya at nagbibigay ka ng encouraging words sa kaniya. Ipaalala sa kaniya na mag-relax sa pagitan ng bawat contractions at tulungan siyang maging komportable. Kapag nakita mo na ang paglabas ng ulo ng sanggol, ibalita mo ito sa kaniya.
Stage 3
Kapag lumabas na ang sanggol at naputol na ang umbilical cord nito maaari mo na itong buhatin. Maglaan ng oras na kayo lang munang mag-asawa ang kasama ng anak bago kayo mag-entertain ng bisita. Samantalahin ang espesyal na oras na ito para sa inyong pamilya.
Maaari mo ring kausapin ang nurse at ipaalam dito ang kagustuhan ng iyong asawa hingil sa breastfeeding o anomang nais ipasabi ng iyong asawa. Pwede ring mag-take ng pictures bilang remembrance ng mga unang araw ng iyong anak.