Cong TV at Viy Cortez narito ang mga realizations bilang new parents higit dalawang lingo matapos maipanganak si Kidlat.
- Mga pagbabago sa buhay ni Cong TV at Viy Cortez ng maipanganak si Kidlat.
- Realizations ni Cong TV at Viy Cortez bilang mga bagong magulang.
Mga pagbabago sa buhay ni Cong TV at Viy Cortez ng maipanganak si Kidlat
“Sobra.” Ganito isalarawan ni Viy Cortez ang naging pagbabago sa buhay niya simula ng maipanganak si Kidlat. Sa latest vlog ni Cong TV at Viy ay ibinahagi nila hindi lang ang pagbabago kung hindi pati narin ang realizations nila ngayon na sila ay ganap ng mga magulang.
Higit dalawang linggo ng maipanganak si Kidlat, si Viy ay malapit na daw maging zombie. Ito ay dahil sa puyat sa pagbabantay at pagpadede sa kaniyang baby, ayon kay Cong.
“Ako pa-zombie na, si Cong, fresh na fresh!” biro ni Viy kay Cong.
Batid naman ni Cong ang sacrifices na dinaranas ni Viy ngayong sila ay magulang na. Dahil dati raw ay mahabang oras talaga ang tulog ng kaniyang girlfriend. Ngunit ngayon ay napupuyat na ito para alagaan ang kanilang anak.
“Si Viy ang timbang ho niya pagkalabas ni Kidlat ay nasa 90 kilos in the span of 2 weeks, ano nalang po siya ngayon 85. Bumaba siya ng dalawang kilo dahil sa puyat.”
Ito ang pagbabahagi ni Cong sa kanilang vlog.
Dagdag pa ni Cong, talagang nanibago siya ngayon na sila ni Viy ay may Kidlat na. Isa nga sa napansin niya ay ito.
“Ang nag-iba hindi niya na ko tinatawag sa baba. Nagtataka ko. Ang ginagawa ko sa sobrang sanay kong tinatawag ako ‘yong umaakyat kusa. Parang naninibago ako sa baba eh kasi siyam na buwan parang binubulabog mo mundo ko.”
“Talagang ‘Lab’ tapos kapag lalabas ka talagang ‘bawal kang lumabas’. Ngayon pagbaba ko mga apat na oras na ko sa baba walang tumatawag sa’kin. It’s either nagpapadede siya o tulog siya.”
Ito ang nangingiti pang kuwento ni Cong.
Larawan mula sa Facebook account ni Cong TV
Kuwento naman ni Viy, si Cong walang pinagbago sa kaniyang routine kahit siya ngayon ay isa ng tatay. Busy pa rin ito sa mga pinagkakaabalahan niya tulad ng gitara at chess.
Pero magkaganoon man ay hindi naman na daw nagulat si Viy. Mabuti na lang ay may nakausap niyang nag-set na ang expectations niya sa pagiging first time mom. Hindi man daw siya maramayan ni Cong sa pagpupuyat at pagpapadede ng kanilang baby, thankful na daw siya sa presence nito sa kaniyang tabi.
“Ako, ayaw kong umaalis si Cong. Yun lang ‘yong tulong niya sakin. Nawawala ‘yong pagod ko, nagiging komportable ako kapag nandiyan si Cong, nakikita ko siya. Parang umu-okay ‘yong pakiramdam ko,” sabi ni Viy.
Ginagampanan naman ni Cong ang pagiging tatay sa pagbili ng mga kakailanganin ng kaniyang mag-ina, tulad ng breast pump. Sa vlog, makikitang pinapalitan din ni Cong ng diapers si Kidlat.
Realizations ni Cong TV at Viy Cortez bilang mga bagong magulang
Sa dalawang lingo nga daw na pag-aalaga kay Kidlat ay marami ng naging realizations si Viy. Tulad na lang ng labis niyang paghanga sa mga single mom na nagagawang mag-alaga ng anak nila ng walang katuwang.
Dahil sa kaso ni Viy, pag-aalaga na lang daw ang ginagawa niya kay Kidlat at wala ng gawaing bahay, pero pagod at hirap na siya.
“Ang ginagawa ko lang is nagpadede, alaga, buhat tapos pump ganyan. So grabe. Kaya pala supermom talaga ‘yong tawag nila. Kasi kung lahat yun gagawin, grabe yun ang hirap nun. Ang galing ng mga nanay na talagang hands-on na sila lang talaga mag-isa.”
Ito ang sabi pa ni Viy. Dagdag niya pa, timing din talaga na ngayon sila nagkaanak ni Cong. Dahil kung noon ay hindi pa nila kayang kumuha ng katuwang o makakatulong sa pag-aalaga sa anak nila at gagawa ng mga gawaing bahay.
Sa dulo ng kanilang vlog ay makikitang bumisita ang mga magulang ni Cong sa kanilang bahay. Habang karga-karga ng kaniyang ina si Kidlat ay ibinahagi ng first time dad ang realization at appreciation niya sa naging pag-aalaga at pagpalaki sa kaniya at mga kapatid niya ng kaniyang ina.
“Ngayon ko na-appreciate ‘yong pag-aalaga mo. Kaya pala nung sumagot-sagot ako nung mga 13 ako, umiiyak.”
“’Yong akala mo dati na nasa bahay lang. Hindi siya housewife lang, isa siyang alamat. Partida walang sahod yun guys, passion-passion lang. Kasi mahal na mahal niya yung batang iniluwal niya so wala siyang choice.”
Ito ang sabi ni Cong na nakapagpaluha ng mata ng kaniyang ina.
“Talagang kakalimutan mo ‘yung sarili mo. Hindi ka makakain ng tama, hindi ka makakaligo ng tama. Kasi priority mo ‘yong anak mo e.”
Ito naman ang sagot ng ina ni Cong na ilan lamang umano sa sakripisyo ng mga ina.
Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez
Si Cong naman, ready na ready umano sa mga challenges ng pagiging magulang. Sabi pa niya ay wala ng atrasan. Dahil sa ngayon ay isa na siyang ama at may bata ng kailangang alagaan, palakihin at suportahan.
“Wala na kong karapatang mag-reklamo sa nai-experience kong hirap kasi mayroon ka ng batang kailangang suportahan. Habang buhay, lifetime commitment,” sabi pa ni Cong.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!