LOOK: Cong TV at Viy Cortez engaged na!

Cong sinabing matagal niya ng pinagpaplanuhan na alukin ng kasal si Viy. At sa kaniyang 31st birthday ang pag-oo nito ang best gift na natanggap niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Vloggers na sina Cong TV at Viy Cortez engaged na! Panoorin dito ang naging proposal ni Cong kay Viy.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Cong TV at Viy Cortez engaged na.
  • Mensahe ni Cong kay Viy.

Cong TV at Viy Cortez engaged na

Ito na ang matagal ng hinihintay ng mga kapamilya, fans at kaibigan ng mga vloggers na sina Cong TV at Viy Cortez. Si Cong nag-propose na ng kasal kay Viy na sinagot naman ni Viy ng “yes” na walang pag-aalinlangan.

Ang engagement proposal nangyari sa binyag ni Kidlat at birthday celebration ni Cong na kung saan kumpleto ang mga mahahalagang tao sa buhay nila. Si Cong wala ngang mapalagyan sa kaniyang kasiyahan sa big events na magkakasabay na nangyari sa buhay niya.

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

“Napakasaya. Nandito lahat ng kapamilya, mga importanteng tao, mga kaibigan. Syempre si Kidlat sa wakas nabinyagan na siya.  Sobrang saya.”

Ito ang sabi ni Cong sa vlog na kung saan tampok ang naging binyag at birthday celebration niya. Pero hindi pa pala ito ang main event, dahil sa bandang dulo ng vlog, ay ibinahagi ni Cong ang pinaka-importante sa lahat. Ito ang paghingi niya ng yes ni Viy para pakasalan siya.

Habang nag-aagahan matapos ang birthday celebration niya at binyag ni Kidlat ay ginulat ni Cong ang lahat nang bigla itong magsalita sa microphone. Ito ang sabi niya habang papalapit kay Viy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Love, will you marry me?”

Pagkasabi nito sunod na lumuhod si Cong sa harap ni Viy saka inilabas ang engagement ring na binili niya. Si Viy naiyak sa kaniyang mga narinig mula kay Cong. 

Si Cong habang nakaluhod ay sinabing matagal niya ng pinagpaplanuhan na mag-propose ng kasal kay Viy. Pero humahanap lang daw siya ng tiyempo na gawin ito.

Kaya naman ng tanungin siya ni Viy kung anong gusto niyang regalo sa birthday niya ay ito ang naisip ni Cong na pagkakataon at pinakamagandang birthday gift na rin na matatanggap niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Tinatanong mo ako nung nakaraan kung anong gusto kong regalo sa 'yo. Sabi ko wala pero sa totoo lang ito talaga 'yong nasa isip ko matagal na panahon na. Naghahanap lang ako ng tiyempo iniisip ko kung paano sabi ko bahala na.”

“Ito 'yong pinakamagandang regalong ibibigay mo sakin ngayon sa birthday ko. Love ulitin ko 'yong tanong will you marry me?”

Ito ang sabi pa ni Cong na mahinang sinagot ni Viy ng yes. Saka ito napatayo at yinakap si Cong sabay sabi ng “Worth the wait”. Bakas sa mukha ni Viy na masaya siya sa mga narinig niya at sa naging pagpopropose ng kasal ni Cong.

Mensahe ni Cong kay Viy

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Sa parehong vlog ay ibinahagi ni Cong ang nararamdaman niya ngayong engaged na sila ni Viy. Nagbigay rin siya ng mensahe niya kay Viy na ayon kay Cong ay maswerte siya na ito ang babaeng inaya niyang magpakasal na umoo naman sa kaniya.

“We've come a long way but a lot to go. Solid kasi naging sandalan kita sa mga pinakamahirap na parte ng buhay ko. At salamat sa Diyos na ikaw ang kasama ko ngayon sa pinakamasasarap na parte. Swerte ko kasi sa 'yo ko kailangang tanungin 'yong tanong na 'will you marry me?”

Dagdag pa ni Cong, wala na siyang mahihiling pa kay Viy. Dahil si Viy taglay daw ang mga katangiang hinahanap niya na parehas na parehas din sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinasalamatan niya rin ito sa matiyagang paghihintay sa kaniya at sa pagmamahal nito hindi lang para sa kaniya kung hindi para na rin sa anak nilang si Kidlat.

“Doon kasi sa sure ako na-oo ka sakin ay wala na akong mahihiling pa sa isang babae katulad mo. Matalino, madiskarte, maganda, nakakatawa, mapagmahal na anak at unbelievable na ina mga bagay na parehas na parehas tayo. I love you Love. Maraming salamat sa pag-unawa mo, sa pagmamahal mo sakin at higit sa lahat sa matiyagang paghihintay mo sakin.”

Ito ang sabi pa ni Cong.

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Cong kung kailan ang eksaktong petsa na naganap ang kanilang engagement.

“Salamat sa matiyaga mong paghihintay. Hindi ka na magtatanong sakin muli. I love you @viycortez ❤❤!! 10/28/22”

Ito ang sabi ni Cong kalakip ang larawan nila ni Viy na magkasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Viy ibinahagi rin ang kaniyang nararamdaman sa pagpropose ng kasal ni Cong. Sa kaniyang Instagram account kalakip din ang larawan nila ni Cong na nagkikiss ay ito ang sabi ni Viy.

“Yes love! Una palang alam ko na ikaw ang magiging asawa ko.”

Pitong taon ng magboyfried-girlfriend si Cong TV at Viy Cortez. Sa mga vlogs ni Cong ay kasama ang relasyon nila ni Viy na sinusundan ng mga fans at followers niya.

Mas naging masaya pa nga sila para sa dalawa ng dumating sa kanilang buhay ang first baby nilang si Kidlat. Si Kidlat ay ipinanganak Hulyo nitong taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement