Viy Cortez sa kasal nila ni Cong: “No more kapit bahay yes to asawa?⛪️”

Kasal nila Cong at Viy sinalubong ng nagagandahang fireworks display.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cong TV at Viy Cortez kasal na! Tingnan dito ang mga larawan sa naging kasal nila.

Mababasa dito ang sumusunod:

Cong TV at Viy Cortez kasal na

Larawan mula sa Facebook

Ikinasal na sina Cong TV at Viy Cortez. Ito ang magandang balita na kumalat sa social media kahapon. Ang seremonyas ng kanilang kasal naganap sa L’Annunziata Parish sa Muntinlupa City na dinaluhan ng malalapit nilang mga kaibigan at pamilya.

Sa Instagram ay nagbahagi si Viy ng larawan niya sa kanilang kasal. Ito ang nakakatuwang caption niya dito.

“No more kapit bahay yes to asawa.💍⛪️ #perfectCongViynation

Sa post na ito ni Viy ay bumaha ang pagbati sa kanila ni Cong. Ilan nga dito ay mula sa kilalang mga celebrities na masaya para sa kanilang dalawa.

Ang naging venue designer ng kasal nina Cong at Viy ay si Gideon Hermosa. Siya ay nagbahagi rin sa Instagram ng video clips sa naging kasal ng dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“From years of wedding banter, we are led to this moment where @thecongtv and @viycortez are more than prepared to say the vows they’ve been fulfilling for years.”

Ito ang bahagi ng caption ni Gideon sa wedding video nila Cong at Viy.

 

Mga ganap sa kasal nila Cong at Viy

Larawan mula sa Facebook

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa video makikita kung gaano kaganda si Viy sa suot niyang wedding gown na talagang lumutang sa napakaganda ring design ng kaniyang wedding venue.

Naging makulay din ang masaya ang gabi ng kanilang kasal dahil sa mga nagagandahang fireworks na nag-entertain sa mga guest at naging hudyat ng pagdiriwang sa pag-iisang dibdib ni Cong at Viy.

Samantala, sa kaniyang Facebook account ay nagbahagi rin siya ng larawan nila ni Viy sa kanilang naging kasal. Ang caption ng post ni Cong ay simple lang. Pero ito ay puno ng kahulugan at mararamdamang may kaakibat na kasiyahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Mr. and Mrs. TV #perfectCongViynation

Ito ang sabi ni Cong tungkol sa kasal nila ni Viy.

Larawan mula sa Facebook

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement