Congenital anomaly scan: Bakit ito mahalagang gawin ng buntis?

Congenital anomaly scan: Bakit ito mahalagang gawin ng buntis?

Para malaman kung normal na lumalaki ang sanggol sa loob ng iyong sinapupunan ay kailangan mong dumaan sa Congenital Anomaly Scan o 20-week ultrasound scan.

Congenital anomaly scan para sa mga buntis, bakit nga ba kailangan itong gawin?

Ano ang Congenital anomaly scan?

Ang Congenital Anomaly Scan o CAS ay ang prenatal screening test na maaring tumukoy kung may abnormalities si baby na nasa loob pa ng sinapupunan. Tinatawag din itong Second Trimester Fetal Development Anomaly Scan o 20-week ultrasound scan. Isinasagawa ito sa pagitan ng 18 to 24weeks ng pagbubuntis.

Sa pamamagitan ng congenital anomaly scan ay matutukoy ang sumusunod:

  • Ma-check ang anatomy ni baby
  • Masukat ang kaniyang laki kabilang na ang sukat ng kaniyang ulo, utak, katawan, kamay at mga paa.
  • Ma-check ang kaniyang organs, kamay at paa kung may abnormalities
  • Malaman ang gender ni baby
  • Ma-check ang sukat ng placenta at dami ng amniotic fluid
  • Maipakita ang 3D/4D images ni baby

Bagamat karamihan ng pagbubuntis ay healthy, ang CAS ay isang paraan para mas makasigurado sa kondisyon ng sanggol na nasa loob pa ng tiyan. Para sa kung sakaling madetect na may abnormalities sa pagbubuntis o sa paglaki ng baby ay agad na maagapan. O kaya naman ay magawan na ng special arrangement sa panganganak at malaman na ang postnatal treatment na maaring gawin.

Ang structural abnormalities sa katawan ng isang sanggol ay maari ring matukoy sa congenital anomaly scan. Ang ilan sa mga abnormalities na maaring matukoy sa pamamagitan nito ay ang sumusunod:

  • Spinal defects
  • Significant clubfeet o kapingkawan ng paa
  • Body wall abnormalities
  • Cleft lip/palate o bingot
  • Major urinary abnormalities
  • Major heart defects
  • Mga palatandaan ng Down Syndrome

May mga pagkakataon ding nade-detect ng congenital anomaly scan ang mga abnormalities na dulot ng chromosome disorders gaya ng Edwards’ syndrome at Patau’s syndrome.

Congenital anomaly scan

Image from Freepik

Paano isinasagawa ang congenital anomaly scan?

Ang congenital anomaly scan ay isinasagawa ng prenatal sonographer o isang doktor na nag-specialize sa prenatal diagnosis.

Ang scan ay tumatagal ng 30 minutes na kung saan makikita na ang 3D images ni baby sa screen.

Habang ginagawa ang scan ay mache-check na ng sonographer ang anatomy ni baby, ang kaniyang mga organs at pati ang kondisyon ng placenta na kaniyang kinalalagyan. Malalaman rin ang sukat ni baby na ikukumpara sa fetal growth charts para ma-predict ang development ni baby at matukoy kung normal lang ba ito.

Kaya naman para masigurado normal ang paglaki ni baby sa loob ng tiyan ay mahalagang sumailalim sa congenital anomaly scan sa ika-20week ng pagbubuntis.

 

Source: The Medical Chambers
Photo: Freepik

Basahin: Ang mga mahahalagang ultrasound na kailangan kapag nagbubuntis

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner