SCAM ALERT: Mag-ingat sa text na nagsasabing ikaw ay dapat mag-take ng COVID-19 test

Ingat po tayo moms and dads! | Lead image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga mommy! Ingat ingat po tayo sa mga lumalaganap na contact tracing scam ng COVID-19. Alamin kung paano ang modus nito at paano makakaiwas.

SCAM ALERT: Mag-ingat sa text na nagsasabing ikaw ay dapat mag-take ng COVID-19 test

Nagbigay ng babala ang Central Luzon office ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kumakalat na scam tungkol sa paghingi ng bayad bago magsagawa ng COVID-19 testing. Lubhang delikado ito dahil maaaring ma-scam ka ng malaking halaga ng pera para diumano sa gagawing test sa’yo.

Sa kanilang Facebook post, dito nila inihayag ang kumakalat na scam.

SCAM ALERT: Mag-ingat sa text na nagsasabing ikaw ay dapat mag-take ng COVID-19 test | Image from Inquirer

Sa modus na ito, magpapadala ng text message ang scammer at sinasabing ikaw ay nagkaroon ng contact sa isang positive sa COVID-19. Kailangan nilang mag self-isolate para makaiwas sa pagkalat pa ng virus. Pagkatapos nito, dito nila hihingiin ang iyong bank details at manghihingi na ng bayad para sa COVID-19 test.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Just letting you know that there have been scam callers recently who call and say “According to our contact tracing, you have been in close proximity to someone who has been tested positive for COVID-19. This means you now need to self isolate and take the COVID-19 test. I cannot give you any information about the person or the whereabouts of contact due to privacy laws.
But you need to be tested within the next 72 hours.

So, can I get the best mailing address for you so that we can send out a testing kit?”

After you give the address, they will ask for your payment card number and details quoting that the test kit and results is a $50 charge and is not free. If you refuse to give them your bank card / credit card details, they threaten saying that there are penalties for not complying.”

As of 4 PM ng August 2, patuloy na tumaas ang kaso sa bansa ng 103,185 positive cases. Habang 65,557 naman ang mga naka-recover.

SCAM ALERT: Mag-ingat sa text na nagsasabing ikaw ay dapat mag-take ng COVID-19 test | Image from Freepik

Paano nahahawa sa COVID-19?

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Sintomas ng COVID-19

Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.

  • Dry cough
  • Mataas na lagnat
  • Panghihina
  • Pananakit ng katawan
  • Diarrhea
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng panlasa
  • Pananakit ng lalamunan

Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hindi makagalaw
  • Hindi makapagsalita
  • Hirap sa paghinga
  • Pananakit ng dibdib

SCAM ALERT: Mag-ingat sa text na nagsasabing ikaw ay dapat mag-take ng COVID-19 test | Image from Unsplash

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

COVID-19 Health protocols

Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis

 

Source:

Inquirer

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

15 kumpanya sa QC minomonitor dahil sa mataas na bilang ng kaso ng COVID-19

Written by

Mach Marciano