Ilang companies sa Quezon City, kasalukuyang inimbestigahan ngayon dahil sa pagbabalewala ng safety protocols ng COVID-19 sa kanilang workplace.
15 kumpanya sa QC minomonitor dahil sa mataas na bilang ng kaso ng COVID-19
Kasalukuyang iniimbestigahan ngayon ng Quezon City ang ilang kumpanya sa kanilang lugar dahil diumano sa hindi nila pagbibigay ng importansya sa safety protocols sa loob ng kanilang mga opisina.
15 companies sa Quezon City minomonitor dahil sa mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 | Image from Unsplash
Ito ay kasunod ng pagbibigay alam ng mga concern citizen sa Epidemiology and Surveillance Unit na hindi nagsasagawa ang ilang kumpanya ng physical distancing. Wala rin silang thermal scanners na tumitingin sa temperature ng mga taong pumapasok sa opisina. Lumabag rin daw ang ilang kumpanya sa mass gathering protocol.
Ayon sa Epidemiology and Surveillance Unit head na si Dr. Rolly Cruz, pinadalhan na nila ng letter ang mga kumpanyang ito para sa knailang gagawing imbestigasyon. Kailangan rin nilang magbigay ng sapat na dokumentong nagpapakita na wala silang nilabag na batas at ginagawa ang mga safety health protocol laban sa COVID-19.
Binigyan sila ng 24 hours para makipag-cooperate sa nasabing imbestigasyon.
“We have sent these firms a letter requiring them to cooperate with us during our investigation, and to provide us with documents that will clearly tell us the health status of their employees.”
Ang mga kumanya na makukumpirmang lumabag sa Republic Act No. 11332 ay mabibigyan ng karampatang parusa.
15 companies sa Quezon City minomonitor dahil sa mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 | Image from Unsplash
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
15 companies sa Quezon City minomonitor dahil sa mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 | Image from Unsplash
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
Manila Bulletin
BASAHIN:
Kaso ng COVID-19 sa Quezon City lumagpas na ng 6,000
Photoprinting shop huli na namemeke ng COVID-19 rapid test result
Ospital nagsara matapos magsinungaling ang isang ina tungkol sa exposure sa COVID-19 positive
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!