Tagbiliran hospital temporary closure dahil sa isang inang nagsinungaling tungkol sa exposure nila ng kaniyang anak sa isang pasyenteng COVID-19 positive.
Tagbiliran hospital temporary closure
Nitong Martes, July 21, 2020 ay nag-anunsyo ang Tagbiliran Maternity and Children’s Hospital ng pansamantalang pagsasara. Ito ay dahil umano sa isang mag-inang na-admit sa ospital na itinago ang kanilang naging exposure sa pasyenteng positibo sa COVID-19.
Ang insidente ay nangyari umano noong July 19, 2020 bandang alas-3 ng madaling araw. Sa nasabing oras at araw ay may isang 5 taong bata ang dinala ng kaniyang ina sa ospital dahilan sa ito daw ay may lagnat at nagsusuka. Bago pa man i-admit ay ininterview daw muna ang ina ng bata kung nagkaroon ba ito ng exposure sa isang COVID-19 positive na pasyente. Sa interview ay sinabi ng ina na ang kaniyang anak ay hindi na-expose sa sakit.
Dahil sa ang bata ay hindi naman daw na-expose sa COVID-19 base sa pahayag ng ina ay tinanggap ang bata sa ospital. Mula sa ipinapakitang sintomas ay inakalang maaring dengue ang kondisyon na kaniyang nararanasan. Dahilan upang i-confine siya sa kwarto sa ospital na kasama ang isa pang pasyente na may parehong impresyon.
Hanggang 4:30 pm ng parehong araw ay nakatanggap ang Tagbiliran Hospital ng tawag mula sa Tagbiliran City Health Office. Ayon sa kanila, ang 13-anyos na kapatid ng 5-taong bata naka-confine sa kanilang ospital ay lumabas na positibo sa COVID-19. Ang mga ito at kanilang ina ay nakahalubilo umano ng isang OFW na lumabas na positibo sa sakit ilang linggo lang ang nakakaraan. At ang mga ito umano ay kasalukuyang naka-home monitoring. Ang mahahalagang impormasyong ito ay hindi sinabi ng ina ng bata sa interview bago i-admit ang bata sa ospital.
Dahil sa pasyenteng nag-sinungaling tungkol sa kaniyang kondisyon
Kaya naman dahil dito ay agad inilipat sa ibang ospital ang bata na maaring magbigay ng kaniyang medikal na pangangailangan. Dahil sa ang Tagbiliran Hospital ay hindi isang COVID referral facility.
Kasunod nito ay agad na dinisinfect ang buong ospital. At lahat ng empleyadong naka-duty noong araw na na-admit ang 5 taong bata ay inilagay sa quarantine. Sila ay hindi na muna papasok hangga’t hindi pa lumalabas ang resulta ng COVID-19 testing ng naturang bata.
Dahil karamihan ng mga empleyado ng ospital ay naka-quarantine, nag-anunsyo ang Tagbiliran hospital ng temporary closure. Ito ay para masigurado ang pag-kontrol ng pagkalat ng sakit.
Magbabalik operasyon lang ang ospital sa oras na lumabas na negatibo ang COVID test result ng 5 taong bata.
Apela ng ospital
Umaapela naman ang Tagbiliran Maternity and Children’s Hospital sa mga pasyente na maging matapat o honest sa triaging process o interview sa pagpapa-admit sa ospital. Ito ay upang agad na maisagawa ang tamang hakbang sa pagkontrol ng pagkalat ng sakit. At iwasang ma-expose ang iba pa mula sa virus.
“We encourage the public to always have proper disclosure upon interview during the triaging process in order to prevent this kind of incident from happening again.”
Ito ang pahayag ng Tagbiliran Maternity and Children’s Hospital sa public advisory na kanilang inilabas ukol sa nangyaring insidente. Pinapaalalahanan rin nila ang lahat na patuloy na i-observe o gawin ang mga COVID-19 preventive measures.
“And we also remind everyone to observe proper hand hygiene, physical distancing and wearing of face masks.”
Ito ang dagdag pang pahayag ng Tagbiliran Hospital.
Kaparusahan sa mga hindi magsasabi ng totoo
Samantala, ayon kay Cabinet Secretary at IATF Spokespersin, Karlo Nograles, ang sinumang hindi magsasabi ng totoo o tamang impormasyon tungkol sa kalagayan ng kaniyang kalusugan sa ngayon ay lulamabag sa Republic Act No. 11332. Ito ay ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.
“Kung hindi po mag-reveal or mag-share ng information iyong mga pasyente ay mapapahamak po siya. Iyan po iyong nakasulat sa batas. Because this is really a public health concern, we are in a state of calamity, so patients cannot lie and engage in misinformation.”
Ito ang pahayag ni Nograles.
Ang sinumang indibidwal na lumabag sa nasabing batas ay maaring magmulta ng mula sa P20,000 hanggang P50,000. Siya rin ay maaring makulong ng mula sa isa hanggang anim na buwan depende sa desisyong ng korte.
Kung ang gumawa ng paglabag ay isang professional, maari siyang ma-suspende o kaya naman ay maalisan ng lisensya. Ganito rin ang mangyayari sa opisyal ng gobyerno na lalabag sa batas.
Kapag ang lumabag naman sa batas ay isang public o private health facility, agency, school o institusyon ay pananagutin ang namumuno rito. Kung ito ay isang negosyo ay maari itong matanggalan ng lisensya at mapatigil sa operasyon.
Source:
One News, GMA News
Basahin:
Photoprinting shop huli na namemeke ng COVID-19 rapid test result
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!