Coronavirus sa baby, maaari nga bang tamaan ng COVID-19 ang mga baby?
Kahit na sinasabi ng mga health authority na mababa ang tyansa na magkaroon ng COVID-19 ang mga baby, hindi pa rin maiwasan ng mga magulang ang kabahan at matakot. Coronavirus sa baby? Oo, rare case lang ito ngunit maaari pa ring mangyari. Lahat ay pwedeng kapitan ng ganitong sakit ayon sa WHO.
At isang ina sa South Carolina ang nagbahagi ng istorya ng kanyang 7-month old na anak na nagpositibo sa COVID-19.
Coronavirus outbreak: COVID-19 sa baby, maaari ba ‘to?
Fever started low and spiked high very fast
Sa isang facebook post ni Courtney Doster, isang ina mula South Carolina, ibinahagi niya ang kanyang natutunan sa nangyari sa kanyang anak. Pinaalalahanan niya ang mga magulang na maging alerto sa lahat ng nangyayaring kakaiba sa iyong anak.
Ang kanyang anak na 7-month old na si Emmett ay nagpositibo sa COVID-19 nitong March 17 lamang. Ito ay matapos dalhin niya ang kanyang anak sa hospital dahil umabot sa 40 degrees celsius ang lagnat nito.
Ayon kay Courtney,
“Emmett started showing signs last Monday of a sickness, he woke up from his nap and he was warm.”
Sabi niya na mayroong mild fever lang anak niya ngunit bigla na lamang itong tumaas.
Dagdag pa niya,
“I checked his temperature and it was a low-grade fever, to begin with, and pretty quickly it started to climb to 39.4 degrees. We got on the phone with his pediatrician and we finally got the call to go get tested for urgent care.”
Pagkatapos nito, isinailalim sa test ang kanyang anak sa COVID-19, flu at iba pang respiratory illnesses. Kinuhaan din siya ng X-ray at nakumpirma na ang anak niya ay may pneumonia.
Pinauwi muna sila habang nag-aantay ng resulta.
Samantala, na-diagnose rin na may COVID-19 ang lola ni Emmett. At ang buong pamilya ay nagkaroon ng contact sa lola bago ang diagnosis.
Coronavirus in babies: No other symptoms except 40-degree fever
Ayon sa nanay ng baby, wala siyang nakitang ibang sintomas ng COVID-19 kundi mataas na lagnat lamang.
“He had no other signs of being sick, he wasn’t whiny or fussy and that’s what is really scary — we didn’t even realize he was having these types of symptoms.”
Ang baby ay kasalukuyang nasa bahay nila at nagpapagaling mula sa sakit.
Sa kanilang pamilya ay may dalawang bata, edad 2 at 4. At pareho ay hindi nagpapakita ng mga sintomas. Ngunit ang nanay ni Emmett ay hindi pa rin mapakali sa nangyayari. Ang buong pamilya naman ay kasalakuyang naka-quarantine ng 14 days.
“We’re keeping an eye on everyone, checking their fevers, listening to them, making sure they show no signs of sicknesses. So far so good.”
Ibinahagi niya ang istorya ng kanyang anak upang makapagbigay ng warning sa mga magulang na bantayang maigi ang mga anak at obserbahan ang mga pagbabago sa katawan nito.
“It’s very scary — the unknowns, the what if’s — so we just want parents to take this seriously,”
Dagdag pa ng ina na panatilihan lamang sa loob ng bahay ang iyong anak.
Ano ang gagawin ng mga magulang kung makakita ng sintomas ng COVID-19?
Ayon kay Dr Sean O’Leary, isang pediatrician ng Children’s Hospital Colorado, kung sakaling may virus na ang isang tao ay hindi agad ito mapapansin dahil maaaring hindi ito agad magpakita ng kahit anong sintomas o ito ay asymptomatic. Minsan naman ito ay simpleng lagnat lamang.
“This virus does seem to be able to cause significant disease in children but [is] not dramatically different from other typical, common childhood infections, There are some small percentages of children, based on what we’re seeing in other countries, that do get sick and require hospitalization, but that is really not much different, at least at this point than other typical respiratory viruses.”
Kung ang iyong anak ay nagpapakita ng mild symptoms ng COVID-19, katulad ng lagnat o ibang respiratory symptoms na pag-ubo at pagbahing, tawagin na agad ang iyong family doctor upang mapasuri siya kaagad.
Kung lumabas naman na positibo ang iyong anak, siguraduhin lang na i-sanitize ang buong bahay niyo. “Just because one person in the house has [COVID-19], doesn’t mean that everyone will get it,” dagdag ni O’Leary.
Sabi pa niya na,
“We don’t know the extent that it contributes to transmission, but we know that this virus can live on lots of different sources for at least several hours, so do a good job cleaning all high-touch surfaces like doorknobs and bathroom fixtures.”
Coronavirus outbreak: COVID-19 sa baby, ano ang gagawin mo mommy para maging siya?
Ang mga magulang ay dapat panatilihan ang personal hygiene at sundin ang mga precautions na ito:
- Ugaliin ang social distancing at iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang close contact sa mga taong nagpapakita ng mga sintomas ng COVID-19
- Ugaliin ang pagligo kapag galing sa labas at labahan agad ang mga damit na sinuot.
- Maghugas lagi ng kamay na may sabon o alcohol-based hand rub sa loob ng 20 seconds o higit pa
- Takpan ang iyong bibig kapag uubo o babahing. Itapon agad ang ginamit na tissue sa basurahan.
- Maglinis lagi ng bahay
- Hugasan ang mga laruan lalo na ang mga stuffed toys
- Iwasan ang paghawak sa mukha at sabihan din ang iyong mga anak tungkol dito
- Kumonsulta agad sa doktor kapag iba ang nararamdaman mo
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN: COVID-19 on babies: Sintomas, paano iiwasan at mga dapat gawin