UPDATE: Coronavirus philippines third case as of February 5, 2020. Ikatlong kaso ng coronavirus inanunsyo na ng Department of Health.
Coronavirus Philippines third case
Matatandaang noong January 21, inanunsyo na ng DOH ang unang kaso ng 2019-novel coronavirus sa Pilipinas. Ito ay ang 38-year old na Chinese galing Hong Kong ngunit siya ay residente ng Wuhan, China, kung saan nagmula ang nasabing virus.
Ngayong araw, February 5, muling inanunsyo ng Department of Health ang pangatlong kaso ng coronavirus sa bansa. Ito ay ang 60-year old na babaeng Chinese. Siya ay dumating noong January 20 sa Cebu City mula sa Wuhan, China, ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo.
Ang Chinese national ay nalamang dumiretso sa Bohol. At noong January 22, ito ay pumunta sa isang pribadong ospital sa Bohol upang magpatingin dahil sa kanyang lagnat at noong araw na din na ‘yon, siya ay na-admit.
Nitong January 24, ang kanyang samples ay pinag-aralan ng Australian laboratory and the Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at ito ay lumabas na negatibo. Ngunit noong January 23, muling isinailalim ito sa pag-aaral at dito na nga lumabas na positibo ito sa novel coronavirus.
Ngayong Huwebes ng umaga, tinatayang nasa 490 na ang kaso ng death toll sa mundo. Kasama nito ang nasa 24,000 na total ng mga infected sa 28 countries kasama na sa mainland China dahil sa nasabing virus.
Sa Pilipinas naman, binabantayan ang 133 na pinapaghinalaang mayroong coronavirus, ang 115 sa kanila ay kasalukuyan pa ring naka-admit, habang ang 16 ay nakauwi na.
Sa ngayon naman, wala pang nakukumpirma na nahawaan ng nasabing virus o human-to-human transmission sa bansa.
Uri at sintomas ng coronavirus
- runny nose
- sakit ng ulo
- ubo
- sore throat
- lagnat
- masamang pakiramdam
Lunas sa sakit na dulot ng coronavirus
Ang sakit na dulot ng coronavirus sa ngayon ay walang specific na lunas. Dahil sa ito ay isang virus ay hindi ito malulunasan ng antibiotics o antiviral drug. Ang tanging paraan lang para malunasan ang sakit ay maibsan ang mga sintomas ng coronavirus at iwasan itong lumala. Ilan sa mga paraan upang gawin ito ay ang sumusunod:
- Pag-inom ng maraming tubig.
- Umiwas sa paninigarilyo at sa mga mauusok na lugar.
- Pag-inom ng acetaminophen, ibuprofen o naproxen para sa lagnat at sakit.
- Paggamit ng humidifier o cool most vaporizer pati ang pagligo sa maligamgam na tubig para makatulong maibsan ang ubo at sore throat.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Sources:
BASAHIN:
STUDY: COVID-19 maaaring maging sanhi ng brain damage at stroke
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.