Walang sinumang nadadalian sa pagpapaalam sa isang minamahal sa buhay, lalo na kung hindi ka handa para rito. Alaming ang kuwento ng isang babaeng nadeklarang COVID-19 free at namatay pagkatapos ng isang linggo.
COVID-19 free, namatay
Image from Freepik
Bagama’t marami na ang namatay sa buong mundo dahil sa sakit na COVID-19, laking gulat pa rin ng pamilya ni Salha Binte Mesbee — ang pinakabatang namatay na pasyente sa Singapore.
Ang 58-year old kasi na ginang ay nadeklara ng COVID-free isang linggo bago siya binawian ng buhay.
Ayon sa mga datos, nadeklara siyang may COVID noong March 26 matapos bumisita sa Turkey kasama ang kanyang asawa. Nagpunta sila doon para mag-celebrate ng kanilang 38th wedding anniversary.
Bagama’t walang underlying conditions ang pasyente bago siya madeklarang may COVID, may mga komplikasyon na na-develop sa katawan nito noong siya ay na-infect. Dahilan para siya ay ilagay sa Intensive Care Unit o ICU.
Humina umano ang baga nito at bumaba nang husto ang blood pressure. Kumalat din ang impeksyon sa iba’t ibang organ katulad ng puso at baga. Ayon pa nga sa mga doktor na nag-monitor sa kanya, isa siya sa mga kritikal na pasyente.
Kaya naman kahit nadeklara na siyang COVID-free, mayroon pa ring naging epekto ang sakit sa kanyang katawan.
Komplikasyong dala ng COVID-19
Image from Freepik
Ayon sa anak ng pasyente, “we were told Mama’s condition had deteriorated, the effects of the virus had reached her brain and hope was thin.”
Dagdag pa niya, noong huling gabi ng kanyang ina, sumailalim ito sa CT scan at doon nga nakita na may pamamaga sa kanyang utak. Siya na noon ay nakakabit sa life support at pumanaw na nga sa sumunod na araw.
“The doctor confirmed she was brain dead and she was relying on the life support system. We had to make the decision to keep going or to let her go.
Pagpapasalamat para sa suportang kanilang natanggap
Image from Freepik
Bagama’t ito ang sinapit ng kanyang ina, nagpapasalamat pa rin si Noraisah na pinayagan silang makita siya kahit sa huling pagkakataon. Pinayagan din silang iuwi ang kanyang labi at i-burol dahil nga COVID-free na ito bago pa siya pumanaw.
“My parents were always together. Currently, we are giving our father the full support he needs to move forward,” kuwento ni Noraisah.
Ito naman ang naging pahayag ng anak na lalaki ni Salha.
“All praise to God, my beloved mother Salha Binte Mesbee has been safely buried and the burial went smoothly. I would like to thank everyone for their prayers, gifts and time. I would like to apologise if I speak harshly or if I was unable to everyone’s messages. Once again, thank you everyone.”
Ang pamilya ni Salha ay binubuo ng kanyang asawa, tatlong anak at limang apo. Siya ay ang Case 703 sa Singapore at kanya ring kamag-anak si Case 682, 702 at 975.
Bukod kay Salha, ang asawa rin nito at dalawang lalaking anak ay nagpositibo sa COVID ngunit naka-recover na.
Translated with permission from TheAsianParent Singapore
Basahin: Breastfeeding habang may COVID-19: Wash your breast and wear mask
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!