COVID-19 humihina na at maaaring mawala ng kusa, ayon sa Italian doctor

Ang mga pagbabago sa behaviour na ito ng sakit ay maaring dahil sa ginagawa nating social distancing, pagsusuot ng mask at mga testing.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

COVID-19 humihina na ayon sa Italian doctor at maaring mawala ng kusa. Ito daw ay maaring dahil sa tulong ng mga precautionary measures laban sa sakit tulad ng social distancing at pag-susuot ng mask.

COVID-19 humihina na ayon sa Italian doctor

Kung ikukumpara umano noong una, may malaking naging pagbabago sa severity ng COVID-19 sa mga bagong pasyenteng na-iinfect ng sakit. Ito ang ginawang basehan ng isang Italian doctor na si Dr. Matteo Bassetti, head ng infectious diseases clinic sa San Martino Hospital, Genoa, Italy.

Image from Freepik

Paliwanag niya, kung noong una karamihan ng mga COVID-19 patients na nagpapakita ng malalang sintomas ay kinakailangan ng oxygen at ventilator para makahinga, ngayon daw ay hindi na ganito ang eksena. Dahil karamihan ng mga senior citizens ngayon na tinamaan ng sakit ay nakakaupo na ng maayos sa kama nila at nakakahinga kahit hindi ginagamitan ng anumang makina.

“The clinical impression I have is that the virus is changing in severity.”

“In March and early April the patterns were completely different. People were coming to the emergency department with a very difficult to manage illness and they needed oxygen and ventilation, some developed pneumonia.”

“It was like an aggressive tiger in March and April but now it’s like a wild cat. Even elderly patients, aged 80 or 90, are now sitting up in bed and they are breathing without help. The same patients would have died in two or three days before.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Dr. Bassetti sa isang panayam. Paniniwala niya maaring naging possible ito dahil sa nag-mutate o humina na ang virus. At ito ay dahil sa mga social distancing at pag-susuot ng mask na ating ginagawa.

Mas bumaba ang viral load ng COVID-19 sa mga bagong biktima ng sakit

Ganito rin ang nakitang pagbabago ng isa pang doktor sa San Raffaele Hospital, Milan, Italy.

Ayon kay Dr. Alberto Zangrillo, hepe ng nasabing ospital, sa kanilang ginawang pag-aaral ay nakita nilang bumaba ang viral loads ng COVID-19 sa mga taong lumabas na positibo sa sakit sa pamamagitan ng swab test. Suhestisyon niya ito ay maaring palatandaan na humihina na nga ang virus.

“The swabs performed over the last 10 days show a viral load in quantitative terms that was absolutely infinitesimal compared to the ones carried out a month or two months ago.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Dr. Zangrillo sa isang panayam.

Ang findings ng dalawang Italian doctor ay pareho rin sa naging findings ng mga doctor sa University of Pittsburgh Medical Center o UPMC sa Pennsylvania, USA.

Ayon sa kanila, mas bumaba ang viral amount ng COVID-19 virus sa mga bagong pasyenteng lumabas na positibo sa sakit. Hindi narin sila nagiging sobrang masakitin, hindi tulad noong una na bago pa lang ang virus at karamihan sa mga pasyente nito ay inirereklamo ang hirap silang makahinga. Ngunit sa ngayon, ang mga ito ay nabago na at masasabing ang virus umano ay humihina na o maari ng kusang mawala.

“All signs that we have available right now show that this virus is less prevalent than it was weeks ago.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The total amount of the virus the patient has is much less than in the earlier stages of the pandemic.”

“We see all of this as evidence that COVID-19 cases are less severe than when this first started.”

Ito ang pahayag ni Dr. Donald Yealy, chairman ng emergency medicine sa UPMC.

Image from Freepik

Reaksyon ng mga eksperto

Bagamat napakasarap marinig ang mga balitang ito, may ilang health experts naman ang hindi kumbinsido sa mga findings na ito. Isa nga nga rito ay si Mark Cameron, associate professor ng population and quantitative health sciences sa Case Western Reserve University School of Medicine sa Cleveland, Ohio.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa kaniya, ang mga virus ay maari ngang mag-mutate o humina. Ito ay normal na paraan umano ng mga virus para makapag-survive. Ngunit ito ay hindi basta-basta nawawala at patuloy paring makakahawa.

Ganito rin ang paniniwala ni Dr. Bharat Pankhania, isang professor sa UK’s University of Exeter Medical School. Pahayag niya ang COVID-19 ay maari lang mawala kung wala ng taong ma-iinfect ng sakit o kaya naman ay kapag may vaccine na maaring maging solusyon upang ito ay maiwasan.

“I don’t expect it to die out that quickly. It will if it has no one to infect. If we have a successful vaccine, then we’ll be able to do what we did with smallpox. But because it’s so infectious and widespread, it won’t go away for a very long time”, pahayag ni Dr. Pankhania.

Kailangan pa ng dagdag na pag-aaral upang ito ay mapatunayan.

Para naman kay Dr. Oscar MacLean na nagmula sa MRC-University of Glasgow Center for Virus Research sa Scotland, ang mga pahayag  na ang COVID-19 humihina na ayon sa Italian doctor ay lubhang mapanganib. Dapat ito daw muna ay mas mapag-aralan at ma-verify sa systematic na paraan.

“Making these claims on the basis of anecdotal observations from swab tests is dangerous. Whilst weakening of the virus through mutations is theoretically possible, it is not something we should expect, and any claims of this nature would need to be verified in a more systematic way.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Dr. MacLean.

Sinuportahan naman ang pahayag na ito ni Michael Ryan, executive director Health Emergencies Program ng WHO. Ayon sa kaniya, dapat ay maging maingat sa paglalabas ng pahayag na humina na ang virus dahil hanggang ngayon ay nakakamamatay parin ito.

“We need to be exceptionally careful not to create a sense that all of sudden the virus, by its own volition, has now decided to be less pathogenic. This is still a killer virus.”

Ito ang kaniyang naging pahayag.

Ipagpatuloy ang testing, social distancing at pagsusuot ng mask.

Image from Freepik

Pero para kay Dr. Amesh Adalja, infectious disease physician at senior scholar sa Johns Hopkins University Center for Health Security, ang mga nakikitang pagbabago ng mga doktor sa behavior ng coronavirus ay maaring dahil rin sa naging pagbabago sa reaction natin laban sa virus. Tulad ng mga isinasagawang testing na mas nagpadali na matukoy kung sino ang positibo sa sakit at agad na ma-isolate. Pati na ang pagsusuot ng mask at physical distancing na nakakatulong na maiwasan pa ang pagkalat ng sakit.

Dagdag pa niya, bagamat ito ay magandang balita ay kinakailangan parin nito ng dagdag na pag-aaral. At kailangan parin nating magpatuloy sa mga paraan o measures na ating ginagawa upang ma-kontrol ang pagkalat pa ng sakit.

 

Source:

NY Post, Healthline, Penn Live, Business Insider

Basahin:

Karne at seafood sa palengke sa China contaminated ng COVID-19