Mas madali bang dapuan ng COVID-19 ang mga nag-yoyosi at nag-vavape?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

COVID 19 on smoking: Mas prone nga ba ang mga naninigarilyo at nag-vavape sa coronavirus? Ano nga ba ang batayan nito?

COVID 19 on smoking

Dahil ang coronavirus o COVID-19 ay may mga sintomas na pumupuntirya sa respiratory system ng isang tao, maaari nga bang mas prone dito ang mga smokers?

Ayon sa pag-aaral, ang mga smokers o mga taong madalas manigarilyo ay mas mataas ang tyansa na dapuan nag COVID-19 dahil karamihan sa kanila ay mayroon ng mga lung infection o sakit sa baga. Dahil dito, mas madaling made-develop ang mga severe complications ng naturang sakit.

Ang mga taong mahilig manigarilyo ay madaling kapitan ng nasabing virus. At posibleng maging malala kapag dinapuan na nito.

Mas madali bang dapuan ng COVID-19 ang mga nag-yoyosi at nag-vavape? | Image from Freepik

Payo ng mga eksperto, mas palakasin ang resistensya at umiwas na sa mga bisyo na maaaring makapagpahina rito. Magpalakas ng katawan at kumain lamang ng healthy na mga pagkain. Magpahinga rin at uminom palagi ng tubig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung maaari, tigilan na ang paninigarilyo lalo na dahil hindi lang mga sarili natin ang naaapektuhan ng usok ng sigarilyo. Mas malakas ang epekto ng sigarilyo sa mga taong nakakalanghap nito o kung tawagin ay second hand smoke.

Epekto ng secondhand smoke sa bata

Bukod sa direktang epekto ng paninigarilyo sa katawan, masama rin ang dulot nito sa mga tao sa iyong paligid. Alam naman nating ang secondhand smoke ay lubhang nakasasama sa katawan. Kung ikaw ay naninigarilyo at nasa paligid ang iyong mga anak, nilalagay mo rin ang kanilang kalusugan sa peligro.

Ayon pa sa pag-aaral, ang pagiging exposed sa secondhand smoke ay mas nagpapataas ng tiyansa na magkaroon ng lung cancer at iba pang uri ng cancer o mauwi sa emphysema na masama para sa ating mga puso.

Para maligtas sa anumang sakit, iwasan na lamang ang bisyo at magpalakas ng katawan. Tandaan na hindi lang ito para sa iyo kundi para na rin sa iyong pamilya!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas madali bang dapuan ng COVID-19 ang mga nag-yoyosi at nag-vavape? | Image from Freepik

Paano nahahawa sa COVID-19?

Paano nga ba nahahawa sa COVID-19 ang mga tao? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng COVID-19

Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan.

Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.

  • Dry cough
  • Mataas na lagnat
  • Panghihina
  • Pananakit ng katawan
  • Diarrhea
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng panlasa
  • Pananakit ng lalamunan

Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.

  • Hindi makagalaw
  • Hindi makapagsalita
  • Hirap sa paghinga
  • Pananakit ng dibdib

Mas madali bang dapuan ng COVID-19 ang mga nag-yoyosi at nag-vavape? | Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

COVID-19 Health protocols

Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis

 

Source:

ABS CBN News

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Importanteng maalagaan ang iyong mental health sa panahon ng COVID-19

Sinulat ni

mayie