COVID-19 patient suicide ang naisip na paraan upang matakasan ang dalang hirap at pasakit ng sakit. Pasyente tumalon sa 3rd floor ng pinag-admitang ospital sa Cebu.
COVID-19 patient suicide story
Isa na namang COVID-19 patient ang sumuko sa dalang pasakit ng sakit. Pero sa pagkakataong ito, hindi ang mismong sakit ang kumitil sa buhay ng pasyente. Kung hindi ang dulot nitong depresyon at anxiety na nagtulak sa pasyenteng wakasan ang kaniyang sariling buhay. Ang nasabing COVID-19 patient tumalon mula sa 3rd floor na pinag-admitang ospital. Dahilan upang magtamo siya ng open fracture sa kaniyang kanang tagiliran at iba pang physical injury na nauwi sa kaniyang pagkamatay.
Ayon sa artikulong nailathala sa Philippine News Agency, ang 48-anyos na pasyenteng lalaki ay naka-admit sa Vicente Sotto Memorial Medical Center o VSMMC sa Cebu City. Ito ay naadmit umano sa ospital nito lamang Lunes, June 8, dahil sa COVID-19 pnuemonia. Siya ay namamalagi sa ikatlong palapag ng ospital, kung saan niya isinagawa ang pagpapatiwakal.
COVID patient tumalon sa 3rd floor ng ospital
Base sa statement na inilabas ng VSMMC medical chief na si Dr. Gerardo Aquino Jr tungkol sa insidente, Martes, June 9 ay nakitaan na ng nurse on duty sa nasabing pasyente ang pagbabago sa ikinikilos nito. Bigla daw ito kakanta, sisigaw at susuntukin ang glass door sa kaniyang kwarto gamit ang kaniyang kamao.
Ilang beses rin umano ng sinita ng naka-duty na guard noong araw na iyon ang pasyente na paikot-ikot sa 3rd floor ng ospital. Ngunit ito daw ay hindi nakikinig at nagpapatuloy sa kaniyang ginagawa.
Hanggang sa binasag na daw nito ang glass window sa 3rd floor ng ospital at saka tumalon mula rito.
“The patient forcibly broke the glass window near the elevator and jumped to his death towards the ground floor of the ND Building.”
Ito ang pagkukuwento ni Aquino sa nangyaring COVID-19 patient suicide story.
Agad umanong namatay ang pasyente dakong 8:40 am ng umaga ng Martes. Ito ay nagtamo ng multiple physical injury na naging dahilan ng kaniyang pagkasawi.
Panawagan ni Aquino sa pamilya at kaibigan ng mga COVID-19 patients na patuloy na nakikipaglaban sa sakit, huwag na sanang maging dagdag na alalahanin pa sa kanila. Sa halip ay ipakita ang kanilang suporta at pagmamahal lalo na sa mga oras na tulad ng ganito na lahat tayo ay dumadaan sa mahirap na sitwasyon.
“Everyone can experience emotional, mental, and physical drain at this crucial time. We urge the public to maintain the support and prayers for all patients and healthcare workers to avoid stigma and discrimination.”
Ito ang pakiusap ni Aquino.
COVID-19 depression, paano maiiwasan?
Ayon nga sa mga eksperto, maliban sa dagok sa physical health ay dumadagdag din ang depression sa nagpapahirap sa mga sa COVID-19 patients. Kaya naman payo nila maliban sa pag-aalaga sa ating kalusugang pisikal ay dapat alagaan rin ang ating mental health.
Ilan sa mga paraan na maaring gawin upang ma-proteksyonan ang mental health mo at mga taong nakapaligid sayo ngayong COVID-19 pandemic ay ang sumusunod, ayon sa WHO:
- Manatiling well-informed at makinig sa mga payo at rekumendasyon ng mga awtoridad. Makinig lang sa mapagkakatiwalaang TV at radio channels.
- Magkaroon ng daily routine na makakatulong na ma-maintain mo ang iyong maayos na kalusugan. Tulad ng pagkain ng masustansiya, pag-iexercise at pagtulog ng tama at sapat sa oras. Pati na ang pag-observe ng proper hygiene.
- Bawasan ang exposure o pagbabasa ng mga balita sa social media na nagdudulot sayo ng anxiety at distress. Bisitahin lang ang iyong social media isa o dalawang beses sa kada araw. At gamitin ito upang maka-inspire at magbahagi ng positibong balita sa iba.
- Ugaliin ang pakikipag-usap sa mga taong mahalaga sayo. Hindi man kayo maaring magkita o mag-usap ng pisikal, gumamit ng technology sa pagsasagawa nito.
- Iwasan ang pag-inom ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Dahil maliban sa binabawasan nito ang resistensya ng katawan laban sa sakit ay naiimpluwensiyahan rin nito ang ating maayos na pag-iisip.
- Tumulong sa iba sa mga paraan na iyong makakaya.
- Suportahan ang ating mga health workers at iba pang lumalaban sa COVID-19. Ito ay sa pamamagitan ng pakikinig at pagsunod sa mga alintuntunin upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
- Huwag mang-discriminate ng sinuman. Bagamat ang sakit na COVID-19 ay nakakatakot kung iisipin, matututong respetuhin at isipin ang mararamdaman ng iba. Walang gustong magkaroon ng sakt na ito. Kaya naman imbis na manisi ay suportahan at palakasin ang kanilang loob na kaya nilang malagpasan ang sakit o anumang kanilang nararanasang pagsubok sa buhay.
Source:
Basahin:
10 ways to help a person with depression