COVID-19 sa lalake: bakit nga ba sinasabing mas at risk sila sa naturang sakit? Sa kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID dito sa Pilipinas, 55% ng apektado ay lalaki.
COVID-19 sa lalake
Sa inilabas na datos ng Department of Health, nakita na 55% ng mga nagpositibo sa COVID ay mga lalaki. Ang age group naman na may pinakamaraming bilang ng positibo ay 60 to 64.
Sa halos limang libong kaso ng COVID sa bansa, 231 ang bilang ng mga lalaking namatay. Samantala, 171 naman ang bilang ng mga naka-recover na.
Narito ang mga age group at ang bilang ng mga positibong lalaki:
Age group | Number of positive cases (Men) |
60 to 64 | 309 |
55 to 59 | 300 |
50 to 54 | 287 |
30 to 34 | 286 |
65 to 69 | 261 |
45 to 49 | 241 |
35 to 39 | 212 |
70 to 74 | 204 |
25 to 29 | 198 |
40 to 44 | 195 |
75 to 79 | 108 |
80+ | 104 |
20 to 24 | 98 |
15 to 19 | 27 |
0 to 4 | 20 |
10 to 14 | 11 |
5 to 9 | 7 |
Mapapansin na sa Italy, kung saan mabilis din na kumalat ang sakit, karamihan ng mga namatay ay lalaki. Kaya bakit nga ba sinasabing mas at risk sa COVID-19 ang mga lalaki?
Ang biological na paliwanag dito ay mas malakas ang immune system ng mga babae at sila ay kadalasang mas hygienic. Marami rin sa mga lalaki ang nagsisigarilyo na isang dahilan para maapektuhan ang respiratory system ng isang tao na karaniwang target naman ng COVID.
Dahil sa mga hormones ng mga babae, mas lumalakas ang kanilang immune system at ang genes nila na may dalawang X chromosomes ay nakatutulong sa pagbuo ng iba’t ibang immune responses.
Sintomas ng COVID-19
Ano nga ba ang mga sintomas na dapat bantayan upang matukoy kung ikaw ay may coronavirus?
- Kung ikaw ay may common cold at nakakaranas ng pagkawala ng panlasa at pang-amoy.
- Kadalasan din na nagkakaroon ng lagnat at parang balisa.
- Kung madalas ang pag-ubo at hindi na makahinga nang maayos dahil dito.
- Makakaramdam din ng pananakit ng katawan.
Dahil sa dami ng kaso nito ngayon sa Pilipinas, pinapayuhan ang mga nakararanas ng sintomas ng COVID na bantayan muna ang kalagayan at mag-self quarantine kaagad sa oras na makakita ng senyales ng sakit. Kung hindi bumuti ang pakiramdam, ito na ang panahon para tumungo sa ospital at magpatingin para malaman kung maari kang i-test para sa sakit.
Paano nahahawa sa COVID-19
Ayon sa CDC o Center for Disease and Prevention Center, ang COVID-19 ay naihahawa sa pamamagitan ng air droplets mula sa taong nagtataglay ng virus. Ang mga droplets na ito ay nailalabas sa katawan ng COVID-19 victim sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing. Saka naman ito maililipat sa tao o bagay na nasa paligid niya. Dito na magsisimula ang pagkalat at pagkahawa sa virus na maaring pumasok sa katawan sa pamamagitan ng mata, ilong at bibig.
Kaya naman mahalaga talaga na i-sanitize maging ang mga grocery na galing sa labas o ang kahit anong gamit na maaaring nahawakan ng ibang tao. Huwag na huwag ding hahawakan ang iyong mukha o bibig lalo na kung hindi ka pa nakakapaghugas ng kamay.
Ugaliing maligo rin nang madalas at magpalit ng damit sakaling galing sa labas. Kung maaari naman ay iwasan na muna talagang lumabas ng bahay.
Source: DOH, NY Times
Basahin: COVID-19 sa Pilipinas maaring tumagal hanggang January 2021?