Transmission ng COVID-19 mula nanay hanggang unborn babies meron nang 'Strong evidence'

Transmission ng COVID-19 mula nanay hanggang unborn babies meron nang 'Strong evidence'

COVID-19 sa newborn at unborn babies, nakitaan ng malakas na evidence na maaaring nakuha ito sa infected na ina. Alamin ang buong detalye.

COVID-19 sa unborn at newborn babies, nakitaan ng malakas na evidence na maaaring nakuha ito sa infected na ina.

Transmission ng COVID-19 mula nanay hanggang unborn babies meron nang ‘Strong evidence’

Ayon sa pinakalatest na pag-aaral ng epekto ng COVID-19 sa mga unborn baby, nakita rito ang ‘strong evidence’ na maaaring makuha ng unborn baby ang COVID-19 sa kanyang nanay na infected ng nasabing virus.

Marami na ang naitalang kaso ng pagkakaroon ng COVID-19 sa mga baby kahit kapapanganak pa lamang nila. Ngunit walang matibay na dahilan noon kung saan ba nakuha ng newborn baby ang nasabing virus.

covid-19-sa-newborn-babies

COVID-19 sa newborn at unborn babies | Image from Unsplas

Sa pag-aaral na isinagawa sa Italy, dito nakakita ng matibay at malakas na ebidensya na may nangyayaring transmission mula infected na nanay papunta sa kanyang unborn child.

Ang study na ito ay kabilang ang 31 na buntis na nagpositibo sa COVID-19 at na-ospital dahil dito. Nakita rin na present ang virus sa placenta, umbilical cord, breast milk at ari ng babae.

Ayon sa lead study author ng pag-aaral at mula sa University of Milan. na si Claudio Fenizia, mataas ang bilang ng mga  posibleng positibo na babae sa COVID-19.

“Given the number of infected people worldwide, the number of women that could be affected by this could be potentially very high.”

Dagdag pa nito na posible ang in-vitro transmission dito ngunit masyado pang maaga para magsabi ng risk at iba pa nitong potential consequences.

“Although in utero transmission seems to be possible, it is too early to clearly assess the risk and potential consequences.”

Bukod dito, pinapayo pa rin ng World Health Organization (WHO) na kailangan pa ring magbigay ng gatas ang ina na positibo sa COVID-19 sa kanilang mga anak.

“We know that children are at relatively low-risk of COVID-19. But are at high risk of numerous other diseases and conditions that breastfeeding prevents.”

covid-19-sa-newborn-babies

COVID-19 sa newborn at unborn babies | Image from Unsplash

COVID-19 inaatake ang placenta ng mga buntis, ayon sa pag-aaral

Nakita na may epekto sa kanilang placenta ang mga buntis na nagpositibo sa COVID-19. Ito ay base sa pag-aaral na isinagawa at inilimbag sa American Journal of Clinical Pathology.

Ayon sa co-author ng nasabing pag-aaral na si Dr. Emily Miller, isang medicine obstetrician, hindi nila gustong manakot pero ang nadiskubre ng pag-aaral na ito ay nakakatakot at nakakabahala.

Ang pag-aaral na ito ay kinakabilangan lamang ng 16 na babae na positibo sa COVID-19. At dito napag-alaman na hindi nakakapagbigay ng sapat na dugo ang nanay sa kanilang anak. At nakita rin ang mga blood clots sa placenta. Dahil dito, bigong makapagdala ng sapat na nutrients at oxygen ang dugo ng nanay sa kanyang baby. Mahalaga ang placenta sa role ng baby dahil ito ang nagsisilbing kidney, bituka, lungs at atay ng isang fetus. Ito ang partikular na epekto ng COVID-19 sa placenta ng isang buntis.

covid-19-sa-newborn-babies

COVID-19 sa newborn at unborn babies | Image from Unsplash

Ayon kay Miller, assistant professor ng obstetrics & gynecology sa Northwestern University Feinberg School of Medicine, ang preliminary study na ito ay nagpapakita na may nakakabahalang epekto ang COVID-19 sa placenta ng isang buntis.

“I don’t want to draw sweeping conclusions from a small study. But this preliminary glimpse into how COVID-19 might cause changes in the placenta carries some pretty significant implications for the health of a pregnancy,” 

Dagdag pa nito na maaaring gumawa pa sila ng bagong paraan kung paaano matututukan ang mga buntis na nanay. Ito ay sa paraan na babantayan ang paglaki ni baby via ultrasound at gumawa ng panibagong test oxygen delivery sa placenta.

Nagulat naman si Doc. Jamieson dito dahil ayon sa kanya, madaming risk ang screening at testing na ito.

“I don’t think we should jump the gun. This study raises more questions than it answers. Looking at the placenta will help us understand what’s going on in pregnancy. But I think we need to be careful about jumping to what that means clinically in terms of care of pregnant women with Covid-19.”

 

Source:

ABS-CBN

BASAHIN:

Ito ang effective na disinfectant spray laban sa COVID-19 ayon sa EPA

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Kung ano mang opinyon o ideya ang naibahagi dito ay sariling opinyon at ideya ng may katha; at walang kinalaman at hindi nagsasaad ng posiyon ng theAsianparent at ang mga cliente nito.

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner