STUDY: COVID-19 maaaring maging sanhi ng brain damage at stroke

Ayon sa pag-aaral, ang COVID-19 ay maaaring maging sanhi ng brain damage at stroke. Ano nga ba ang explanation at dapat bang ikabahala ito? | Lead Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

COVID-19 sanhi ng brain damage at stroke?

Ayon sa preliminary study na naka-published sa The Lancet Psychiatry, ang mga pasyenteng mayroong malalang kaso ng COVID-19 ay maaaring makaranas ng brain damage at ibang komplikasyon katulad ng stroke, inflammation, psychosis at dementia.

Bukod sa respiratory infection, ito ang unang pag-aaral tungkol sa neurological complications na dahilan kung bakit nagiging malala ang sakit.

Ang pag-aaral na ito ay mula sa 125 na kaso mula sa UK at naka-focus sa pagkalat ng severe cases. Ito ay mula April 2 hanggang April 26, 2020.

Ayon naman sa isang professor ng University of London, ang mga pag-aaral na ito tungkol sa COVID-19 ay mahalaga para maunawaan ng todo ang coronavirus.

COVID-19 sanhi ng brain damage at stroke | Image from Unsplash

COVID-19 maaaring maging sanhi ng brain damage at stroke

Ayon sa pag-aaral, ang pinakakaraniwang brain complication sa COVID-19 ay ang pagkakaroon ng stroke.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

77 of 125 na pasyente ang nagkaroon ng stroke. Ibig sabihin nito ay maaaring magkaroon ng brain damage ang anim sa sampung tao dahil sa severe coronavirus.

Dahil dito, 57 na mga pasyente ang nagkaroon ng store dahil sa blood clot nila sa utak o mas kilala bilang ischaemic stroke. Samantalang 9 na pasyente naman ang dumugo ang utak. Isang pasyente naman ang nagkaroon ng stroke dahil sa inflammation sa blood vessel ng utak.

Ayon sa age data, karamihan sa mga pasyenteng nagkaroon nito ay nasa 60 years old pataas. Hindi pa rin matukoy ng mga scientist kung bakit nabubui ang blood clot sa utak ngunit naniniwala silang ito ay dahil sa malalang inflammation ng COVID-19 infection.

Dagdag nila, ang inflammation sa major arteries ay isa sa dahilan kung bakit ito may kaugnayan sa psychiatric problems sa ibang pasyente.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng malubhang COVID-19: Nasa 1/3 ng pasyente ang nagkaroon ng Psychosis at Dementia-like symptoms

Napagalaman rin sa pag-aaral na 39 sa 125 na pasyente ay nagkakaroon ng signs ng confusion o pagbabago sa kanilang behavior. Ito ay nakakaapekto sa kanilang mental state.

9 na pasyente rin ang nagkaroon ng hindi mapaliwanag na problema sa utak o mas kilala bilang ‘Encephalopathy’. Samantalang 7 na pasyente naman ang ang nagkaroon ng inflammation sa utak o ‘Encephalitis’

Ang natitirang 23 na pasyente ay na-diagnosed na mayroong psychiatric conditions. Sampu sa kanila ang nagdevelop ng psychosis at anim din sa kanila ay nagkaroon ng dementia-like syndrome.

Sa age data naman, kalahati ng 39 na pasyente na nagkaroon nito ay nasa edad 60 pababa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Michael Sharpe, professor of psychological medicine sa University of Oxford,

“It reminds us that COVID-19 is more than a respiratory infection and that we need to consider its link to a variety of other illnesses.”

Aminado naman ang mga researcher na maliit lang ang pag-aaral na kanilang ginawa at hindi nagpapakita ng katibayan na ang mga sakit na ito ay dahil sa COVID-19

“Additionally, we cannot estimate how common these illnesses are in the wider population of people who develop COVID-19. We do need to do research to address these uncertainties.”

Ayon naman kay Professor Paul Garner, infectious diseases expert sa Liverpool School of Tropical Medicine,

“There are many more questions to be answered and studies to be done before we can confidently say if COVID-19 causes psychiatric disorders such as psychosis.”

COVID-19 sanhi ng brain damage at stroke | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nahahawa sa COVID-19?

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Sintomas ng COVID-19

Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.

  • Dry cough
  • Mataas na lagnat
  • Panghihina
  • Pananakit ng katawan
  • Diarrhea
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng panlasa
  • Pananakit ng lalamunan

Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.

  • Hindi makagalaw
  • Hindi makapagsalita
  • Hirap sa paghinga
  • Pananakit ng dibdib
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng malubhang COVID-19 | Image from Unsplash

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

COVID-19 Health protocols

Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis

Translated with permission from theAsianparent Singapore

BASAHIN:

Newborn triplets sa Mexico nag-positibo sa COVID-19 kahit na ang mga magulang ay negatibo

Sinulat ni

Mach Marciano