Maaring ikaw ay nagtatanong kung magkano o saan ba maaaring magpatest para sa COVID-19. Kaya naman narito ang mga listahan ng mga COVID-19 testing center sa loob ng Metro Manila.
Alamin rin natin kung magkano o paano ginagawa ang nasabing test para sa virus na ito.
COVID-19 testing center sa Metro Manila
Ayon sa Philippine Health Insurance Corp o PhilHealth, ang testing para COVID-19 ay umaabot sa 3,409 pesos.
Matatandaan na binatikos sila sa dating price ng test na 8,150 pesos. Masyado daw itong mahal o overpriced para sa testing nagagawin sa COVID-19. Ngunit ngayon ay naglabas na ng bagong presyo at ito umabot na lamang sa 3,000 pesos.
Sa anunsyo ng spokesperson ng PhilHealth na si Shirley Domingo, ang ginawang adjustment nila ngayon ay dahil sa pagtaas ng availability at affordability ng mga testing kits na ito sa market. Isa ring dahilan ay ang pagkakaroon ng madaming qualified facilities para sa COVID-19.
“The adjustment resulted from its continuing consultation with stakeholders and infectious disease experts, increased availability and affordability of testing kits in the market. And increased number of qualified facilities to do SARS-CoV-2 testing.”
Nahahati sa tatlong presyo ang test sa COVID-19. Nakadepende rin ito sa magiging sitwasyon.
- 901 pesos – Ito ay kapag donated ang mga test kits at ang cost ng running lab and PCR machine ay kasama sa budget ng pasilidad.
- 2,077 pesos – Ito ay kapag donated ang test kits.
- 3,409 pesos – Ito ay kapag provided ang lahat ng testing services.
Kapag ang test kit ay donated sa laboratory, ang presyo nito ay mababawasan sa total cost. Nakapaloob na rin dito ang clinical assessment, specimen collection, specimen transport at mga gagamiting test kits at PPEs.
COVID-19 testing center sa Metro Manila
Narito ang mga listahan ng COVID-19 testing center kasama na sa Metro Manila:
City |
Name of facility |
Ownership |
Type of test |
Number |
Quezon City | AFRIMS – Collaborative Molecular Laboratory | Public | rRT PCR | |
Muntilupa | Asian Hospital and Medical Center | Private | rRT PCR | (02) 8771-9000 |
Manila | Chinese General Hospital | Private | rRT PCR | (02) 8711-4141 |
Mandaluyong | Detoxicare Molecular Diagnostics Laboratory | Private | rRT PCR | (02) 8256-4681 |
Caloocan | Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (GeneXpert)) | Public | Rapid PCR | (02) 8294-2571 / 8294-2572 / 8294-2573 |
Quezon City | Lung Center of the Philippines (LCP) | Public | rRT PCR | 8924-6101 |
Quezon City | Lung Center of the Philippines (GeneXpert) | Public | Rapid PCR | 8924-6101 |
Quezon City | Philippine Genome Center UP-Diliman (NHB) | Public | rRT PCR | 8981-8500 Loc 4713 |
Makati | Makati Medical Center (HB) | Private | rRT PCR | (02) 8888-8999 |
Marikina | Marikina Molecular Diagnostic laboratory | Public | rRT PCR | |
Quezon City | Philippine Genome Center UP-Diliman (NHB) | Public | rRT PCR | 8981-8500 Loc 4713 |
Mandaluyong | Philippine Red Cross | Private | rRT PCR | (02) 8790-2300 local 931/932/935 |
Manila | Philippine Red Cross – Port Area | Private | rRT PCR | (02) 8527-0861 |
Mandaluyong | Philippine Red Cross Logistics and Multipurpose Center | Private | rRT PCR | (02) 8790-2300 |
Muntinlupa | Research Institute for Tropical Medicine, Inc. (RITM) | Public | rRT PCR | (02) 8807-2631 / (02) 8807-2632 / (02) 8807-2637) |
Manila | San Lazaro Hospital | Public | rRT PCR | 02) 8732-3778 / 8732-3776 / 8732-3174 / 8732-3138 |
Makati | Singapore Diagnostic, Inc. | Private | rRT PCR | |
Bonifacio Global City | St. Luke’s Medical Center – BGC (HB) | Private | rRT PCR | |
Quezon City | St. Luke’s Medical Center- QC | Private | rRT PCR | |
Pasig | The Medical City – Ortigas | Private | rRT PCR | |
Manila | University of the Philippines National Institutes of Health (UP NIH) | Public | rRT PCR | |
Manila | University of the Philippines UP-PGH-MRL (NHB) | Public | rRT PCR | |
Quezon City | National Kidney and Transplant Institute – (HB) | Public | rRT PCR | (02) 8981-0300 / 8981-0400 |
Quezon City | Philippine National Police Crime Laboratory | Public | rRT PCR |
Kung nais makita ang kumpletong COVID-19 testing center na hatid ng Department of Health. I-click lamang ito.