COVID doctor death in the Philippines, isang patunay kung gaano kalaki ang ginagawang sakripisyo ng ating medical frontliners laban sa kasalukuyang pandemic.
COVID doctor death Philippines
Hindi lang ordinaryong mga Pilipino ang apektado ng sakit na coronavirus disease o COVID-19. Dahil sa mga nakalipas na araw, tatlong doktor na ang binawian ng buhay matapos magbigay serbisyo sa mga naging positibo sa virus.
Sila ay sina Dr. Israel Bactol, isang cardiologist mula Philippine Heart Center. Si Dr. Gregorio Macasaet III, isang anesthesiologist mula sa Manila Doctors Hospital. At si Dr. Rose Pulido isang oncologist sa San Juan de Dios Hospital.
Batang doktor na nasawi dahil sa nagsinungaling niyang pasyente
Sa isang pahayag ay kinumpirma nga ng Philippine Heart Center ang pagkasawi ni Dr. Bactol, 34-anyos. Ayon kay PHC executive director Dr. Joel M. Abanilla, si Dr. Bactol ay second-year adult cardiology fellow sa ospital na pumanaw nitong Sabado, Marso 21, 2020.
“It’s a very sad day for the Philippine Heart Centre. We lost our second-year adult cardiology fellow, Dr Israel Bactol. His symptoms actually began even before the community quarantine got off, pahayag ni Dr. Abanilla.
Samantala, sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi ng publicist na si Eric Cabahug kung paano nahawaan ng sakit si Dr. Bactol. Ayon sa kaniya ay nahawa ng sakit ang doktor matapos magkaroon ng contact sa isang pasyente na hindi sinabing nagkaroon ito ng travel history sa China. Kinalaunan ang nasabing pasyente ay nag-positibo sa sakit at nasawi noong Marso 2.
“One of the saddest news in this crisis: A 34-year-old doctor has died from Covid-19. The worse part: he got infected by an elderly patient who only disclosed his travel history to China 3 days after getting admitted to the hospital.”
Ito ang pahayag ni Cabahug. Pagbubunyag pa niya ay ilang linggo ng na-intubate ang doktor. Ngunit dalawang araw bago lang ito nasawi ng malamang siya ay positibo sa coronavirus disease. Ito ay dahil mas inuna munang isailalim sa testing ang mga potiliko pati na ang kanilang pamilya at empleyado.
“He got tested for Covid-19 several weeks ago after showing symptoms apparently from exposure to the patient who lied about his travel to China and who died in early March. The young doctor was intubated for weeks. His Covid-19 test results came out only 2 days ago because the tests of asymptomatic politicians, their families, and staff were priotized by the higher ups in DOH.”
Pagbibigay pugay kay Dr. Bactol
Si Dr. Bactol ay isa rin umanong “doctor to the barrios” na nagmula sa Penaranda, Nueva Ecija. At nakuha niya ang kaniyang medical degree dahil sa pagsisikap at scholarship grants.
Sa hiwalay na pahayag ay binigyang pugay naman ng Philippine Heart Association ang pagkasawi ng batang doktor.
“He is a casualty of this war. We honor him as he lost his young life while fulfilling his duties as a doctor, a young cardiologist and a dedicated member of PHA.”
“We lost a young, brilliant, promising doctor in this battle. You are our hero!”, pahayag ng asosyasyon.
Mahina at masakit ba laban sa COVID-19 ni Dr. Greg Macasaet
Nitong March 22, linggo ng hapon ay naglabas rin ng pahayag ang Manila Doctor’s Hospital sa pagkasawi ni Dr. Gregorio “Greg” Macasaet II, isang anesthesiologist sa ospital. Ang doktor ay nasawi dahil rin sa coronavirus disease. Nakuha niya umano ang virus sa isang pasyente na kaniyang ginamot at namatay rin dahil sa sakit.
Tulad ni Dr. Macasaet ay nahawa rin sa sakit ang kaniyang asawa na si Dr. Evlyn Talens, isa ring anesthesiologist.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi ng isang taong malapit kay Dr. Macasaet ang kaniyang naging laban sa COVID-19. Siya ay si Aboy Paraiso na inaanak ng doktor.
Ayon kay Aboy, kahit daw nasa isolation room na si Dr. Macasaet ay patuloy parin daw itong nakikipag-ugnayan sa kaniyang pamilya at taong malalapit sa kaniya. Sa katunayan sa pamamagitan ng text messages ay ibinahagi raw ng doktor ang kaniyang karanasan habang nakikipaglaban sa sakit.
Kwento ng doktor ay magkahiwalay daw sila ng kaniyang asawa ng isolation room at hindi nagkikita. Nagsimula daw ang sakit niya sa isang mataas na lagnat. Sinundan ito ng pananakit at panghihina ng kaniyang katawan. Napakasama daw ng pakiramdam niya at walang ganang kumain.
“Ateng Evalyn and I are in separate isolation rooms with no visual communication… It started several days ago when I experienced very high-grade fever followed by a really bad cough… As the hours pass, you will experience a really terrible headache and your entire body will be very weak and painful! You will lose your appetite and taste but it is important you consume fluids, nutrients and specialty medications… The feeling you will experience is really very very bad!”
Ito ang kopya ng isa sa mga text messages na pinadala ng doktor kay Aboy.
Huling habilin ni Dr. Macasaet
Samantala, bago nasawi ay nagpadala rin ng text message si Dr. Macasaet sa kaniyang malalapit na kaibigan at pamilya. Alam niya ng mga oras na iyon ay malapit na siyang masawi sa sakit. Kaya naman hinabilin niya sa mga ito ang kaniyang asawa na umaasa siyang malalampasan ang sakit. Pati na ang nag-iisa niyang anak na ayon sa kaniya ay may espesyal na pangangailangan.
“Good evening, my beloved brethren! The turn of events is just no longer going in my favor. The feeling you get, aside from extreme pains all over, difficulty of breathing and as if all life is being sucked from your body! They will be putting cutdown lines and central tubes on me anytime soon! If they intubate me and place me on ventilator, then the game is almost over!”
“If Ateng survives, then my wish for her and Raymond for a long and happy life will bear fruition! Raymond however needs financial and emotional care for the rest of his life! Something I may no longer be able to fulfill! It Is my fervent hope that all of you may assist the rest of my family in our most difficult times!”
Ito ang huling mensahe ni Dr. Macasaet.
Binigyang pugay naman ng Manila Doctors Hospital ang pagkasawi ni Dr. Macasaet at tinawag itong bayani at isa sa best anaesthesiologists ng bansa.
“He was one of the best anaesthesiologists in our country and one of the first responders to a patient who eventually died of COVID-19… We honor a brave man who lost his life in this war. He lost his life in the service of the Filipino people and our country. We salute you, Dr. Greg Macasaet, you are our fallen hero”, pahayag ng Manila Doctors Hospital.
Image from Unsplash
Sakripisyo ng mga health workers laban sa coronavirus disease
Hanggang ngayon ay wala pang detalye ng pagkamatay ng oncologist na si Dr. Rose Pulido ng San Juan de Dios Hospital. Maliban sa ito ay nasawi dahil sa sakit gabi ng Sabado, March 21.
Ayon nga kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ay mayroon pang sampung doktor sa ngayon ang infected ng sakit at kasalukuyan paring nakikipaglaban sa kanilang buhay. Maliban sa kanila ay mas marami pang health workers ang nasa self-quarantine rin matapos ma-expose sa COVID-19 patients. Kabilang na rito ang halos 150 health workers ng The Medical City sa Pasig. At ang 530 hospital staff ng University of Sto. Tomas Hospital sa Maynila.
COVID doctor death Philippines: Apela sa publiko
Samantala, pinabulaanan naman ng Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez ang bali-balitang nasawi sa sakit ang kaniyang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian, ang presidente ng Philippine Pediatric Society. Ayon sa kaniya ay naka-confine at mahina ang katawan nito. Ngunit ito ay patuloy na lumalaban sa kaniyang karamdaman.
Sa isang press statement ay humiling rin si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa publiko na ipagdasal ang kaligtasan ng mga health workers na isinusugal ang kanilang kaligtasan sa paglaban sa coronavirus pandemic sa bansa. Habang pinaalalahan niya naman ang mga ito na alagaan rin ang kanilang sarili upang mas maalagaan pa ang kanilang pasyente.
SOURCE: The Star, Manila Bulletin, GMA News, Rappler, PNA. Philippine Star
BASAHIN: First pinoy na positibo ng COVID-19 says he always wear mask
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!