Hello, I want to share my delivery story!
22 April 2021: Nasa isang mall kami nag-iikot dahil hinihintay namin ang ultrasound result ko nang may tumawag sa akin na contact tracer. Sinabi sa akin na positive ako sa COVID-19.
Na-shocked ako pati na rin ang pamilya ng asawa ko na kasama namin sa bahay. Natatakot ako dahil paano if mahawaan ang baby ko, mga kasama ko sa house, at paano kung manganak ako nang maaga? Ayan ang mga worry moments ko nung mga panahon na ‘yun.
April 24, 2:30 pm: Umihi ako, then, nagtataka ako dahil nakalabas na ako sa banyo pero may tumutulo pa rin. That time, ang tiyan ko ay nasa 36 weeks and 2 days pa lang. So, nagsabi na ako sa parents ng asawa ko sa nararamdaman ko dahil nga patuloy pa rin ang paglabas ng tubig pero walang sumasakit.
Nagsimula na rin akong ma-stress dahil ‘yung pag-aanakan ko dapat ay sinabihan ako na maghanap na ako ng ibang hospital na magpapa-anak sa akin dahil hindi raw nila ako tatanggapin dahil nga sa COVID-19 positive ako.
Lumipas ang magdamag na naghahanap pa rin ako ng hospital dahil nagla-labor na pala ako ‘nun! Buti na lang tinulungan ako makahanap ng contract tracer ko ng hospital. Kaso nga lang hindi mapanatag ang biyenan ko dahil anytime pwede na ako manganak dahil sa Fabella Hospital pa ako nakakuha ng slot, na medyo malayo-layo sa amin.
Lumipas ang gabi na walang sakit pero patuloy ang pagtagas ng panubigan ko. Nakakain pa ako nang maayos at nakatulog nang mahimbing ng mga oras na ito.
25 April 2022, morning: Umaga pa lang naligo na ako at naglakad-lakad sa paligid. Lumipas ulit ang maghapon na ganoon pa rin—wala pa ring sakit nagwo-worry na nga ako dahil baka may nangyari na sa baby ko dahil ‘di na siya sumisipa—wala akong maramdaman.
Ala singko na at doon na ko nakakaramdam ng hilab pero wala akong sakit na maramdaman. Hanggang 8 pm, umalis na kami sa bahay dahil sa wala kaming nakuhang ambulansya. Ang sabi wala raw available so we don’t have a choice kung hindi umalis na at magcommute.
Pero hindi pa kami agad dumiretso sa Fabella Hospital dahil nagbabakasakali kami na tanggapin ako sa malalapit na hospital sa amin. Ang ginagawa ko na lang ay bawat paghilab ko, nililista ko na lang para alam ko.
Una kaming pumunta sa private hospital na may COVID ward kaso di na ako tinanggap at puno na.
Pangalawa, sa public hospital pero di na rin ako tinanggap dahil wala raw silang incubator dahil yung baby ko nga is 36 weeks and 2 days pa lang—meaning, premature.
So, wala na talaga kaming choice kung hindi tumakbo na sa Fabella Hospital. In-ask ako ng biyenan ko if kaya ko pa sinabi kong oo dahil wala naman akong sakit na nararamdaman. Nakarating kami sa Fabella Hospital at exactly 10 pm at 7 cm na rin ako nung pagIE saakin.
Thankful lang talaga ako sa contact tracer ko at sa doctor na nagmo-monitor sa akin dahil kahit nasa biyahe oras-oras ay tinatawagan ako kung ano na ang lagay ko. Pagkadating namin inasikaso na agad ako kasi inaantay na ako ng doctor na magpapa-anak sa akin.
Akala ko hanggang doon na lang ang problema ko pero hindi pa pala kasi pagdala sa akin sa delivery room, 1 hour na akong umiri-iri hindi lumalabas ang baby ko kahit fully dilated naman na ako at isang iri na lang lalabas na.
Pero hindi pa rin siya lumalabas dahil wala na pala akong panubigan. Nanghihina at nanlalambot na rin ako, wala ng lakas pa umiri at antok na antok anytime babagsak na ang mata ko.
Nagmakaawa na ako sa doctor ko na i-cesarian na lang ako para mailabas na ang baby ko kasi super worried na talaga ako. Tinitignan ko na rin ‘yung oras sa orasan kasi pakiramdam ko anytime mawawala ako, ganoon ‘yung feeling.
2:12 am nang lumabas na sa tiyan ang baby ko. Nagpapasalamat ako sa panginoon na healthy siya. Nilagay muna siya sa NICU ng 4 days para obserbahan. Nakakaawa lang din dahil super baby niya pa pero need niya ma-swab para tignan if positive din siya.
Thanks God! Negative siya.
Super hirap manganak pero worth it naman lahat nung nakita ko siya. At super thankful ako sa contact tracer at doctor na nagche-check sa akin that time!