Noong March 21, dumating sa bansa ang 100,000 COVID-19 tests kits na galing China. Kasama rin nito ang 100,000 surgical masks, 10,000 N95 masks at personal protective equipment. Ngunit nito lamang nakaraang linggo, lumabas sa pag-aaral na ang mga COVID-19 test kits galing China ay hindi fully accurate at 40% ang accuracy nito.
COVID-19 test kits galing China
Matatandaan na nagbahagi ang China ng 100,000 COVID-19 test kits sa bansa na dumating noon lamang March 21. Kasama rin nito ang iba’t-ibang uri ng medical equipments katulad ng surgical mask, N95 masks at personal protective equipment (PPE).
Sa panayam kay Health Secretary Francisco Duque III sa DZMM ukol sa mga paparating na COVID-19 tests kits na galing China, mas binantayan at tinutukan niya raw ang mga ito.
“Tinutukuan ko ‘yung mga test kits kasi nga may paparating na 25,000 from South Korea and 100,000 from China tomorrow at 5 am. Tinututukan ko ‘yung Bureau of Customs saka FDA na mapabilis ang release. Kasi ‘’yung ating number one na kakulangan, ‘yung ating testing capacity,”
Ngunit nito lamang nakaraang mga araw, ibinahagi ng Department of Health na ang mga test kits na ipinadala ng China ay mababa ang accuracy rate kumpara sa test kits na binigay ng World Health Organization.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga COVID-19 test kits na galing China ay hindi muna ginamit at itinago muna ito dahil mababa ang accuracy rate.
“Sa mga naunang pinadala sa amin na test kits from China na nakapagpakita ng 40 percent accuracy. Hindi po natin ito ginamit dahil nakita na mababa ang accuracy natin dito. Kaya ito nalang po ay ating itinago,”
Ngunit ang mga Sansure test kits na ibigay ay nagagamit naman at nagpapakita ng parehong resulta ng test kits galing WHO.
Napag-alaman na 40% lang ang accuracy ng mga COVID-19 tests kits galing China dahil nagsagawa ng parallel testing ang mga health official sa Chinese test kits at ang galing sa WHO gamit ang specimen mula sa COVID-19 patient.
“Nagsasagawa po ang RITM (Research Institute for Tropical Medicine) ng parallel testing ng mga test kits natin gamit po ang protocol ng WHO,”
Hindi naman nila ibinahagi kung ilan sa 100,000 COVID-19 test kits na galing China ang hindi accurate.
Dagdag rin nila na ‘wag mabahala ang mga pilipino dahil maingat sila sa pag gamit ng mga test kits na donasyon ng ibang bansa.
“Makakasiguro po ang ating mga kababayan na atin pong vina-validate pa ho ang ating mga donasyon na test kits bago ito gamitin. Makikita po natin dito kung ano ang of-quality. At kung ano naman po ang mababa ang kalidad at ‘di dapat gamitin para sa ating mga kababayan,”
Samantala, napagalaman ring na nag withdrew ng 58,000 COVID-19 test kits galing China ang Spain. Ito ay dahil nakita na 30% lang ang naging detection rate nito.
COVID 19 Cases in Philippines update
As of March 28, umakyat na sa bilang na 1,075 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Habang 35 naman ang naka recover at 68 ang mga namatay.
Ayon naman sa mga health official, asahan pa ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ay dahil marami pa ang mga paparating na resulta na isinagawa sa mga pasyenteng minomonitor.
Narito ang breakdown ng COVID-19 dito sa Pilipinas as of March 28:
CONFIRMED |
RECOVERED |
DEATHS |
PUIs |
1,075 | 35 | 68 | 804 |
Upang maging updated sa mga lugar na may kaso ng COVID-19 sa bansa, maaari mo itong i-click: COVID-19 Cases: Philippines
Source: ABS-CBN
BASAHIN: Pagkawala ng sense of smell at taste? Maaaring sintomas ng COVID-19