COVID toes at iba pang rashes, maaaring pinakabagong sintomas ng virus

Mga sugat sa paa, kamay at rashes sa katawan, tinatayang bagong sintomas ng COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

COVID toes o mga sugat sa paa at rashes sa balat posibleng sintomas rin daw ng COVID-19, ayon sa mga eksperto.

Image from TRT World

COVID toes o rashes sa paa posibleng sintomas ng COVID-19

May tinitingnan na posibleng bagong sintomas ng sakit na COVID-19 ang mga eksperto. Ito ay ang COVID toes o ang pagsusugat o pamumula sa balat sa paa ng ilan sa mga nag-positibo sa sakit.

Ito ay ayon sa pahayag ni Dr. Esther Freeman, isang dermatologist mula Massachusetts General Hospital sa Boston. Paliwanag ni Dr. Freeman maliban sa mga respiratory symptoms tulad ng ubo at lagnat, ilan sa mga nag-positibo sa COVID-19 ang nakitaan ng mga sugat sa paa at rashes sa balat. Paglalarawan ni Dr. Freeman tulad ito ng sugat o pamumula sa balat na dulot ng labis na lamig o frostbite. Ngunit ito umano ay epekto ng pamamaga o inflammation sa circulatory system.

Sinuportahan naman ang pahayag na ito ni Dr. Raman Madan, isa ring dermatologist na nagmula naman sa Northwell Health Huntington Hospital sa Huntington, New York. Ayon sa kaniya ang COVID toes ang isa rin sa mga iniindang sintomas ng mga naging pasyente niyang nagpositibo sa antibody test ng COVID-19, ngunit nag-negatibo sa kanilang viral culture. Kaya hinala niya maaring ang COVID toes ay lumalabas bilang palatandaan na nalabanan na ng katawan ang virus na nagdudulot ng sakit.

“COVID toes is the most common finding I have seen in patients via tele-dermatology. It is a fairly new symptom that we usually do not see with a lot of viruses.”

“A lot of patients have been asymptomatic aside from the toes and have been testing negative on their viral culture, but positive on their antibody test. This has led me to believe that this may occur at the convalescent stage of illness, meaning after the body has cleared the virus. We are still working on the best guidance to give patients.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Dr, Madan.

Rashes sa balat nakita rin sa ilang pasyenteng nag-positibo sa sakit

COVID rash, Image from BBC

Samantala, maliban sa paa at kamay, may ilang researchers naman ang nakapagsabi na may ilang COVID-19 patients ang nakaranas ng rashes sa iba pang bahagi ng kanilang katawan. Tulad nalang ng isang pasyente sa Wuhan, China na nagkaroon ng rash sa gitnang bahagi ng kaniyang katawan o torso. Ang mga rashes ay agad umanong nawala matapos ang isang linggo. Ngunit ang pasyente ay nasawi ng dahil sa sakit at lumabas na positibo sa isa pang virus na kung tawagin Epstein-Barr.

Ganoon rin ang isang COVID-19 patient mula sa Spain na nagkaroon rin ng rashes sa kaniyang puwetan at binti. Ang rashes ay agad namang nawala matapos ang limang araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Dr. Borja Diaz-Guimaraens, na mula sa dermatology department ng Ramon y Cajal University Hospital sa Madrid, Spain, napaka-halaga ng bagong impormasyon na tulad nito. Dahil ito ay makakatulong sa pagtutukoy sa iba pang pasyenteng maaring positibo na pala sa COVID-19.

“Dermatologists should be aware that patients presenting with this kind of rash, in addition to coughing and fever, could benefit from [COVID-19] testing. We are starting to notice more extra-respiratory manifestations in patients with confirmed COVID-19, and increased awareness for those signs can help diagnosis.”

Ito ang pahayag ni Dr.Guimaraens.

Paalala ng mga eksperto tungkol sa sintomas ng COVID-19

Ayon naman kay Dr. Freeman, walang dapat ipag-alala ang publiko ukol rito. O hindi naman agad dapat magpunta sa ospital sa oras na makaranas ng sintomas tulad nito. Dahil karamihan naman daw ng pasyente na nakaranas ng COVID toes ay hindi naging malala ang kalagayan. Ang ilan nga ay tanging ito lang ang pinakitang sintomas bago mag-positibo sa COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit hindi rin naman daw dapat itong isawalang bahala. At ang pinaka-magandang gawin ay tawagan muna ang iyong doktor o dermatologist upang maipakita at maipa-konsulta ito.

“It’s really important to reassure the public that most of our patients who are developing COVID toes are doing very well, so they’re often patients who have a benign clinical course. They either are having mild disease or often their only symptom might be their toes.”

Ito ang pahayag ni Dr. Freeman.

“If you have what you think might be COVID toes, don’t panic, Freeman said. Don’t rush off to the emergency room, but don’t ignore it either. The best thing to do is to contact your doctor or dermatologist.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Freeman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Agad na magpakonsulta sa oras na makaramdam ng sintomas ng sakit

Image from Freepik

Habang ayon naman kay Dr. Humberto Choi, isang pulmonologist, maliban sa COVID toes nanatili paring pangunahing sintomas ng sakit ang mga respiratory symptoms tulad ng ubo, lagnat, at hirap sa paghinga na hindi dapat isinasawalang bahala. Dahil sa ang COVID toes sa ngayon ay naapektuhan lang ang iilan sa mga pasyenteng nag-positibo sa sakit.

“These symptoms seem to be more common in COVID-19 compared with all other viral infections. But at this time, they haven’t affected the majority of people. So, the symptoms that people should be looking for are really a fever, cough, and muscle aches that you can get when you have a viral infection. Those are the most common symptoms — and those are the things that people should be keeping on their radar.”

Ito ang pahayag ni Dr. Choi.

Pananakit ng tiyan, sintomas rin ng COVID-19

Samantala, maliban sa COVID toes nauna ng nagbigay paalala ang Paediatric Intensive Care Society UK tungkol sa bagong inflammatory syndrome na tumatama sa mga batang nag-positibo sa COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga bata umanong nakaranas nito ay nagpakita ng malalang sintomas ng COVID-19. Tulad ng mga sintomas na may kaugnayan sa toxic shock syndrome at Kawasaki disease. Ilan sa mga sintomas na ito ay pananakit ng tiyan, sore throat at rashes sa katawan. Ang mga ito ay dulot umano ng pamamaga sa kanilang blood vessels na epekto ng sakit.

Kaya naman payo ng mga eksperto, sa oras na makaramdam ng mga nabanggit na sintomas ang sinumang miyembro ng inyong pamilya, mabuting magpakonsulta agad sa doktor. Dahil marami pa tayong hindi nalalaman tungkol sa COVID-19 na patuloy na kumakalat at naihahawa sa marami sa atin.

 

Source:

Inquirer, Cleveland Clinic, Medical Express, theAsianparent PH

Basahin:

Sakit sa tiyan, Kawasaki disease at iba pang sakit na lumalabas sa mga batang may COVID-19