Hello mga momsh and soon to mommies. During your preggy journey, may mga foods ka ba na favorite mo before tapos biglang ayaw mo ng kainin?
May mga kakaibang cravings ba kayo na napapasabi na lang mga partner niyo or even you na “OMG”? Cravings satisfied na ba kayo mga mommies? Let me share you my cravings stories.
First time mom ako and during first trimester, nag-start magbago ang taste ko sa pagkain at unang napansin ko is hindi na ko makakain ng manok at baboy. Hindi ko na siya type, nakakasuka every time ita-try ko siya kainin.
Nakakain ko lang sa manok is balat. Sa baboy kapag ang luto niya lang ay sinigang, ‘pag adobo o ibang luto na, ‘di ko na makain.
So for 2 weeks ang nauulam ko lang ay itlog na puti at pulang pancit canton. Nakakaiyak na nakikita ko na parang ang sarap ng ulam nila tapos ‘di ako makatikim.
After cravings ng itlog at canton sa loob ng 2 weeks, nagbago ulit panlasa ko, ngayon pati itlog di na ko makakain. Canton na lang kaya kong kainin tsaka iba pang pasta pero nung isang beses nag-lunch ako naisipan ko haluan ng Milo ‘yong spicy canton ko.
And yes, dun nag-stay ang cravings ko till now canton na may Milo. And linawin ko lang hindi ko tinitimpla na inumin ang Milo ah hinahalo ko siya mismo sa canton although minsan nagtitimpla din ako.
Lahat ng kakainin ko hindi pwedeng walang canton at milo. Nakapag-ulam din ako ng talong na milo ang sawsawan. Naloloka ako minsan ‘di ko na siya kakainin kaso hinahanap talaga ng dila ko pero sa mga magiging concern na mommy don’t worry naggugulay at prutas naman ako.
Sadyang may times lang talaga na ‘yan talaga ang gusto kong kainin and all I can say is masarap naman . Try mo mii. ‘Yong kwentong cravings mo mommy curious din ako share mo din.