Inanunsyo na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong December 2023 na kailangan nang magbayad ng mga online seller ng 1% tax kung ang annual o taunang kita nila ay umaabot o humihigit ng Php500,000. Ano nga ba ang creditable withholding tax? Sino lamang ba ang dapat na magbayad nito?
Creditable withholding tax para sa mga online seller
Ayon sa BIR Revenue Regulation 16-2023 na inisyu noong December 21, 2023. Ang withholding tax ay mai-aapply sa one-half o 50% ng gross remittances ng electronic marketplace operators at digital financial services providers sa mga seller o merchant ng goods at services na binebenta sa kanilang online platform.
Ibig sabihin ng BIR sa “electronic marketplace” ay ang digital service platform na ang business ay magkonekta sa online buyers at online sellers.
“Digital service platform whose business is to connect online buyers/consumers with online sellers/merchants. Facilitate and conclude the sales, process the payment of the products, goods or services through such digital platform. Or facilitate the shipment of goods or provide logistic services and post-purchase support within such platforms.”
Kabilang na rito ang mga marketplace para sa online shopping tulad ng Shopee at Lazada, pati na rin mga food delivery platform, at iba pang platform para sa accommodation booking tulad ng AirBnb.
Sino ang apektado ng online seller tax?
Nilinaw ng BIR na ang mga kailangan lamang na magbayad ng 1% tax ay ‘yong mga online seller na ang annual total gross remittances o ang taunang kita ay aabot o hihigit ng Php500,000. At muli, ang ibabawas ay 1% ng kalahati ng kanilang annual remittances.
Hindi kabilang dito ang mga online seller na ang cumulative gross remittances sa loob ng taxable year ay hindi aabot o hihigit ng Php500,000. Pati na rin ang mga seller na subject to a lower income tax rate.
Subalit, ipinaaalala rin ng BIR na sa kabila ng hindi naman lahat ay subject sa tax, kailangan pa rin na lahat ng local online sellers ay magparehistro sa BIR upang makapagbenta sa mga online platform. Samantala, ang mga existing sellers ay dapat na mag-submit ng kompletong Business Information sa Seller Center ng digital marketplace.
Dagdag pa rito, ayon sa BIR, maging ang mga physical stores na may business account na mayroong e-wallet platforms tulad ng GCash at Maya ay subjected din sa same policy. Habang ang mga personal accounts naman ay hindi covered ng polisiya.
Withholding tax computation
Ang calculation o computation ng withholding tax ay nakadepende sa VAT registration type ng seller o ng entity. Nakabase ito kung VAT registered o Non-VAT registered ang merchant. Makikita ito sa BIR Certificate of Registration.
Ayon sa Shopee Seller Education Hub, narito ang paraan ng pag-co-compute ng withholding tax:
Samantala, ayon naman sa simpleng computation ng Taxumo, halimbawa ay nagbenta ang seller ng produkto na nagkakahalaga ng P1,000. Sa ilalim ng new system, ang P10 (1% ng P1,000) ay iwi-withheld at ireremit ng marketplace sa BIR. Kumbaga, unti-unti naman ang pagbawas ng marketplace ng tax. Kapag oras na para bayaran ang iyong annual taxes. Maibabawas na rito ang mga unang nakuha ng marketplace sa mga produktong naibenta.