Cristine Reyes annulled na ang marriage sa ex husband, aktres at Marco Gumabao napag-uusapan narin ang pagpapakasal

Cristine pinili daw na hindi isapubliko ang annulment dahil hindi naman daw dapat itong i-celebrate.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cristine Reyes ibinahaging isang taon ng annulled ang kasal nila ng ex husband niyang si Ali Khatibi.

Mababasa dito ang sumusunod:

Annulment ni Cristine Reyes at ex husband na si Ali Khatibi

File photo

Sa pinaka-latest niyang panayam ay ibinahagi ng aktres na si Cristine Reyes na annulled na ang kasal nila ng ex husband niyang si Ali Khatibi. Kuwento pa ng aktres, isang taon ng annulled ang kasal nila. Pero pinili niyang hindi isapubliko ito dahil isang bagay daw ito na hindi naman dapat i-celebrate.

“Matagal na, Tito Boy. Yes po, like more than a year. Hindi ko naman siya in-announce eh. It’s not something I should celebrate.”

Ito ang naging sagot ni Cristine sa panayam sa kaniya ni Boy Abunda sa programa nitong “Fast Talk”.

Si Cristine at ex husband niyang si Ali ay nagkaroon ng isang anak na nagngangalang Amarah. Siya ngayon ay walong taong gulang na. Sila ay ikinasal noong 2016 at naghiwalay noong 2019.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Cristine Reyes

Cristine Reyes and Marco Gumabao relationship

Sa ngayon si Cristine ay in a relationship sa aktor na si Marco Gumabao. Si Marco na present rin sa parehong panayam kay Cristine ay ibinahagi na napaguusapan na rin nila ng aktres ang pagpapakasal at pagbuo ng future nila ng magkasama.

“Of course. Basta ang usapan namin is ay ‘yung future together. Pero ‘yung details or kung ano of course konti-konti, pero ‘yung long view ‘yun ang napag-uusapan namin, yes.”

Ito ang sabi pa ni Marco.

Abril ng nakaraang taon ng ibahagi ni Marco na opisyal na silang magboyfriend-girlfriend ni Cristine. Ito ay ginawa niya sa Instagram sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan nila ng aktres na nasa isang beach trip.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You are my home and my adventure all at once.”

Ito ang sabi pa noon ni Marco sa kaniyang post na tumutukoy kay Cristine.

Larawan mula sa Facebook account ni Cristine Reyes

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement