Ano ang croup infection sa baby?

Minsan, ang simpleng ubo ay kinakailangan din ng medikal na payo mula sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bilang mga magulang, talaga namang mabigat sa kalooban kapag nakikita natin ang ating mga anak na may sakit o impeksyon. Katulad na lamang ng biglang pagbabago ng panahon at magkakaroon na agad ng sipon ang iyong anak. Sapagkat ang sipon o ubo na nararanasan ay maaaring mahirapan sila sa paghinga, makatulog at maging iritable. Maaari rin na hindi lamang simpleng ubo ito at isa na palang impeksyon, ito ang mga bagay na dapat mong malaman patungkol sa croup infection. 

Croup infection | Image from iStock

Ano ang croup infection?

Karaniwan sa mga tipikal na nanay, home remedy agad ang kanilang solusyon para sa ubo. Subalit minsan, ang impeksyon na ito ay lubhang nakakaalarma at kinakailangan ng gabay ng paediatrician. Croup infection sa bata, ito ang maaaring makuha sa simpleng ubo kapag hindi naagapan.

Umaakyat ng 3 porsyento ang bilang ng mga sanggol na nagkakaroon ng croup infection sa loob ng anim na buwan hanggang limang taon. Sa ibang kaso, nagagamot ang croup infection sa bahay. Subalit kung ang impeksyon ay malala, kinakailangan nila ng pangangalaga ng doktor.

Narito ang mga kailangan mong malaman tungkol sa sintomas, precaution at treatment sa croup infection sa mga baby.

Posibleng sanhi ng croup infection

Ang croup infection ay kadalasang sanhi ng isang viral infection na para parainfluenza virus. Maaaring makuha ang virus na ito sa mga cough droplets o kaya naman ang kapag may suminga. Napupunta kasi ito sa hangin, sanhi kung bakit maaari itong makuha ng iyong anak. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kabilang banda, ang virus dala nito ay maaaring manatili sa mga laruan o mga gamit sa bahay. Kapag ang iyong anak ay nahawakan ang isang gamit na may droplets ng parainfluenza virus at hinawakan ng iyong anak ang kaniyang mukha, lalo na sa kaniyang bibig, ilong, at mata. Maaari niyang makuha ang sakit. 

Sintomas ng croup infection

Ang croup ay nangyayari kapag nagkaroon ng inflammation sa larynx and trachea ng isang bata. Ito ang dahilan ng “barking cough”. Tatlong araw matapos dapuan ng impeksyon na ito, saka lamang lalabas ang mga sintomas ng nasabing impeksyon. Tumatagal ito ng tatlo hanggang pitong araw at mas lumalalala kapag gabi.

Narito ang karaniwang sintomas ng croup sa mga baby:

  • Barking cough – Ang malakas na tila tahol na ubo ay mas pinapalala ng pag-iyak at pag-ubo. Maaari ring magpakita ang anxiety at pagkabalisa ng mga sanggol rito. Habang ang wheezing sound naman ay nagmumula sa upper airway ng bata dahil ito ay namamaga. Ito rin ang dahilan kung bakit sila nahihirapan huminga.
  • Lagnat – Kung umakyat ng 38° C pataas ang temperatura ng baby, siya ay may lagnat na.
  • Maingay na paghinga – Isa sa mga sintomas ng croup sa mga baby ay kapag nahihirapan silang huminga. Ang paghinga na ito ay sinamahan ng hindi maipaliwanag na tunog.
  • Runny nose – Isa pang mararanasan ng iyong anak ay ang discomfort o runny nose. Sinamahan pa ito ng pagbahing at baradong ilong.

Kung mild lang ang sintomas ng croup sa mga baby, ito ay tumatagal ng lima hanggang anim na araw. Subalit para sa iba, ang croup ay tumatagal ng 14 days. Ito ang senyales na kinakailangang mo nang ipatingin sa doktor ang iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailan dapat pumunta sa doktor?

Kumunsulta sa doktor kapag napansin mong mas lumalala ang kondisyon ng iyong anak at hindi gumagana ang mga gamot na ibinibigay mo. Narito ang mga kailangang bantayan:

  • Hirap sa paglunok
  • Paglalaway
  • Hirap sa paghinga
  • Fatigue
  • Pagkabalisa
  • Pamumutla
  • Pagkakaroon ng tila kulay gray/blue na balat sa ilong, bibig at kuko

Ang croup ay kadalasang dahil sa parainfluenza virus. Pumapasok sa kanilang katawan ang virus na ito kapag nalanghap nila ang infected respiratory droplets. Maaari ring makuha ito sa mga laruan na laging hawak ng iyong anak. Kaya naman laging linisin ang mga ito para maiwasan ang ganitong uri ng sakit.

Ang croup sa mga baby ay kadalasang mild lang ngunit may iba rin na severe.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Croup infection | Image from iStock

Pag-iingat para maiwasan ang croup

  • Maghugas ng kamay: Isa sa mga dapat ugaliin ay ang madalas na paghuhugas ng kamay para maiwasan ang impeksyon. Siguraduhin na bago kargahin o makipaglaro kay baby ay malinis ang mga kamay. Sabihin din ito sa ibang miyembro ng pamilya.
  • Umubo o bumahing gamit ang tissue: Kailangang gawin ito ng lahat. Kapag babahing o uubo, gumamit ng tissue o panyo.
  • Maglinis: Ang mga virus ay nabubuhay sa bawat surface. Kaya naman kailangang maglinis palagi. Katulad na lamang ng paglilinis at pag-disinfect ng laruan ng iyong anak.

Gamot para sa croup ng baby

Ayaw nating nagkakasakit ang ating mga anak. Kaya naman narito ang ilang paraan para maiwasan o mabigyan ng relief sila.

  • Gumamit ng mist humidifier – Kung wala kang ganito sa inyong bahay, maaari namang gumamit ng suob o steam. Patagalin ito ng sampung minuto. Makakakatulong ito para sa baradong ilong ni baby.
  • Pakalmahin ang iyong anak – Ang ubo ng bata ay maaaring lumala dahil sa stress. Subukang pagaanin ang paligid. Kantahan siya ng lullaby o patawanin.
  • Bigyan ng madaming fluids – Sa ganitong oras, kailangan ng madaming fluids ng iyong anak katulad ng tubig. Nakakatulong ito para mawala ang sipon at makahinga na ng maayos ang bata. Kapag wala pang 6 months ang iyong anak, manatili lamang sa pagpapainom ng gatas ng ina.
  • Upright position ng pag-upo – Kapag ang ubo ng iyong anak ay walang tigil, paupuin sila. Makakatulong ito sa kanila para makahinga ng maayos kumpara sa nakahiga. 

Croup infection | Image from iStock

Medikasyon

Kung walang pagbabago sa kondisyon ng iyong anak sa loob ng dalawang linggo, dalhin agad sila sa doktor at huwag nang patagalin pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Medikasyon para sa ubo at lagnat ni baby.
  • Para mapabuti ang pamamaga ng airway ng iyong anak, bibigyan ka ng anti-inflammatory medicine ng doktor.
  • Bibigyan ng tamang gabay ng doktor ang kondisyon ng iyong anak.

Isa ring gamot para rito ay ang pagkakaroon nila ng sapat na tulog. Huwag agad na matakot kapag nakitang umuubo ang iyong anak. Bigyan agad sila ng relief sa pamamagitan ng mga nabanggit sa taas. Laging tignan ang mga senyales na kailangan na ng medikal na payo ng anak.

Ang unang taon ng mga bata ay challenging para sa mga magulang. Mula sa ubo, mataas na laagnat, allergy pati na rin ang sleepless nights ni mommy! Ngunit tandaan, bahagi ito ng paglaki. Ang tanging dapat gawin lang ay ang mag-iingat at tamang kaalaman sa ganitong kondisyon.

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano

Here at theAsianparent Philippines, it’s important for us to give information that is correct, significant, and timely. But this doesn’t serve as an alternative for medical advise or medical treatment. theAsianparent Philippines is not responsible to those that would choose to drink medicines based on information from our website. If you have any doubts, we recommend to consult your doctor for clearer information.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano