May kakaibang comfort na dala ang pagyakap, madalas na nakakapapawi ito ng pagod sa isang mahabang araw. Sa mga married couple, bakit nga ba mahalaga ang tinatawag nating cuddle?
Mga mababasa sa artikulong ito:
- 5 dahilan kung bakit mahalaga ang cuddle sa married couple
- 5 different love languages
5 dahilan kung bakit mahalaga ang cuddle sa married couple
Ang cuddling ay ang special touch na may affection na kadalasang isine-share natin sa ating mga mahal sa buhay. Kaiba sa simpleng yakap, ang cuddling ay may involvement ng mahabang whole-body touching. Ito ay behavior na nakalaan talaga para sa mga taong dama natin ang safety at vulnerability.
Sa pamilya, nagka-cuddle ang mga magulang at anak upang makabuo ng matibay na emotional bond. Sa iyong asawa higit na may saysay ito bilang sila ang pinakamalapit na taong mayroong ka.
Isa sa pinaka-comforting at masarap sa pakiramdam ang salubungin ng masarap na yakap matapos ang isang mahaba at nakakapagod na araw. Dito mo mararamdaman ang labis na pagmamahal at pagpapahalaga sa iyo ng partner mo. Tila ba napapawi lahat ng pagod dahil dito.
Marami ang maaaring maging posisyon ng cuddling. May mga pagkakataon na ang couple ay magkapulupot ang binti sa lap ng partner at ganoon din ang mga braso. Mayroon namang formation na tinatawag na spooning kung saan ang taong nakayakap nang buo ay ang ‘big spoon’ at ang niyayakap naman ang ‘little spoon’.
Sa magkasintahan, kadalasang ginagawa ito bago at pagkatapos makipagtalik at maging paggising sa umaga.
Sa mga pag-aaral, ang average amount daw ng panahon ginugugol ng mga nasa comitted relationships sa cuddling ay nasa tinatayang 30-40 minuto kada 3 hanggang 5 beses sa isang linggo.
Ayon din sa mga research na ito, maraming psychological, physiological, and relational health benefits ang cuddling. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang cuddle para sa inyo ni misis at mister:
BASAHIN:
3 reasons kung bakit mahalaga ang ‘after sexcare’
12 signs na rough sex ang pagtatalik niyong mag-asawa
7 mistakes kaya nasisira ang communication ng mag-asawa
1. Nagre-release ito ng cuddle hormone na maganda para sa mga couple.
Nagbibigay ng ‘cuddle hormone’ o ang oxytocin ang iba’t ibang affectionate touch kabilang na ang cuddling. Tumutukoy ang oxytocin sa natural love hormone na tumutuwang sa tao upang lalo pang maramdaman ang closeness at pagmamahal sa kanilang partner.
2. Nagbibigay ng positibong emosyon.
Dahil nga nagbibigay ang cuddle ng happy hormones, maaaring mabigyan nito ang magpartner ng maraming positibong emosyon. Kabilang sa mga emosyon na iyon ay ang trust, adoration, at love. Ang behavior na ito ay itinuturing na nurturing kaysa sexual kahit mas madalas na nangyayari ito sa tuwing magtatalik ang magkasintahan.
3. Nakakatulong upang ma-maintain ang focus sa karelasyon.
Sa mga pag-aaral din ay nakita na maaaring makatulong ang cuddling sa pagme-maintain ng focus sa relasyon. Nagkakaroon kasi ng mababang perceptions sa iba’t ibang available na options sa labas ng relasyon dahil ang focus ay nasa partner lamang. Naiiwasan nitong mag-isip ng ibang karelasyon o pananatiling maging single.
4. Napapaunlad ang satisfaction ng mag-partner.
Napag-alaman sa isang experimental study, na mataas ang satisfaction ng married couples sa kanilang relasyon dahil sa pagka-cuddle. Ikumpara ito sa mga mag-asawang hindi madalas ginagawa ito at nakitang mababa ang satisfaction ng relasyon para sa kanila.
Dahil nga maraming naipaparamdam ang cuddling na positibong emosyon, sunod-sunod din ang magiging masayang pagsasama ng mag-asawa kaya mas satisfied ang pagsasama.
5. Dumadagdag din ito sa sexual satisfaction.
Importanteng relational bond ang after sexcare sa married couple, kasama sa aftercare na ito ang cuddle. Ang panahon na ginugugol sa cuddling ay maaaring makapagbuo ng matinding physical and emotional attachment dahil sa pagbabahagi ng kanilang thoughts and feeling sa isa’t isa o kaya kahit ang simpleng maramdaman lang ang init ng kasintahan. Maaaring makatulong ang cuddling sa future satisfaction pa ng mag-asawa.
5 different love languages
Iba’t iba ang paraan ng tao kung paano nila gusto maramadam ang pagmamahal. Sa mag-partner, mahalagang alam mo kung paano mo gusto matanggap ang pagmamahal at paano gusto ng iyong partner na siya ay mahalin.
Ang ganitong konsepto ay tinatawag na love language. Alamin ang limang uri nito para mapaunlad pa ang relasyon ninyong magkasintahan:
- Words of affirmation – Gusto mo na nakakatanggap ng papuri, compliments, encouragement at appreciation through spoken affection.
- Acts of service – Natutuwa ka na may mga ginagawang workload si partner willingly. Halimbawa ay kung ipaghahanda ka niya ng hapunan o kaya ay lilinisin ang bahay.
- Receiving gifts – Masaya ka sa tuwing nabibigyan ka ng regalo kahit pa simple lamang iyan.
- Quality time – Nararamdaman mong importante ka sa tuwing present ang attention sa’yo ng iyong partner.
- Physical touch – Mas gusto mong may physical na interaction sa isa’t isa gaya na lamang ng cuddling, kisses at hugs.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!