Ang colic sa mga sanggol ay hindi na naiiba. Ngunit napakingaan mo na ba ang salitang colic? Halos lahat sa atin ay hindi pamilyar dito. Kaya naman malaki ang maitutulong ng pag-aaral kung ano ba talaga ang kondisyon na ito.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Dahilan kung bakit iyakin ang baby
- Ano ang sanhi ng colic?
- Mga makakatulong sa baby na may colic
- Palatandaan kung kailan dapat dalhin sa doktor ang sanggol
Dahilan kung bakit iyakin ang baby
Hindi agad nabibigyan ng diagnosis ang isang baby sa kondisyon ng colic. Subalit maraming sintomas nito ang iyong mapapansin. Katulad na lamang ng malalang pag-iyak na umaabot ng matagal na oras. Karaniwan na ito sa unang tatlong buwan ng mga sanggol.
Pagsapit ng anim hanggang walong linggo ng mga bagong panganak na sanggol, dito nagsismula ang kanilang pag-iyak. Hanggang sa ito ay paunti-unting mawala pagsapit ng 12 weeks. Mas kilala ito bilang ‘three-month colic’, isang kondisyon na madaling mapansin ang mga sintomas.
BASAHIN:
Uri ng disiplina sa batang umiiyak kapag natatalo sa isang bagay
Sleep training: Okay lang bang hayaang umiyak ang baby sa gabi?
3 paraan para mabawasan ang pag-iyak ni baby kapag tinuturukan ng bakuna
Ano ang sanhi ng colic?
Walang nakakaalam. Maraming teorya ang nagsasabi kung bakit ba talaga umiiyak ang isang sanggol ngunit wala pa ring nagpapatunay rito. Babae man ito o lalaki, breastfed ka man o bottle-fed, prone ka pa rin sa colic.
May isang pag-aaral naman na nagsasabing ang mga nanay na naninigarilyo habang sila’y buntis ay may mataas na tiyansang magkaroon ng colic ang kanilang anak paglabas. Ngunit hindi pa naman ito napapatunayan.
5 na rason kung bakit iyak nang iyak si baby
- Hindi pa marunong kontrolin ng mga sanggol ang kanilang emosyon. Kaya naman pag-iyak lang ang tangi nilang naiisip na gawin para ilabas o ipakita ang tensyon na ito.
- May ibang bata na sensitibo o may allergy sa protina na mayroon ang gatas. Breastmilk man ito o formula milk.
- Sobra o kulang sa pagkain pati na rin hindi makadighay ng maayos.
- Mabilis na pag-inom ng gatas. Kinakailangang ito ay malumanay lang at kalmado.
- Ang pag-iyak ng sanggol ay ang tangi nilang paraan para sabihin sa ‘yo ang kanilang pangangailangan.
Kailan nagiging malala ang colic?
Kadalasang nasa peak ang colic pagsapit ng hapon o gabi. Dagdag challenge para sa mga magulang ang tagpong ito dahil pagod na sila sa pag-aalaga sa baby sa araw.
Mas malala ang colic sa mga sanggol na walang sapat na tulog.
Ano ang makakatulong sa baby na may colic?
Mabilis magbago ang gusto ng mga sanggol. Biglang mga magulang, kinakailangan natin silang pakiramdaman at intindihin ang nais ng walang salitang nag-uugnay.
Ngayon, gusto ng iyong anak na kargahin siya, bukas gusto naman niya sa kaniyang duyan. Walang “tama” na dapat intindihin sa pagpapatahan sa batang iyakin. Subukan ang mga bagay na bagay para sa inyo.
Strategy para sa iyong baby:
- Maligamgam na pagligo na may kasamang masahe.
- Madalas na pagpapasuso.
- Isang suso lamang ang ibigay sa iyong anak sa bawat session.
- Gawing madilim ang kwarto ni baby sa gabi kapag matutulog na siya.
- Sanayin ang sarili sa regular na pagpapakain. Maglaan ng tamang routine.
- Para sa mga bottle-fed babies, kinakailangang sundin ang tamang sukat ng gatas na ilalagay sa bote. Kung kulang ito, maaaring hindi makuha ng iyong baby ang sapat na sustansyang kailangan nila. Kung napasobra naman ang gatas, pwedeng sila ay maging constipated at delikado sa kanilang kidney.
- Isama sa morning walks si baby.
- Makakatulong kung kakantahan mo si baby!
- Subukan ang white noise.
Dalhin sa doktor ang iyong anak kung:
- Nag-aalala kana sa kaniya.
- Pagbabago ng kanilang temperature na may kasamang pagsusuka. Samahan pa ng rashes o ibang sintomas.
- Hindi pagtaas ng timbang
- Pagtatae o pagkakaroon ng dugo sa kanilang dumi
- Pagbabago ng sleeping pattern
- Hindi makatulog
- Mataas na tono ng pag-iyak
- Mahinang pag-iyak
This article was first published in KidSpot and republished on theAsianparent with permission.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano