Labis na natuwa ang fans at followers ni Dani Baretto nang ibahagi niya ang kanyang “best version” sa pagpasok pa lamang ng taong 2023
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Dani Baretto ipinakita sa netizens ang “best version” niya ngayong 2023
- Healthy tips on how to lose some weight
Dani Baretto ipinakita sa netizens ang “best version” niya ngayong 2023
Talaga namang masasabing “good start” ang year para kay Dani Baretto. Marami kasi sa kanyang fans at followers ang labis na natuwa nang makita ang ibinahagi niyang mga larawan sa kanyang social media accounts.
Sa kanyang Instagram, ipinakita niya ang current photo niya kung saan kitang-kita na malaki ang ibinaba ng kanyang timbang dahil sa pagsailalim niya sa weight loss program. Ito ay nang ipasilip niya ang mga larawan noong siya ay 160 lbs pa lamang at ngayon ay 129 lbs na.
Sinabi niya rin na ang nagdaang taon daw ay tinuruan siyang mahalin muli ang kanyang sarili. Ito rin ang naging pangunahing inspirasyon niya kaya siya nagbawas ng kanyang timbang. Nais niya raw simulan ang journey na ito at tapusin ng buong lakas,
“2022 taught me to love myself again. To begin again and finish strong.”
Binigyang diin niya rin dito ang kahalagahan ng self-love sa kanya. Ayon din kay Dani, ang 2023 daw ang magiging “best version” ng kanyang sarili,
“It has been quite a journey to self-love, but it was so worth it. Entering 2023 as the best version of myself.”
Matatandaang madalas pagtuunan ng pagkukumpara si Dani Baretto sa kanyang mga kapatid na sina Julia at Claudia Baretto. Marami sa netizens ang laging pinaghahambing ang kanilang physical na itsura. Dahil tuloy dito naapektuhan nang sobra ang self-confidence ni Dani.
Sa ngayon, napupuno naman ng supprotive comments ang post niya na ito sa Instagram. Marami ang nagpaabot ng suporta sa kanyang pagbabawas ng timbang. Mayroon ding mga nagtanong ng tips kung ano ang kanyang ginagawa para maachieve ito.
Healthy tips on how to lose some weight
For sure, marami ang ginawang new year’s resolution ang pagbabawas ng timbang. Hindi nga naman madali na ma-achieve ito. Marami ang pinaghihinaan ng loob sa una pa lang samantalang ang iba naman ay hindi kaagad nakakakita ng resulta. Kung isa ka sa mga may goal na magbawas ng timbang, narito ang ilang tips na maaaring subukan:
- Mag-ehersisyo nang may iisang pattern ng oras upang masanay ang katawan na ginagawa ito.
- Sa tuwing nagke-crave ng mga unhealthy foods, subukan munang uminom ng tubig para maiwasan ang temptasyon.
- Maglista ng goal na timbang kada buwan upang malaman kung successful ba ang iyong practices.
- Sa halip na kumain ng matatamis kapag stressed, palitan ito ng prutas na mainam para sa weight loss.
- Magkaroon ng support system na mag-eengganyo sa iyo dito.
- Kumunsulta sa experts para sa mas tamang pagbabawas ng timbang.